nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm blaiming society for this. Yung masyadong nag iimpose nang strong and independent woman. Na make your own money. Although tama naman yung make your own money pero pagdating sa pagaasawa hindi mo naman pwede panindigan nalang na kaya mo lahat. For example. Ako sis mas malaki kinikita ko kesa sa asawa ko, pero simulat sapul na magsama kami inoobliga ko siya na isurrender 80% nang kita niya. Bakit? Kasi ganun din ako yung pera ko 90% napupunta sa household bills. Una nagmamatigas siya pero sabi ko kung hindi niya gagawin better maghiwalay na kami. And that's early training. Hindi ko na pinaabot pa na mabuntis ako bago niya kasanayan yung mga ganyang bagay. At sa gawaing bahay walang babae at lalake samin. Bago mag pandemic napa resign yung asawa ko at lilipat sana nang bagong work kaso naabutan nang ecq so for the time being ako lahat nang gastos pati check up ko. In return, asawa ko lhat namamalengke, nagluluto, naglalaba, naglilinis at naghahain nang pagkain. Ganun sana ang partners. Hindi ka pwede magkimkim nalang. Kelangan mo sabihin kasi yung asawa ko nuon hindi niya naiintindihan hanggat sa nagrereklamo ako. So hindi ko na agad pinapalagpas ang ilang araw kapag napapansin kong ngiging iresponsable siya. So kung ako sayo sis sanayin mo sarili mo magreklamo. Wag mo gawing miserable ang buhay mo. Kung ganyan din pala iniiwan ka sa ere mas mabuting magisa kesa may kasama ka nga pero magisa kaparin. Binubuntis kalang nang binubuntis tapos sakripisyo ka nang sakripisyo. Ginagawa mo naman pala part mo e. Tinatry mo kumita nang pera. Kapag ganyan asawa ko nagagalit ako sinasabihan ko agad na pa victim at feeling api sa buhay e parehas naman nahihirapan. Talagang kahit buntis nako tapos nagreklamo siya sa mga task niya hinahamon ko siya hiwalayan kesa gawin niyang miserable buhay namin nang anak niya better na hindi na siya makilala kung babatug batugan siya. Awa nang diyos nagigising naman sa katotohanan.

Magbasa pa

Wagmo sarilihin yang problema mo sis,may karapatan taung umangal at magreklamo,,kaya nga mag asawa kc nagadamayan kau s hirap at ginhawa,tapos ikw sinsarili mo lang,kong ako tatanungin mo sis,naku ndi pwede yan sakin,like samin ng hubby ko pareho kami ng trbho,ladyguar ako at Security guard din sya halos magkapareho lang sahod namin,yung pera nya,sya nagbabayad ng bills sa bahay,ako namn sa pagkain,at allowance nmin dlawa,,may isang beses nga nagtatanung sya bkit ang bilis lang daw mauubus ng pera,normal naman yan sagot ko kc kumakain tau,wla namn lebre,kay ang ginawa ko sis nililista ko lahat2x kahit pa vetsin ,basta lahat2x nilalagyan ko ng presyo,kong magkanu lahat kong magtatanung sya un,sinsaksak ko sa pagmumukha nya,,,kaya sabi ko ,,anu?nagkukwenta kp?mas malaki p nga gastos ko kysa sa pera n ngastos mo?!!lumalaban ako sis eh,hindi ko hinahayaan n ginaganyan nya akomminsan p nga mag aaway tlga kmi dahil jan kya ndi n ako nkatimpi yan nililista ko n lahat2x,,tapos cnbihan ko sya kong ganyan ka lang din mas mabuti ng magkanya kanya nlang tau sa buhay,pareho namn tau may trabho,wla n taung pakialaman,,,tapos hindi ko n sya iniimikan,hindi nya rin kinaya,,tapos nagnusap kami,,kong ganyan ka lang din mas mabuti p magknya kanya,ayaw naman,nya,,,kaya now,going strong namn kami sa awa ng Dios,at 17weeks preegy n ako,at nag stop n rin s trbho dahil sa pandemic na to,sya n lahat gumagastos,ayaw namn nya n ako papasukin kc nga delikado kmi ni baby...pero noong nagkapera ako sa sbws inunti unti ko na bumili gamit ni baby namin,at sya naman sa pampa check up..db?hayahay ang buhay kong magkakasundo kau mag asawa?pero ndi prin maiwasan magtatanung ulit kong nasaan na pera ko galing sa sbws,tapos nagrereport n namn ako kong panu nagastos kaya un nanahimik n sya,,,kaya hindi pwede misis na manahimik nlang tau,

Magbasa pa

Mommy, mag asawa kayo diba? Sino ba mas matipid? Kung siya pahawak mo sa kanya yung pera tapos hayaan mo siyang magbudget at mamroblema. Pero kung ikaw kunin mo na lahat at wag kang mahihiya. Kinikita niya man iyon ikaw naman yung asawa niya. Isa yun sa mga privilege mo. Isipin mo ah, binuntis ka na nga niya at nawala na nga yung freedom mo na mas magawa yung mga bagay na dapat talaga para sayo tapos magagawa niya pang magsumbat? Wag kang iiyak sa harapan niya and argue with confidence and conviction. Nako, siya na nga tong sinuswerte sayo at pinipilit mo pang magwork kahit na buntis ka tapos nadi-disregard ka pa? That's torture and way too much. Hindi masamang mag usap, and una palang ask his permission na patapusin ka na muna sa mga sasabihin mo, tutal ikaw naman yung nagbubuntis at malapit ka na rin manganak. Wag po tayong maawa sa sarili natin, wag din tayong magpapaawa sa harapan nila. Ipaglaban mo lang yung punto mo saka yung karapatan mo bilang buntis na asawa. Sabihin mo hindi mo na nga dapat pa hinihingi yun at kusa na sana niyang binibigay. Hindi ako masyadong malambot sa lip ko at mas ako ang nasusunod pagdating sa needs and even wants. Tandaan mo, hindi porque pinaghirapan niya yun sa kanya na kaagad. Nagagawa niyang magtrabaho dahil hindi siya ang nagbubuntis at hindi niya kayang magdalangtao!!! Shared kayo dun dahil yung pagtatrabaho mo at pagbubuntis mo yung biggest sacrifice mo para sa kanya at sa family niyo na kahit kailan walang katumbas!!!!! And isa pa, hindi takot sakin ang lip ko. May respeto lang. Ayaw niyang naipagkakait niya sakin yung privilege ko, dahil ayaw niya rin na magkaganyan ako tulad ng sayo. And lalo naman ako, pag may nangyayaring hind maganda nagsasalita agad ako kaysa naman hayaan ko pang magpatung patong, sa huli e ako din ang mahihirapan.

Magbasa pa
VIP Member

Sis naransan ko din yan, same situation tayo before. Sahod ng mr ko kanya lang, kasi never ako nanghingi. At ayoko kasing pinagaawayan ang pera. Pero alam mo, dumating ako sa puntong nangungutang nako para lang hndi makapanghingi sa kanya. Nalubog ako sa utang, kasi ung kinikita ko pag oonline selling kulang na kulang na. Kasi hindi nako makahingi. Ayoko din sya sumbatan. Kasi from the start ako naman yung nagturo sa kanyang wag magbigay, kinunsinte ko sya. Ginawa ko syang tamad at iresponsable. Nasa punto na din kami non na akin lahat. Sweldo nya, sweldo nya lang. Medyo maswerte kapa nabibilhan ng husband mo mga anak mo. Alam mo,ngayon nagbabayad pa din ako ng utang. Nasira ako sa ibang tao. Actually sa maraming tao. Kasi tinuruan kong maging tamad at iresonsable ang asawa ko. Kasi di ko sya inoobliga. Responsibilidad nating mga ina,na maging ilaw ng tahanan. Gumawa ng gawaing bahay,mag intindi ng asawa at anak. Pero obligasyon ng ama na maging haligi ng tahanan. Tustusan ang pangangailangan natin sa araw araw. Ibigay lahat ng sweldo sa asawa. Wag mo na hintayin sis, na dumating ka sa punto kung nasn ako ngayon. Napakahirap. Kausapin mo asawa mo,ipaintindi mo sa kanya na hindi mo kaya. Humingi ka ng tulong..ipaintindi mo yung gusto mong mangyari,dahil para naman sa mga anak nyo yun hindi naman para sa ibang tao. Habang maaga pa sis,wag mong gawing iresponsable ang mr.mo.. magusap po kayo. Ipaintindi mong hindi mo kayang ikaw lahat. Kasi meron ka ding pangarap para sa pamilya nyo.

Magbasa pa

Mamsh, speak up po sa partner ninyo. Pinakamalaking factor kasi ng prob mo ngayon, kinikimkim mo ang problema. Ang lalaki kasi as long as wala kang sinasabi, hindi makakaramdam since hindi naman sila mahilig mag-assume. Nagbabase lamang sila sa kung ano ang i-open up sa kanila o sabihin ng taong may prob sa kanila mismo. Ang expectation kasi ng mga yan, marunong ka maging honest sa kanila kaya naman hindi mahilig maghinala o hula-hula iyan ng gusto mo o nararamdaman mo. Huwag kang matakot kausapin siya lalo na kung para sa ikabubuti mo at ng baby ninyo. Kadalasan sa mga nakikita ko na posts dito, mga mommies na may mindset na sariling pera nung asawa nila yung pera kaya ayaw nila makialam. I think that should change and they should be reminded na kaya nga kayo mag-asawa, magkatuwang, meaning-- joint na ang lahat sa inyo lalo na kung para sa inyong dalawa ang isang bagay tulad ng renta sa bahay, expenses sa utilities (kuryente/tubig) at food (since kayong dalawa ang gumagamit niyon) what more pa kaya kung para sa anak ninyo since kayong dalawa pareho ang may responsibilidad sa bata. Let him know na oo, pwede nya gastusin ang pera nya sa mga gusto niya-- mga gusto niyang para sa kanya lang (tulad ng gadgets, mga panregalo), pero alalahanin din niya yung mga responsibilidad niya. Hindi komo kinita nya yung pera, hindi na tayo makikialam. Pwede tayo makialam lalo na kung ang usapin ay gastusing pang mag-asawa.

Magbasa pa

Nakakalungkot naman sis, asawa ka dapat ikaw ang nag hahawak ng pera. Share ko lang kame mag asawa nag uumpisa palang kame mag pamilya manganganak palang din ako i never ask for money kasi nag oo online selling din ako which is libangan ko nalang din since ayaw ako pag trabahuin ng asawa ko. Pero i decided na mag pahinga muna nitong nag 37weeks na ako para makapag prepare sa kapanganakan tuwing nasahod asawa ko hindi ko naman sya sinabihan na ibigay sakin pero nag kukusa nalang sya, kukuha or hihingi lang sya pang regular allowance papasok sa work ganun baon nya. Nakakalungkot naman yung part mo na gusto mo din makaipon pero hindi ka naman makakaipon kung ikaw mag p provide sa daily needs mo kasi sa isang araw maliit ang 300pesos pang kain umaga at tanghalian sa mahal ng gastusin ngayon, ngayon nga dalawa lang kame from breakfast to dinner nakaka 400+ daily kame kasi nabili lang sa labas plus yung mindnight snack ko pa mga check ups baby needs & daily vitamins. Try mo din mag labas ng saloobin mo sa mister mo sis sa malambing na paraan baka sakali maintindihan nya wag lang sana masamain ipaintindi mo lang ng maige.

Magbasa pa
5y ago

😢😢

Nakakaiyak lang din mga mommies kasi akala nila madali lang ang maging nanay..nagoonline selling din ako pero di rin sumasapat halos napupunta tlga sa pagkain nmin at iba p byrin, lagi ako kinukwestyon ng asawako kung bakit eto nlng nttra s budget nmin, hnd nya alam kung gano kamahal mga bilihin, tapos may loan pa kmi bnbyran dahil ginmit namin s pagpaggawa ng bahay, Dun ako mas nastress, kasi lgi ako sinusumbatan na napapagod n sya ,na sya lang daw laaht gumgastos, hindi nya nakikita mga gngawa ko din, Porket mas malaki ang gastos nya s bahay e parang ang dating sakin wala ako naiaambag, buntis ako ngyun at ayoko saknya humingi dahil alm ko stress ndin talaga sya s bayarin namin s loan. Minsan Naisip ko sana hindi nalang pala nagpaggawa ng bahay, dahil mula ng nagpaggawa kmi bahay prang dun n kmi lagi nag tatalo.Ipinagdarasal ko nlng na malalagpasan din nmin to. Sumasama lng talaga pakirmdm ko now dahil lagi ganun ang sumbat skin..wala din ako maggawa kundi umiyak nlng..🙁Gusto ko lng mglbas ng sama ng loob.

Magbasa pa

Sis ramdam kita 😭😭😭 minsan umiiyak n lng ako naiicp ko ano bang balak nya smn ng anak nya. Ako na nag ttrabaho sa sahod ko na nga lang kinukuha lahat lahat para ky baby 13mo ko dko magalaw galaw kasi iniicp ko pampaanak ko din un wala man lng ako msydo mabili sa sarili ko kasi lahat ipit ska lahat nppnta sa vitamins ko. 13mo nya sa magulang lang nya napunta lahat kaya masama loob ko. D lang ako nag sasalita kasi kpag nkpag sabi ako alm ko mag away dn kami kasi siya lagi tama. Inuutangan pa nga nya ako e pambayad ng bills nila sa bhay tpos pag binabyran ako kinukuha din niya paonti onti. Minsan naiicp ko na sana pala noon sinunod ko mother ko na naghnap na png ng ibang partner pero dhl mahal ko nga, siya pinaglaban ko sa sa family ko. Ngyon wala nkong mababalikan kasi wala na Mother ko, ang laking tulong skn nung nabubuhay pa siya kaya ewan ko lagi na lng ako naluluha sympre d mawawala stn mag icp kung saan tyo kukuha kasi minsan sagad na

Magbasa pa

Aq po pg nggalit nko pg d xa kumikilos sa loob ng bahy pg off nya tlgang ramdam nya kc pagod nko d mnlng kumilos muna bago mgcp aun wlng kibo kkilos un . My work dn kc aq pero xempre bilang isng ina ina tlga incharge sa pgppagnda ng bahay pero pg need ko n ng tulong tlang rmdam nya ang inis ko . At dko hinhwakan sahod ng asawa q bsta xa ggastos s laht sahod ko akin lng at mga luho n gusto ko pra smin wla n xa pake dun bsta sya hhwak sahod nya. Mga needs nmin kya nya iprovide bsta gusto ko mgwork pra dna ko hhingi s knya pngluho q at luho ko pra s mga anak nmin at gusto kong ibli pra s knya . Pag my gusto aqng sabhn s knya snsbi q tlga kc xa d ngssbi kpg my problema skin ..bsta ang ntutunan ko bilang asawa at nanay wag hhyaang ang tingin ng asawa ntin n d ntin kya pg mwla cla s buhay ntn kc d ntin kya mgsurvive or d ntin kya buhayin mga anak ntin ng wla cla dpt strong independent woman tyo

Magbasa pa

talaga naman nakakatampo .. kahit sino nman ee magtatampo ako walang trabaho kase may sakit ako mas malaki budget nming dalawang mag ina kesa sa kanya naaawa na nga ko ndi man lang mkabili ng damit kahit ngayong pasko lang yung 13th month nya itatabi yung kalahati na para sa kanya para sa baby nming parating yung kalahati sakin pambili ko ng mga pangangailsngan ko .. ok lang daw sya kaya ang ginawa ko yung kalahati na para sakin hinati ko para samin kase unfair nman kung sa kanyang pera tapos wala syang mapapakinabangan keso masaya na sya basta ok kmi ni baby at gumaling ako para safe delivery lalut 3mos palang akong preggy. . pag usapan nyo lang mabuti yan mag open up ka sa kanya maiintindihan k nman siguro niya partner kayo for how many years so madadaan yan sa magandang usapan wag init ng ulo pairalin. .

Magbasa pa