nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maganda po yung open kadin sakanya sa lahat nang nararamdaman mo po, bawal ma stress ang mommy lalo na si baby anjan pa sa tummy mo. Pag usapan niyo po yan, at ngayong may baby na siya na priority niyo.

Kelangan mo sya kausapin ng mahinahon.. timing mo ung maganda mood nya. Kelangan nyo mpag usapan ung panganganak mo ska ung gamit. Di pwede wlang ipon. Pano kung manganak ka ng mas maaga like 37 or 38wks.

5y ago

thanks po 🙂

ganya din ako buti nga syo hindi ng babae sa akin ng babae pa ako at lagi sa beerhouse, ako lahat bumili gamit ng ank ko kaya nga siguro suhi ang baby dahil sa streess ko sa kanya..

Wala ka makukuha kasagutan momsh kung hindi sya mismo ang kakausapin mo. Ikaw ang nakakaalam sa kiliti ng hubby mo kung paano mo sasabihin sakanya in a nice way. Godbless you! 😇

VIP Member

Sakin naman malapit na akong manganak wala pang ipon pag binanggit ko naman sa kanya laging sinasabe "Wala yan ,ako bahala " puro nalang ganun eh mag 9 mos na tiyan ko punyeta.

Sent the sreenshot of this post sa husband ko. Photo below ang naging takbo ng paguusap namin about it. Shinashare ko din kasi sa kanya nababasa ko dito

Post reply image

masama mastress ang buntis mamsh! lalo na sensitive tayo at emotional. better tell your partner kung ano nararamdaman mo kesa dibdibin mo lahat. ang hirap nyan.

sis walang magagawa ung iyak2x mo...sabihin mo sa kanya para alam nia...minsan kc kelangan mo mgsabi sa kanila kc ikaw ung nkakaalam ng mga kekelanganin

Dami pala nakaka relate dito, jusko ako din. Yung partner ko nga walang ibang inisip kundi pang parts ng motor eh!! Nakakabwiset lang isipin..

5y ago

baka may tinabi na yan mommy, kasi sa akin nagtatabi talaga para sa amin ni baby 😊

Be open po kay husband mo po. Ako kung ano kailangan namin sinasabi ko pati pampa checkup ko at para sa vitamins ko. Kausapin mo lang po ng maayos mommy.

5y ago

nahihiya kase ko mamsh.. tsaka nakatatak na sa utak ko ung mga masasakit na sinasabi nya pag nag aaway kme