48 Replies

Dapat iconsider ng asawa mo yung nararamdaman mo sa ganyang sitwasyon. 3 months preggy din ako. Yung asawa ko doctor pa. Di maiwasan mga inuman, outing and everything pero kapag sinabi kong di ako comfortable sa mga kasama nya, di nya na tinutuloy. Lagi sya nagpapaalam with pics pa kahit di naman ako nagpapasend ng pics. Hahaha. Saka pag gusto nya talaga sumama, pinakikilala nya sakin yung mga kaibigan nya para maging comfortable ako. Minsan naman sa bahay nalang sila nag iinuman para atleast kasama pa rin ako sa kwentuhan nila. 😅😅 Give and take lang. Wag mo din masyado pagbawalan pero kung di talaga maiwasan, dapat iassure ka nya para maging comfortable ka. Lalo ngayon sensitive and emotional maging buntis. Usap lang kayo sis sabihin mo din yung nafefeel mo sa kanya. Wag ka na masyado mastress. 😊

Wag mo nalng isipin asawa mo pilitin mo tibayan ung loob mo ngayon ngbubuntis ka my mga ganyan tlgang lalake ganyan dn asawa ko dti bata pa kc kme non 21 plang asawa ko nun puro stressed 😂🤦‍♀️ ayoko naman mgbgay ng negative side minsan kc tyo lng gumgawa ng ikakasama ng isip ntn sa partner ntn pabayan mo nlng sya paguwi nya kausapin mo nlng na last na nya yan at wag na uulitin.. Itanong mo kung sino ba priority nya tlaga at sabhin mo laht ng ayaw mong gingawa nya makiusap ka na wag ka bigyan ng sama ng loob at stressed habang ngbubuntis tska na kamo paglabas ng bby magbugbugan pa kayo 😂😂haha char lng momsh..

Napaka inconsiderate naman ng asawa mo. Tapos ayaw pa sabihin sayo kung saan? Maniwala ka sakin may tinatago yan. Trust your instincts. Buntis ka pa naman tapos iniistress ka ng ganyan. Palibhasa hindi alam ng mga lalaki kung gaano kahirap magbuntis at kung anong nararamdaman ng mga buntis. Kaya akala nila ok lang mag lamyerda sila kasi buntis nga at di ka maisama. Pagsabihan mo yan. Kausapin mo. Aware rin naman pala sya na nandun yung pinagseselosan mo pero go na go sya tapos ayaw sabihin kung saan? Ano sya binatang nagtatago sa magulang??

Buntis ka ate. Bakit iniiwan ka niya. Alam ko po mahirap ito sa'yo. Pero 'wag ka po masyadong mag-isip ngayon dahil hindi yan makakabuti sa dinadala mo. Ako po 2months na buntis. Minsan po talaga marami tayong feelings na 'di natin maintindihan at nauunawaan po kita ate dahil kung ako rin naman po ang nasa kalagayan mo, ganyan din mararamdaman ko. Pero ate, mas mahalaga 'yung baby mo ngayon. Inhale and exhale. Tapos inom ka po ng tubig. At higit sa lahat mag-pray ka po kay Lord, Siya na po ang bahala. God bless po ❤️

VIP Member

Yong asawa ko nga nahuli ko my ka chat2 pero hndi nman cla ng kita yong pngpalipas oras lng nya sa trabaho yon nahuli ko subrang sakit ng dibdib ko buntis ako lagi ako non umiyak gsto ko nga cya iiwan..Pro naayos nman nmin kasi tinigil nya ksi ayaw nya masaktan ako bka mapano baby Nmin..Ng sory cya sa akin sa pgkakamali nya ngayon kng ano gsto ko sinunod nya khit minsan inaaway ko cya taas prin pacencya nya khit naiinis na cya ksi iniintidi na nya ang pagbubuntis ko ksi pag buntis tayo subra tayo sa emotional...

Nagpaalam ba sya sayo days before? Bat di ka na lang sumama? Sa susunod sana sumama ka na lang para di ka naiistress mag isa. Samin naman pag pwede magsama sinasama ako ni hubby pero pag hindi like company outing, di sya sumasama pag di ako pumayag lalo na siguro kung may pinagseselosan ako dun kasi world war 3 yan at allergic sya sa away kaya sunod na lang sya😅 Kausapin mo sya ng masinsinan lalo buntis ka grabe tumaas emotion mo pero controlin mo para kay baby

Night swimming po kasi thats why hindi ako pwede

Yung asawa ko kapag may pupuntahan magtatanong muna sakin kung okay lang ba.. Kasi kung hindi, hindi na siya pupunta. Ingat na ingat siya sa pwede kong maramdaman kasi buntis ako 9 months at maselan. Besides kahit naman saan siya pumunta okay lang sakin kasi may tiwala naman ako sakanya.. Yung pagbabawal ko sakanya hindi dahil sa nag iisip ako na baka may gawin siya kundi dahil nag aalala ako palagi sakanya simula nung naaksidente siya

sakit talaga sa ulo mga lalaki na walang pakialam sa nararamdaman ng asawa nila.. at yang mga Haliparot na yan kahit alam nilang may asawa na nilalande parin ang baba talaga ng uri! sana mawala na sa landas ang ganung klaseng nilalang haist! relax kalang momshie better na kausapin mo yang asawa mo para alam niya ang nararamdaman mo may asawa na kamo siya kaya huwag na siya mag asta binata at magbigay pa ng motibo sa mga malalande!

pag Lalo k nag hahabol Lalo Lang Yan mamimihasa. mas mag mumukha k pang desperate sa mata Niya. . lalo din yan kakawala sayo. d mo Yan mapipigilan Kung gusto gumawa Ng kalokohan.. communication lang sis.. sabhin mo ayaw mo at ano gusto mo mangyari. Kung d Niya magawa gusto mo, bahala kna gumawa Ng terms ano sa tingin mo mas makakabuti sayo at sa baby mo. kaya mo Yan..wag k lng papadala masyado sa nararamdaman.

Hello po, mabuti pong sabihin niyo po sa inyong asawa ang inyong nararamdaman upang maunawaan niya rin kayo. Mag-usap po kayo ng maayos. Saka po dapat din maunawaan ni mister na napakasenstibo po ng inyong sitwasyon dahil buntis po kayo. Mommy baka pwedeng makatulong ang article na ito. https://ph.theasianparent.com/tips-sa-magandang-relasyon https://ph.theasianparent.com/payo-sa-mag-asawa

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles