byenan na pakialamera

Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi momsh.. So, ganyan situation ni hubby ko sayo. Pero siya na lang umiintindi, siya nagpapakumbaba.. Kasi wala naman masama kung susundin mo diba?? Map-please mo pa yung matanda.. Minsan naaawa na din ako sa kaniya, pero iniisip niya mas maganda ang buhay na para sa anak niya kung sa parents ko kami tumira kesa naman na bumukod kami at para kaming mga daga sa lansangan.. Pray mo na lang byeanan mo momsh.. Dotting parent lang yan.. Basta pag dating sa pagdidisiplina dapat ikaw na ang masusunod.. Goodluck! 💪😘

Magbasa pa