byenan na pakialamera

Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi naman po masama bumukod at dahil po may sarili na po kayong pamilya dapat yung asawa nyo po ang kausapi nyo dahil hindi habang buhay andyan ang nanay nya para gabayan sya at utusan po ninyo ang asawa nyo na magtrabaho at wag umasa sa magulang lumalabas po na mama's boy ang asawa nyo dapat kausapin po ninyo sya ng maayus dahil para rin sa anak nyo yan at sa pamilya nyo pwede naman kayong bumukod like magpatayo kayo ng bahay sa tabi ng bahay ng mother nya para nakikita parin ni husband mo mother nya atleast may sarili na kayong house pwedi mu ng gawin lahat ng gusto mo

Magbasa pa
5y ago

Nag usap na kami dati dyan na bumukod kami kahit malapit lang sa mama nya kaso ayaw talaga ng asawa ko sis. Kaya hirap talaga sitwasyon ko. Hnd ko na alam gagawin ko