byenan na pakialamera

Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit mahirap, kailangan niyo bumukod. Ika-nga... iisa lang ang pwedeng reyna sa isang kaharian. At dahil sakanila ang bahay, ganon talaga sya ang lageng magaling at may pakielam sa kung anong gagawin niyo jan. Di yan maiiwasan. Kaya never kaming nakitira sa parents ko o parents niya. Nakita ko din kung pano i-chismis at magreklamo yung in-law ko tungkol sa wife ng brother in-law ko. Ultimo pagsaing ng bigas kontrolado niya at laging may nasasabi. Tipong parang bawal magpahinga yung babae. Kaya bumukod din sila after 6mos. Di kinaya. Kausapin mo maige ang husband mo, sya dapat ang kumausap sa nanay niya. Sabihin mo sana yung limitasyon ng pangingielam Niya. Kung bubukod kayo, magkaron nalang ng usapan na every ____ dadalawin niyo nanay niya. Pagsikapan nyo talaga bumukod. Or tiis muna habang andyaan ka pa nakatira.

Magbasa pa
5y ago

Ang problema kasi sis. Nag iisa lang anak asawa ko e saka matanda na byenan ko 69 na sya ,naawa dn ako kung bubukod kami kasi my mga sakit nadin iniinda. Ang hirap ng sitwasyon ko kahit gusto ko bumukod kami haaysss