Biyenan

Hello mga mamsh, yung mama ng lip ko kasi sya nag representang bumili ng milk ni baby namin .kasi unang apo daw pero palaging nag paparinig na halos sya lang daw palagi bumibili ng gatas . Nagpapasalamat naman ako sa kanya kahit papano ma babawasan gastos namin ni lip kaso ayaw ko ng parinig . Kung tutulong sana tulong lang di yung paparinggan ka palagi. Masakit din sa part ko kasi full time housewife ako wala akong perang pang bili ng gatas ni baby. Kada sasabihin ko naman hinanakit ko sa lip ko yung mama nya kinakampihan nya kasi mama's boy din sya. Di ko na po kasi alam gagawin ko .? Iniiwasan ko narin mag pakastress kasi 11 days pa lang akong nanganak natatakot rin akong mabinat. Any advice naman po ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

almost same, pero ako kea pinapakisamahan ko papa nya kac wala na mama nya grade 5 plng sya nung namatay..at minsan naiinis ako sa papa nya, istrikto sa bahay at lahat din napapansin, parang my pinapakisamahan din akong mother in law.. pag nagsasabi ako sa partner ko, kakampihan nya lng lagi pamilya nya..kinakainis ko pa, pag nag.uusap kami ng partner ko o my pinag.uusapan kami..kailangan alam din nila..di cla titigil kakatanong kung ano ba yun pinag.uusapan namin..dapat alam din nila kung my mga plano man kami..although cguro kea ganun kac nasa puder kami ng pamilya nya..pero nakakainis lng kac na parang wala na kaming privacy.. pagkapanganak ko talaga..pipilitin ko talaga na bumukod kami.. ang hirap kac pag.nkikisuno..parang ansikip ng mundong ginagalawan ..

Magbasa pa

sis best way po is mag pabreastfeed kayo kay baby para po di na sya bumili milk kung isusumbat nya lang.. or sagutin mo para alam nya yung nararamdaman mo and aware sya na pag dating sa anak mo ikaw dapat masusunod.. 10mos. kami walang kibuan ng MIL ko dahil sa sinasabi nyang sinasaktan ko daw anak ko kahit ndi nman' pala sigaw lng ako pero di ko sinasaktan anak ko.. kla nya ata kada nasigaw ako eh may kahalong pananakit eh di nya nman nakikita.. Di sya kinampihan ng asawa ko dahil alam ng asawa ko ugali ko at diko sinasaktan anak ko di dn nya ininsist na mag sorry ako or what dahil alam nyang diko gagawin un.. MIL ko unang pumansin sakin nung bday nya hanggang sa naging ok na ult kmi and wa keber nlng sya sa pag didiaiplina ko sa anak kong ubod ng kulit..

Magbasa pa

pag nag presinta ulit byenan n mo n bumili. sabhin mo kahit wag na Kasi lagi n lng siya bumibili. 😁 para bumalik sa knya mga salita Niya.. haha nanay Niya Kasi Yun sis. ipag tatanggol tlga Niya Lalo n nga sabi mo Mama's boy siya. iwasan mo mag Sabi Ng d maganda sa mom Niya.. pero pilitin mo siyang bumukod Kayo. nakatira din kmi sa bahay Ng byenan ko. pag may gusto mom Ng husband ko Isa siya sa kinukulit ko.. " ayaw ni Mami Ng ganyan. ayaw Ng Mami mo Ng ganito, Sabi Ng Mami mo gawin natin to. Ska ito pa.. " haha pati siya na stress minsan. para d Lang ikaw😂😂 share mo din stress mo sa knya.. hahaha pero never ako nag salita Ng masama sa mom Niya. mama Niya pa rin Kasi Yun masasaktan siya pag nag Sabi ako masama.

Magbasa pa

Grabe nmn po yan 11 days pa lng nmn kayo ng baby niyo makapagparinig na sya lagi bumibili ng gatas kala mo nmn ilang taon na baby niyo. Dpat po kc binibigyan ka din ng pera ng lip nio d nmn po pwede na porket nasa bahay ka e d ka na nya pahahawakin ng pera. Syaka baka mamaya ung lip nagaabot din sa mama nya pambili ng gatas tapos sinasabi lng nya na sya palagi bumibili. D po ba kayo nagpapabreastfeed mommy? Maganda din po kc kung nagpapabreastfeed kayo kahit d bumili ng gatas okay lng kasi meron kang sariling supply ng milk.

Magbasa pa
4y ago

Bakit pinagbabawalan ka ng MIL mo magbreastfeed daw mommy? Dapat your baby your rules. Kausapin mo LIP mo po. Wala ba siya iba kapatid na mahingan mama niya? Dapat kayong mag ina priority niya, kung may extra xka na magbigay sa mga magulang. Sa totoo lang ndi obligasyon ng anak sustentuhan ang magulang lalo kung pamilya nyo nman dehado. Okey lang magbigay pero dapat pinag-uusapan ninyo. Tingin ko nasa LIP mo problema. Pagpasensyahan mo nlang mommy and konting tiis pa. Di bale nabanggit mo nman na babalik kdn sa work. Pero huwag mo hahayaan na MIL mo nasusunod sa pagpapalaki ng anak mo.

tbh, sorry po ah, pero ikaw po ang magulang at dapat ikaw magprovide. para sa akin po if iaasa sa ibang tao yung needs ng baby mo that just means, di ka pa handa magkababy. if wala ka po pambili ng gatas or your lip wont provide, mag BF ka po. Di ko pwede ipayo sayo na mag business ka considering wala pa 1 month baby mo and you better focus your energy and time sa baby. wala ka naman work so yun na lang gawin mo, mag BF ka. ang pagbebaby po kasi momsh pinaghahandaan po yan.

Magbasa pa

ay naku sis , pag ganyan ang ugali ng MIL mo maniwala ka toxic sa relasyon nyo yan . tapos yan pa magiging reason ng pagkabinat mo mahirap makisama sa ganyang byenan tapos mama's boy pa asawa mo wala kang kakampe dyan , ganyan din yung naexp. ko sa dati kong asawa kaya kame nagkahiwalay kase napakatoxic ng nanay nya advice ko lang sis if okay ka sa side mo dun ka muna para lang dika mastress sa ugali ng byenan mo , mahirap yan bagong panganak ka pa lang naman

Magbasa pa

magbreastfeed kna lang mumsh..mas mkakatipid kayo. hindi karin masyadong mapupuyat. 🥰 pra wlang masumbat yang byenan mo, c mr mo hindi nmn hbang buhay mguging mamas boy yan. tiis2x lng muna mumsh, bsta wlang sakitan na nangyayari. pnagdaanan ko narin yan nong bago plang kmi ni hubby. pro ito, ok na ang lahat. isa lng yan sa mga pagsubok ng mag asawa. wag ka lng msyadong papaapekto, ingatan mo lagi sarili mo.😊🥰

Magbasa pa
VIP Member

ganyan aq nung bagong panganak wla kming work n hubby dhil ex abroad kmi so ngplan tlga aq na breastfeed si baby pra less gastos..praktical at wais lang kumbga..so ngpursge po tlga aq mgpadedebkay baby,inom dmi tulog,kain malunggay or inom ng capsule untill now breasteed pdn kmi 8 months na si baby trning 9..online seller din aq ngaun para khit papanu diaper n baby aq bbli dna si bianan kc nkakahiya qng sila lhat

Magbasa pa

Buti naman hindi ganyan byenan ko. At hindi rin ganyan ugali ng mr ko na kakampihan nya pa nanay o mga kapatid nya. 😊 hehe Sobrang swerte ko lang sa byenan at sa asawa pero malas ako sa isang kapatid ng asawako.. Palaging naka simangot kapag nakkta ko akala mo kinaganda na bubuset ako! HAHA hinahayaan kona lang sya. 😄 Magtaray ka hanggang kailan mo gusto lakumpake🤣🤣

Magbasa pa

that's why i choose to Breastfeed realtalk lang po, Full time mom ka, hirap san kukuha ng panggastos idadagdag pa ang pambili ng milk ni baby kung nag breastfeed ka wala kang maririnig sa byenan mo makakatulong ka pa s LIP mo, wag sabihin n wala aqng milk or onti. Need lang ng dedication. Pa lactation massage ka at ipalatch ng ipalatch ang boobs kei baby.

Magbasa pa