Kung may chance, papayagan mo bang mag abroad si mister? Oo o hindi at bakit?

139 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa abroad kami nagkakilala ng asawa ko at dun narin ako nabuntis sa taiwan kaso kylangan umuwi kasi di ko kaya ang witer dun para akong maninigas sa lamig..kaya umuwi ako ayun nagkaproblema kami ng asawa ko yung mga bagay na di ko maibigay sakanya hinanap sa iba sobrang nakakastress pag long distance kayo .. yung tukso anjan palagi. di ka nga papabayaan sa sustento bibigyan ka nman sandamakmak na stress.. pero wala po tayo magagawa kasi need tlga ng financial ehh

Magbasa pa
VIP Member

Hindi, lalo na kung kaya pa naman dito hehe, mahirap magpalaki ng anak ng mag-isa. Tho may tulong nga mga Manugang at byenan iba parin ang sariling asawa, iba din kasi impact sa bata pag isa sa parents nya ay malayo. Tsaka isa na din sa reason ko yung ayoko talaga hehe, ayoko mag abroad si husband. Isa na din talagang factor na para sa anak namin ayoko siya pag abroad lalo na kung kinakaya naman namin dito 😊

Magbasa pa

hindi. napag usapan na namin yan nung mag bf gf plng kami. sabi ko, may tiwala ako skniya, sa sarili ko wala. kasi ang love language ko is yung nkkasama ko ung tao. and pakirmdam ko kasi iiwanan ako. saka pag nag abroad ang asawa, sa sampung aspeto, pera lng naman napoprovide pero wala na ung siyam na bagay. Aanhin ko naman ung pinapadala, kung di ko naman naggng asawa ang asawa ko.

Magbasa pa
Super Mum

Sa abroad nagttrabaho si Mister ko at dun kami nagkakilala. Nag resign na ako sa work simula nung nabuntis ako so naiwa sya doon (cruise ship) umuuwi every 8 months, hndi naman ako nahirapan kasi sanay siguro ako na nung dalaga pa nalalayo na sa family.. basta maintain lng ang communication at ka sweetan nyo kahit nsa malayo sya at ang pnaka importante trust each other.

Magbasa pa

hindi 😔 ayaw ko malayo yung asawa ko nasa malapit nga lang nagtatrabaho my mga text ng text na sa kanya tas nagchachat sakin na babae daw niya 😂 hahaha kahit hindi naman totoo kasi walang proof pero dto palang meron na Pano pag sa ibang bansa na ayy maloka siguro ako nun 😂😂 okey na ako sa kinikita niya dto sapat na sa pamilya subra pa 🥰

Magbasa pa

Kung walang wala na talagang makuhang maayos na trabaho dito sa Pinas ay papayagan ko na. May kakilala ako na matagal ng patambay tambay lang sa may amin. Hirap makakuha ng trabaho. May nagpasok sa kanya sa McDo sa Saudi, Php20,000 lang ang sahod nya monthly, pinayagan ng asawa nya kesa nga naman daw patambay tambay. Mas mainam ng may kakarampot na kita kesa wala talaga.

Magbasa pa
8y ago

Mas ok na nga naman yan kaysa tambay, Hindi naman tayo kikita sa patambay tambay e. Tambay na nga may bisyo pang mag sugal, mag inom at worst mambabae.

VIP Member

For me hindi, ang hirap pag malayo kayo sa isa't-isa pero wala talaga kaming choice kasi mawawala citizenship nya sa US kung di sya babalik dun. Kaya pagbalik nya dun magwo-work nalang din sya para may pang support sa amin ng anak nya. Pero kung ako talaga ang papipiliin, dito nalang sya sa pinas kahit mahirap ang buhay basta't magkasama kami oks na 😊

Magbasa pa

Kung may chance papahintuin ko na siya mag barko. Mahirap magbuntis mag isa mas lalong mahirap pag nanganak ka na. Iba parin alaga ng asawa. Kung may stable income naman at ma susustain ang needs, much better kung mag stay nalang kasi di matutumbasan ng malaking pera yung oras na di kayo magkakasama pamilya.

Magbasa pa
VIP Member

No. Si God na nagbebless sa abroad is the same God na nagbe-bless dito sa Pinas. :-) Work on your lifestyle. One that suits your income. You'll realize you can manage to live here... Together. If you really want abroad, go together. Bakit pa magpapakasal kung maghihiwalay din pala physically?

Ako OFW din ang hubby ko. nag stay siya dito the whole pregnancy ko hanggang now na malapit nako manganak. Yes po. As long as you both have good communication and trust for the baby's future narin. Sacrifice kayong dalawa. Constant interaction lang palagi with the LO