Panliligaw ni hubby
Paano mo sinagot ng "Oo" si mister noong nanliligaw siya sa'yo?


Walang ligawan na naganap.. Lagi akong naiwas sa kanya nun pero sunod pa rin sya ng sunod. Natakot ako kaya nun nagmakaawa syang kausapin ko, kinausap ko sya. Tinanong bakit ayaw ko magpaligaw. Sagot ko, ayaw ko ng bf gf. Kung may mamahalin kako ako, yung mapapangasawa ko na. 😁Then, he said.. "Just give me 3 years to prove myself". Sabi ko kausapin kapatid at magulang ko dahil ayaw ko talaga ng jowa. Hayun, kinausap naman. Walang I love you at oo. Mula nun, andyan na sya lagi sa tabi ko hangga't makagraduate, magkawork, mag abroad sya, makabalik ng pinas at naging stable ang work. So, ang 3 years.. Naging 9 years bago kami nakasal. 😁Walang third party and survived 3yrs ldr. No ligawan. No flowers and chocolates. Just a commitment na kami hanggang sa huli. That's how we fall in love din sa isa't isa. Laging andyan, nakikinig at iniintindi ang isa't isa. And the usual good morning greetings is a must kahit asawa ko na sya. 😊
Magbasa pa