byenan na pakialamera
Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(
Relax, may work napo ba si hubby mo now? Kawawa din naman si biyenan kung iiwan niyo lalo kung nagiisa lang hayaan mo sis sa umpisa need mopo talaga mag intinde, need mosiya paksamahan kasi Mahal mo asawa at anak mo isipin mo nalang na sobrang excited lang ulit siya mag alaga ng baby lalo na at inly chikd lang ang mern siya kaya gusto niya ulit yung feeling na may inaalagaan, normal naman yan kahit magtatalak need natin mag relax ako pag ganyan nasa kuwrto nalang ako kasama dalawa anak ko para iwas nadin sa gulo( pag may "S" si FIL kay MIL) Damay damay na kase yun siympre alam mo na. Nees lang natun magtiis kasi pag hindi tayo mapapasama and also talk to your husband baka di naman siya mamas boy baka sadyang ayaw lang niyang iwan nanay niya since nagiisa nalang siya matutunan molang mahalin nanay niya for sure magkakasundo kayo ng biyenan mo. Mahal na Mahal ko magulang ng asawa ko sa sbrang bait nila samin at nakkpaka down to earth nilang tao pero yung ganyang issue sa bata normal nalang sakanila yun naiintindihan ko naman kaya minsan pag may ayaw ako like pinapakeelama kana sa tingin mo e quiet padin pasok ka nalang sa kuwrto sama mo si baby mo pero minsan sabihin mo in a good way pag ayaw mona sa bagay na ginagawa ni MIL free naman natin yun na sabihin Mahalin natin mga INLAWS natin for sure marerealize din nila yun🤗
Magbasa pasakin nga d nmn sya nagastos pero napaka ma comment. pero dedma ko. d ako nasagot may respeto ko eh. pero iniipon ko pag sobra na mag sasalita talaga ko. umpisa palang sa pagapapacheck up ko pakialam ng pakialam. pati suot kong damit. pakialamera. 8 mos preggy nako, umuwi na sya probinsya. pero gang 5 mos andto sya. nakakaireta kaya, d mo alam kung insecure o ano eh. kesyo daw d nmn daw kelangan ganon suot ko na dress ( mumsh! simpleng tshirt dress lang un ahh kulay mustard. d sa pagyayabang maliit kase bewang ko kahit buntis na. naiinis sya? ) abnormal db. d ko magets alin don mali. d nmn masikip suot ko. maluwang na maxi dress un. na pa tshirt ang taas. kakagigel lang. pati pag ayos ko ng buhok ko. lipstick ko. epal eh. 😂 buti nalang. may zipper bibig ko nag iisip muna ko bago ko patulan. (pano ko nasabing insecure) dati gstong gsto arborin highwaist ko d nmn kasya sa knya. 😂 kakaloka tlga.. isa ko pa kinakainis. wala pa amn si baby hinihingi nya ano ko paanakan pusa????. dadalhin daw nya sa gensan oh cmon........ big nooo. nakakaireta. abang na abang na nga yon manganak ako eh. eepal na naman
Magbasa panakakainis sis, kase nang aangkin. edi mag buntis sya ulit kung gsto nya ng laruan. nakakainis ung pananalita nya sis kungikaw lang makarinig mula nag buntis ako, lagi hinihingi, ganto raw pag panganak ko, tapos dto lang daw kaMi mag aswa sa manila.dalawin lang daw namin pag may promo ticket. hellooo??? sinong nanay papayag ng ganon d lalaki sayo anak mo. pakahirap ka dalhin d mo maaalagaan. bwiset eh.
Kahit mahirap, kailangan niyo bumukod. Ika-nga... iisa lang ang pwedeng reyna sa isang kaharian. At dahil sakanila ang bahay, ganon talaga sya ang lageng magaling at may pakielam sa kung anong gagawin niyo jan. Di yan maiiwasan. Kaya never kaming nakitira sa parents ko o parents niya. Nakita ko din kung pano i-chismis at magreklamo yung in-law ko tungkol sa wife ng brother in-law ko. Ultimo pagsaing ng bigas kontrolado niya at laging may nasasabi. Tipong parang bawal magpahinga yung babae. Kaya bumukod din sila after 6mos. Di kinaya. Kausapin mo maige ang husband mo, sya dapat ang kumausap sa nanay niya. Sabihin mo sana yung limitasyon ng pangingielam Niya. Kung bubukod kayo, magkaron nalang ng usapan na every ____ dadalawin niyo nanay niya. Pagsikapan nyo talaga bumukod. Or tiis muna habang andyaan ka pa nakatira.
Magbasa paAng problema kasi sis. Nag iisa lang anak asawa ko e saka matanda na byenan ko 69 na sya ,naawa dn ako kung bubukod kami kasi my mga sakit nadin iniinda. Ang hirap ng sitwasyon ko kahit gusto ko bumukod kami haaysss
Ganun talaga sila momshie. Sabik sila sa apo. Sabi mo nga nakikitira lang kayo. Mahirap bumukod kung wala pa. Bukod kayo pag meron na talaga. Sa ngaun, ngitian ngitian mo lang si byenan mo. Pag ayaw mo ang ginagawa nya or pa spoiled na kay baby, pwde mo naman sabihin sa kanya in a nice way or pa joke. Ganun talaga sila. Laki din hirap nila sa.pagpapalaki sa asawa mo. Kaya nakikita nila si baby mo, para sigurong nanabik ulit sila sa baby. Ganun pa man, sabihin mo din sa asawa mo uh mga napapansin mo na oh, wag muna papasubuan ng mga karne or mga may asin ha.. sbhin mo kay Mama(byenen) kasi baby pa anak naten baka masyado ma excited e. D pa matured mga internal.organs nila. Baka magkasakit. Hirap magkasakit ngaun.
Magbasa paHi momsh. Were the same actually 😂 but for me. Just SAY IT! In a respect way lang. Na ganyan lang ganito lang. You have the right kasi you are the mother naman. Ganyan din ako 😂 and i honestly dont like it na pakikialaman ako pagdating sa baby ko. Magalit na lahat nang magalit. pero sometimes pinapakita ko na hindi kuna gusto lahat nang ginagawa niya para malaman nalang nya sa isip nya na Hindi ko nga gusto 😂 JUST SAY IT momsh. Wag kang matakot or mahiya. Sabihin mulang na ikaw muna, tapos naman na siyang magpalaki nang baby niya (Yun yung asawa mo) at ngayon kayo naman or ikaw naman.
Magbasa paHindi naman po masama bumukod at dahil po may sarili na po kayong pamilya dapat yung asawa nyo po ang kausapi nyo dahil hindi habang buhay andyan ang nanay nya para gabayan sya at utusan po ninyo ang asawa nyo na magtrabaho at wag umasa sa magulang lumalabas po na mama's boy ang asawa nyo dapat kausapin po ninyo sya ng maayus dahil para rin sa anak nyo yan at sa pamilya nyo pwede naman kayong bumukod like magpatayo kayo ng bahay sa tabi ng bahay ng mother nya para nakikita parin ni husband mo mother nya atleast may sarili na kayong house pwedi mu ng gawin lahat ng gusto mo
Magbasa paNag usap na kami dati dyan na bumukod kami kahit malapit lang sa mama nya kaso ayaw talaga ng asawa ko sis. Kaya hirap talaga sitwasyon ko. Hnd ko na alam gagawin ko
Hi momsh.. So, ganyan situation ni hubby ko sayo. Pero siya na lang umiintindi, siya nagpapakumbaba.. Kasi wala naman masama kung susundin mo diba?? Map-please mo pa yung matanda.. Minsan naaawa na din ako sa kaniya, pero iniisip niya mas maganda ang buhay na para sa anak niya kung sa parents ko kami tumira kesa naman na bumukod kami at para kaming mga daga sa lansangan.. Pray mo na lang byeanan mo momsh.. Dotting parent lang yan.. Basta pag dating sa pagdidisiplina dapat ikaw na ang masusunod.. Goodluck! 💪😘
Magbasa paFor me ganun po ata tlga ang mga lola spoiled na spoiled ang apo specially iisang anak pla si hubby mo at isa nalng dn sa buhay un mama nya . Namiss nya lang siguro ang mag alaga ng baby .. pwd siguro mangatwiran pero as long as hnd namn nagkakasakit ang bata sa mga pinag gagawa ng byenan for me ok na dn po un.. kesa po dun sa isang ng post dito na walking distance lang hnd tlga nabisita un byenan sapilitan pa dw ipabuhat un apo or one time nakiusap na paliguan un baby kaso ayw nun MIL nya .
Magbasa paAyun lang . Kng sa ganyang part medjo foul nga ..
pareho tayo sis di naman ako pinalaki ng magulang ko sumagot sa nakakatanda pero pag somobra na nako baka di na makapagtimpi ngayon grabe pa pang gigilan anak ko feeling niya di nasasaktan sa mga hampas niya kung nakakapagsalita lang anak ko baka minura na yan kagigil pero need mo magpigil e napaka mama's boy pa ng partner mapapamura ka na lang talaga e just saying gigil din ako sa mga ganyang hilaw na biyenan e hahaha
Magbasa paSa kwento mo parang naka depende kayo sa byenan mo since wala work asawa mo. Iappreciate mo nalang kahit pano ung pag tulong sainyo ng byenan mo kasi di lahat ganyan. Pag hanapin mo ng trabaho asawa mo para maging independent kayo pano kayo bubukod kung wala naman kayo pang bukod. And tama ung sabi ng iba may mga ganon talaga na byenan di ko sinasabi na ok lang pero tanchahin mo rin kung bat ganyan situation niyo
Magbasa pa
First Time Mom!