dads

PAg nakita mo ba ung asawa mo may naka tago pa ng gamit ng ex niya ibig sabehin importanti pa sakanya ung ex niya kahit pinaliwanag naman niya naka limutan niyang etapun.

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Quits lang kami hahaha. May mga things kasi na hirap itapon kasi trip na trip mo talaga or rare finds ganern, mga limited edition but it doesn't mean na may attachment pako or lingering feelings. Pero if yung common things lang like ballpen or letters or wristband ganern eh for sure may meaning yon so better confront him pag ganon. Then tell him na naiirita ka and nagseselos so better itapon nalang niya para magkapeace of mind ka na.

Magbasa pa

Call me immature pero ayaw ko especially if di na magagamit like letters or clothes ng ex ganyan pero kung napapakinabangan pa why not keep at mapakinabangan pa e sayang naman. Haha. Buti nalang walang gift ang ex sa hubby even if more than 6 years sila. 😁

Ako diko na tinatanong kasi may gamit akong bigay ng ex ko e..hehe diko matapon kasi mahal sayang naman pero diko nalang sinasabi na bgay ng ex ko saka feeling ko naman wala lang sa lalaki un, satin lang mga babae big deal un.

Hahaha parang ako lang. Mag pic pa ako ng ex ko sa bible at sa mga pictures ko. Nakita ng asawa ko bat di ko pa daw tinatapon hahaha. Hindi ba pwd na di lang ako nag bubutingting kaya di ko pa natatapon haahah

Okay lang naman yung maging matured nalang tayo pagdating sa bagay na wala ng kinalaman sa future, or maliban nalang kung nagpapakita pa yung husband/bf mo ng interest to those things and to his" called ex"

Ilang beses kong nakita ung singsing na binigay nya sa ex nya na binalik. Tapos bago kami ikasal tinapon nya rin kasi inaasar ko pa sya. Un na ata ung huling gamit din na connected sa ex nya e.

Hindi naman. Ako may mga nakatago pang bigay ng ex. For remembrance na lang naman pero wala ng kaso sakin. Pero syempre tanong mo pa din asawa mo. Iba iba naman kasi ng mindset yan.

VIP Member

ako mamsh pinatapon ko yung pitakang binigay ni ex nya, sabi ko pag nakita ko pa yan ako na mismo magtatapon 😁 masunurin si asawa kaya ayun tinapon nya 😊😊

Sa amin ng asawa ko, dedma lang. Meron akong EXBOX. Andun yung mga gamit/letters ng ex ko. Hindi naman nya pinapakialamanan kasi past naman na.

Nakalimutan man nya o hinde pag nakita ko un ipapatapon ko sa kanya o ako magtatapon. Baka gusto nyang isoli ko sya sa ex nya😅