nakakatampo..
palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?