nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies

Mas maganda po open kayo sa asawa nyo. Kung saakin ganyan asawa ko wala ng pasa pasabi sapak sakin yan haha joke. Pero kung ako komprontahin ko agad sya na bakit mas inuuna nya yung ibang bagay kesa sa pampaanak ganon. Hayy mga lalaki talaga nowadays.

I respect ur decision mummy, pero mom to mom advice, dapat open talaga kayo sa isa't isa kase kapag ganyan kinikimkim mo, nasayo ang bagsak ng sama ng loob, edi naka sama pa sa development ni baby kasi masama ang ma stress mummy iwasan mo yan! Basta kaya mo yan gawin mo ang best mo na makaiwas sa stress okay...

Nasasad talaga ako sa mga mommies na parang walang pakialam ang mga asawa nila, na mas inuuna ang wants vs needs. Ipagpray na lang natin sila mommy na someday marealize nila mga pagkukulang nila, na maging responsableng ama at asawa sila.

Nakakatampo nga naman, di man lang sya mag kusa nakuha na bonus at 13th month pay. Tsaka iexplain mo ung tungkol.sa online mo.totoo nga naman pinapaikot mo yon kung magagalaw ung puhunan mo pano ka pa makakapag online business diba.

Hahahahha mommy wala ka sa partner ko, binigyan ako ng 5k pambili ng sapatos 1month kong tinago tas kinuha ulit sakin pang gastos daw sa bahay hahahahha. 13month nya din yun, kaya binigay ko nalang baka masumbatan pa ako e. 🤣

Buti pa nga Mga asawa nyu may 13th month pay at bonus.yung sa asawa ko nga antagal na nya sa trabaho nya bonus lang natatanggap nya twing Christmas.and 3000 lang yun.ito sabi nya ibibili daw namin ng mga damif ni baby.

sabagay.. hirap maghanap ng work ngayon

buti nga ikaw mamsh nakita mo yung 13th month pay ng Asawa mo .. samantalang ako hindi kasi pinang sugal nya kasama ng isang cut off ng sahod nya at nag sangla pa ng phone dahil sa sa sugal ☹️ nakakastress talaga pag ganyan ..

super 😂

Ngaun magkakababy kayo panibago sis, dapat pinaguusapan nio na yan lalo ngaun malapit ka na pala manganak. di lang nman ikaw magulang nian baby mo, 2 kayo kaya pareho kayo may reaponsibility. lahat naman nadadaan sa paguusap

ganyan talaga... minsan talaga napaka emotional ng buntis ako ganyan din e... napipikon na sakin asawa ko minsan... hormonal changes... after 6 mos of giv8ng birth mawawala na yan lahat.... magiging ok na sayo lahat..

talk to him. dapat alam nya ung mga nararamdaman at mga iniisip mo. mag asawa kau pinag uusapan nyo dapat ung mga ganyan.. Obligasyon nya ang buhayin kau . dapat ndi ka maistress kasi buntis ka nakakasama sa baby yan

kausapin mo nalang ng maayos... sabihin mo lang na need na natin mag start mag ipon... para di tayo mahirapan...baka sakali maisip nya..at wag ka po magpastress...bawal po sa buntis mastress... kawawa naman si baby

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles