Bhitel profile icon
GoldGold

Bhitel, Philippines

Contributor

About Bhitel

Queen bee of 2 fun loving little heart throb

My Orders
Posts(52)
Replies(71)
Articles(0)

palabas lang mga mamsh

nag away kami ng lip ko nung nakaraan.. maaga kami nagigising ng 1yr old lo ko tapos 4mis preggy ako ngayon, medyo nastress lang ako kay lo kasi iyak sya ng iyak kahit pinapadede ko naman.. wala kong nagawa hanggang tanghali.. nagluto ako at naghugas ng plato habang karga ko si lo.. habang si lip tulog hanggang tanghali.. hanggang nagising na sya.. di ko sya kinikibo dahil stress na stress ako.. naiyak pa nga ko dahil sa kakaiyak ng lo ko.. ngayon, napansin ni lip na di ako kumikibo.. tinanong nya ko kung may problema ba ko, sabi ko wala.. naapnsin ko na badtrip na sya.. nainis na sya kasi di pa rin ako kumikibo.. pinipilut nyang itanong kung anong problema.. tapos sinabi ko stress lang ako dahil ako lang mag isa gising at iyak ng iyak si lo at walang tumutulong sakin.. nagalit sya kasi ang dating sa kanya is sinasabi kong di nya ko tinutulungan.. hanggang sa nagbunganga na sya,kung ano ano na pinagsasabi nya.. sya daw nagtimpla ng dede ni lo ng alas kwatro ng umaga (mixed feeding si lo pero mas gusto nya bf pag gabi) hanggang sa namura na namin isa't isa.. sinabihan nya kong ang bobo kong kasama.. ganun.. ang sakin lang naman mga mamsh, di na nga lang ako kumino para walang away eh dba? tapos kung makapagbunganga sya parang wala syang kapitbahay.. umiyak na lang ako.. sya oang laging tama.. everytime na ivovoice out ko yung saloobin ko feeling nya mali yun at sya ang laging tama.. nakakapagpuyat sya kakalaro ng online games nya.. sabi pa nya katulong daw pala hanap ko, di ko masabing kaya nga tayo magpartner eh para nagtulungan tayo sa lahat dba? tumutulong ako kahit konti na rumaket pangdagdag gastos though di naman malaki kita ko, at least di na nya ko sinasabihan ng walang silbi pero parang ganun pa rin.. and everytime nannag aaway kami lagi nyang dinadamay yung pamilya ko.. sya kasi laging gumagastos sa pagkain.. fyi, never ko syang pinilit na bumili ng pagkain.. though pangalawang sweldo na nya na ako yung naghahawak ng pera nya( tinitipid ko para walang masabi) dati kase ayaw kong maghawak ng pera dhail lagi syang may issue sakin pagdating sa pera.. btw, kasama ko ung isang kapatid ko at mama ko.. hati sila sa bills.. bumibili naman sila minsan ng food dito pero ang mas napapansin nya is yung ginagastos nya which is walang pumipilit sa kanyang bumili.. at pag di naman ako bumili ng ulam sasabihan nya ko na lagi nlng akong nakaasa sa iba.. pati konting plato na pinagkainan ng kapatid ko issue sa kanya kahit hindi naman sya palaging naghuhugas.. sobrang minsan lang sya maghugas or tumutlong sa gawain sa bahay.. nababantayan nya yung 1yr old naming anak pero may 7yrs odl pa kami at may panganay pa ko na 12yrs old na nag aaral.. nagalit sya sakin nung pinagtanggol ko ung kapatid ko, feeling nya sya na yung bumubuhay sa pamilya ko dahil sya laging bumibili ng pagkain sa bahay.. pinapapili nya ko between my family and him.. di ako pumipili dahil pamilya ko sila kako.. na pag naghihiwalay kme, family ko yung laging sumasalo samin.. masyadong sarado utak nya.. wala namang ginagawang masama sa kanya yung family ko, ilang beses nya kaming iniwan at ilang beses din naman syang tinatanggap.. sobrang depressed na ko sa lahat.. sinabi ko naman na magbukod nlng kme pero ayaw ko sa family nya dahil ung mama nya harap harapan akong pinagsasabihan ng kung ano anong salita na nakakaoffend .. mabait namam sya eh kaso pag nagalit damay lahat

Read more
undefined profile icon
Write a reply
undefined profile icon
Write a reply