pagbubukod

Pa-Vent out lang mga Momsh ? (Usapang Pagbubukod) (Medyo mahaba po ito) 6years na kameng nakatira dito sa bahay ng magulang ng asawa ko. Sobra laki talaga ng bahay nila, kaya kahit apat na pamilya kame dito parang ang luwag luwag padin. 2 pamilya ang may anak, ako 2 na iyong panganay nila isa. Up and down ang bahay may rooftop din. 3yo palang panganay ko gusto ko ng bumukod, kasi iba padin talaga yung may sarili kang bahay, may sarili kang desisyon at diskarte. Inoffer ng mga in laws ko iyong parte sa baba. Papaderan lang siya para masara kasi sa baba 2 yung pinto. So yung isang pinto na iyon samin na once na napaderan. Nagunti-unti na kame inuna namin yung pagpapagawa ng lababo pati linya ng tubig namin. Pagkatapos noon nahinto kasi, namatayan ng magkasunod na taon yung asawa ng bayaw ko tapos kinasal yung bayaw ko na namatayan ng anak at after naman namatay yung bunsong kapatid ng asawa ko. Kaya ilang taon natigil. Ngayon naririnig ko nagpaplano na silang ipaayos yung ibang part ng bahay. Kaya nagusap kame ni Hubby na ano na bang balak doon sa planp namin. So humaba na paguusap hanggang sa madame nading nasabe kesyo hayaan ko daw silang magplan kasi sila daw madameng pera kame wala. Naiinis lang kasi ako at nalulungkot kasi ang gusto ko lang naman malaman nila dito na may balak padin kameng ituloy yung nasimulan para kahit papaano makapagadjust nadin sila sa mga dapat ipagawa nila na mas importante. Hindi ko din naman hinihiling na lumipat kame na sobrang ganda ng bahay. Mapaderan lang at magkaroon ng dibisyon para sa kwarto ok na basta bukod na kame. Nahihirapan nadin kasi ako makisama, at totoong iba padin na nakabukod na kayo, walang nakikialam lalo sa mga diskarte mo sa mga anak mo o pamilya mo. Nahihirapan nadin kasi ako makisama, nagtitiis nalang din ako.?? Sino po sainyo dito ang nagsimulang bumukod ng simpleng bahay lang. Magkano ang nagastos nyo mga Momsh? Sorry kung napahaba. Salamat sainyo

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap talagang bumukod ng wala kang pera. Pero kami kahit papano maswerte kasi nakalipat kami ng walang down at advance na babayaran. Dati kaming nakatira sa tita ng hubby ko at dahil siguro manganganak ako inilipat kami sa paupahan nila. Pero kahilera naman namin don yung mga magulang nya. Akala ko magiging okay kami kaya lang mas gusto yata ni hubby na laging nandon sa magulang nya. Wala pa kasi kaming gamit. As in damit lang namin at mga gamit ng panganay namin. Nakikisama naman ako pero ayoko naman na laging nandon. Hindi nya napapansin napapagastos din sya kapag nandon sya. Tapos sasabihan nya ako na wala ng panggastos. Eh panay ang bigay nya don sa kabila. Haaayyyys

Magbasa pa
VIP Member

Mag rent to own condo ka mamsh. Ganun ginawa namin ni hubby.

5y ago

How much yan mamsh at ano mga requirements