Mas mahal ang lola

Paano niyo hinahandle kapag mas mahal ng anak nyo ang lola niya kesa sa inyo? Stay at home ako Isa lang anak, 2 yrs old Focus din sa knya Pero pag lagi niya sinasabi na si lola niya love nya Mas habol din sa lola At halos ipagtabuyan ako pag nanjan lola nya Ang sakit lang tuwing ayaw niya sumama sakin, at mas love daw niya lola nya, Pakiramdam ko baliwala lang lahat ng effort ko pag aalaga

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same tayo mommy, stay at home mom din ako. Pero mas gusto naman saken ni baby even nag eenjoy pa sya sa mga lolo nya pagsinabe kong punta na ko sa room.. sasama sya saken. Yung mga bata.. di naman nila minimean lahat ng sinasbai nila mommy. Siguro mas nag eenjoy lang sya sa lola nya. Baka may mga ginagawa sila na tuwang tuwa si baby kaya ganun nasasabi nya. Siguro best dyan, aralin mo bakit ganun yung sinasabi ni baby. Di dapat maging competition sa inyo ng mom mo ang pagmamahal ng baby mo. Always tell your baby din how much you love her. Kame ni baby ko bago magsleep nag ailove you kame lagi. Tapos naghahug at kiss kame. Be affectionate also mommy. Naaadopt din ng baby yun tsaka mas feeling nila na mas love sila mas love na din nila.

Magbasa pa