need help po

paano po ba ang patakaran ng philhealth sa panganganak? Nanganak po kasi ako sa lying in ng Jan. 5. Nagbayad po kami ng 13k in cash as full payment, wala pong bawas from philhealth dahil hindi pa po sigurado noon kung maapprove kasi ftm ako and bawal nadaw manganak sa lying in pag panganay this year, pero nagpasa parin po kami ng application sa Philhealth para magbakasali. Ngaun, nalaman ko po na 7800 ang naibalik ng philhealth sa midwife. 4k lang po ang binalik nya sa amin. Kesyo hati padaw kami sa binigay ng philhealth. Ganun po ba ang patakaran ng Philhealth? Dba dapat po buo namin makuha ang binalik ng philhealth? Bali 13k (cash na bigay namin) + 7800 ( bigay ng Philhealth = 20800. Binalik nya ung 4k, bali 16k ang bill nmin? Dinaig ko pa ung caesarean. Paiba iba sya ng dahilan, kesyo daw hati kami, kesyo daw ang dami daw tinurok sakin samantalang 3 lang ang tinurok nya sakin. Wala naman naging complication sa panganganak ko kaya dapat walang additional charges. Humingi naman ako billing statement wala naman sya maipakita. Tama po ba ang midwife? Or tama lang na kunin ko ung buong binigay ng philhealth?

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kakapanganak q lang po sa public hospital, 3 days po aqo dun kasi wala pang labor nagpaadmit na q. Sa ward po kami kasi nagkaubusan ng private room. Private po ang OB ko at pedia ni baby. Mas madami po ang utinurok sakin, nagpaultrasound pa q dun, laboratory, meds, newborn screening, etc. Nagcash out lang po kami ng 8,290. Ilakad nyo po yan. Imbes sa pangangailangan ng baby eh nawala pa po sa kamay mo. Hindi rin tama na di ka pinakitaan ng billing statement, may karapatan kang makita yun at automatic papakita nila dapat sayo. Haay....

Magbasa pa

ako momsh sa lying in din nanganak nito march lang, accredited sya ng philhealth may ob din kso nung time n manganganak nko may cs n gingwa c ob ko kaya ung midwife ang ngpaanak sa akin philhealth ng hubby ko ginamit ko kc cover nmn ako, binyran ko lang is 750 kc isang tusok ng pampahilab lang ksma ndin dun ung newborn screening, un lng di ako ftm ask kn lng mom s philhealth mismo kc mcyadong mlki bill mo sa normal delivery

Magbasa pa

punta ka sa Philhealth office sa munisipyo nyo, isabi mo concern mo dun.. sila lang makaka explain jan...depende din po yan sa patakaran ng lying in... bakit ka jan nanganak kahit na first time mo pa? ano ang agreement nyo ? sa ibang lying in nga if bigla kang manganak or lumbas ang part ng baby kahit nasa labas ka na lang ng pintuan ng lying in, hindi kana covered sa Philhealth nyan..

Magbasa pa

Ftm po ako sa lying in din ako nanganak nitong feb2020... yung lying in mismo nag asikaso ng philhealth ni hubbie.. covered kasi ako ni hubbie... sabi nya samin 2,5k lang babayaran namin pag nagamitan ng philhealth... pero nagdagdag kami kasi ang tagal ko nag stay dun almost 2days dahil sa labor ko

Parang my problema nga mommy..15 weeks preggy pa po ako ngayon,may inoffer na yung secretary ng OB if gusto ko daw na hindi ma tao o crowd paanakan pwde daw po sa lying in nila,at e active ko lang daw yung philhealth ko at 3k nalang babayran ko pag labas wala ng ibang gastosin lahat2x na daw yun..

Report mo po. Para kang na scam nyan. Lying inn nanganak kapatid ko ftm din di na kasi umabot sa hospi, 15k yung package, binayaran namin then na reimbursed namin is 13k. Bali 2k lang binayad dun sa lying inn

Alam q po momsh pag midwife more or less nasa 1k lg babayaran depedende xah lying in pero qng OB ngpaanak sau 12-15k PF ng OB less PH na po yan... Xah case nio ang laki ng bill nio po.

Kaya ako kumuha ng spondored philhealth para pag nanganak ako sa lying in sa August wala akong babayaran.. ireklamo nyo po pati ba naman midwife kurakot 🤬

ang mahal naman ng paganak mo.. usually dito below 10k un lying in.. pang hospital n un 20k mo.. nababawas ang philhealth.. mali un lying in..

VIP Member

Mommy go to nearest philhealth and ask your concern po. Mukang malaking issue un kasi bakit naman ganun kalaki ang bill mo sa lying in..