nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies

Sa amin share kami sa gastos, sabihin ko sa kanya kaya ko gastos sa laboratory sabi nya pag nagkulang ang pera mo sabihan mulang ako. Dapat lang talaga mag-ipon kasi gastos talaga pag nandyan na si baby. One on one communication kayu sis better say it in a nice way, dapat lng talaga i prioritize ang baby kaysa sa iba.

Lahat ng bagay mommy nadadaan sa pag uusap. Kung alam mong good mood sya dun ka mag open or kausapn mo sya about sa hinanaing mo. Di nman pede sarilihin nya lang yong kita nya eh buntis ka at panganganak pa. Kausapin mo lang sya ng malumanay momsy baka iniicp dn kasi ni hubby mo malaki kita mo sa online kaya ganun..

Atlis sis sa 13th month pay nya may napunta sa mga anak mo. Sa 13th month ng asawa ko napunta lang sa needs ng parents niya. Samin wala, knowing na kapapanganak ko lang kaya kami ng mga anak ko nag aadjust sa mga biyenan ko dahil walang ganap mga kapatid ng asawa ko kahit sila ung nakakaluwag sa buhay. Hugs sis.

hugs din sayo sis.. hirap ng ganyan.. kaya kahit anong pagbebenta papatusin ko magkaron lang ng income

usap kayo momsh, baka kasi iniisip niya na okay lang sayo ang set up kaya gnun siya ,mas pinipili mo kasi manahimik, at one point oks un ksi iwas away pero dhl iniiwasan mo mg away kayo naiipon nmn hinanakit mo w/c is not good for your baby.. ingat sa pagluwas luwas momsh bka madulas dulas kp, Godbless you😊

wish ko lng mamsh.. pero sana sya na magkusa na marealize lahat ng yan..

VIP Member

Alam mo mamsh.. Mas maganda sa pag sasama yung nag oopen kayo ng mga problema para magkaroon ng solusyon.. Kung sumasama loob mo sbihin mo kase di naman tayo robot magkakasakitan at magkakasamaan ng loob.. Peeo bilang mag asawa kayo dapat sasabihin nyo sa isat isa yung problema ndi kailangan kimkimin

Mamsh, basahin mo yung comment ko ahh. Wag na wag kang mahihiya sa partner mo, dahil may anak na nga kayo e. At isa pa, hindi naman siya nahihiya sayo kaya dapat maging matapang ka, at paulit ulit mong i-play sa utak mo kung bakit tama ka. Mali na kasi yung nangyayari base dun sa salaysay mo e. Hinding hindi ako papayag na umabot ako sa ganyan. And never mong hahayaan na ikaw pa mismo yung nagtatanggal ng boses sa sarili mo. Hindi pagiging dependent ang tawag dun, trust yun kung kaya niyang ipagkatiwala sayo yung mga ganun bagay gayong napakagastusero niya at magaling siyang maglustay. Masyado ka nang dakila at nagtatrabaho ka while pregnant. Sana naman mahiya siya sayo. At ikaw wag na wag kang mahihiya sa kanya. Sabihin mo kung feeling magboyfriend and maggirlfriend lang yung gusto niyonge turingan niyo sa budget hamunin mo nalang ng hiwalayan at paghanapin mo nalang siya ng ibang babae na kakayan kayanin niya. Hindi dapat tayo pumapayag na ganyan situation natin!

Ang bigat naman nito. Yung partner ko puro baby ko lang nasa isip ni ayaw gumastos para sa sarili niya kasi inilalaan niya lahat kay baby at sakin. Puro ako saka si baby lang nasa isip minsan nakakaguilty pa kasi wala talagang napupunta sa kanya. Try mo siya kausapin ipaliwanag mo lang side mo.

Same . Hubby ko mas iniisip nya magiging baby namin kesa sa mga kelangan nya . Lahat ng need ko bgay nya . Kahit sa check up ko kasama sya .

Hay nakakastress naman po talaga pag ganyan. Yung 13month po ng asawa ko, pinambili namin ng gamit ng bata tapos pinang check up ko. Maganda sana kausapin mo yung asawa mo mommy kase hindi naman pwd ganun nalang palagi, imbes na masaya ka kase malapit kana manganak, na iistress ka tuloy :(

buong pagbubuntis ko ata stress ako hahaha.. 3rd baby ko na to.. lahat ata ng baby ko pinaglihi sa sama ng loob 😂

Kailangan nyong pag-usapan yan mommy para hindi mo kinikimkim lahat ng sama ng loob. Buti na lang mabuti at responsable ang asawa ko. May mga bagay na hindi pinagkakaunawaan minsan pero naayos naman., isa lang ang ayaw na ayaw at iniiwasan naming pag-awayan ang tungkol sa pera.

Ako sis gat kaya nmin tipirin yung allowance namin ni baby, gnagawa namin. 5k ksama na check ups, vitamins for 1month. Pero kpag knakapos ung bigay nya snasabe ko sa knya na di tlaga umabot. Okay nman sa knya, communication is the key lang tlaga 😊 kaya mo yan mommy..

Hnd na dapat ganyan ang ugali ng lalaking my responsibilidad dapat unahin nya pangangailangan pamilya bago luho. Dapat pa nga ganyan malapit ka na manganak d ka na masyado nagkkklos o nagbu2hat. U talk to hm pro kng walang magbbgo....u know wat to do.

lagi nga po ako dinudugo dahil siguro sa stress.. kase wala naman makita yung ob na problem.. sobrang stressed talaga.. kung alam ko lng na magiging ganto sana di na lang pala muna ko nagbuntis

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles