OA ko na ba

Pa vent lang ng kaartehan mga momshiee pero may nakakarelate ba sa akin? Alam ko maarte ako sa panahon ngayon๐Ÿ˜ญ Alam ko OA ako sa ganitong pakiramdam๐Ÿ˜” pero nahuhurt kasi ako everytime may special events kahit birthday ko o kahit nung Mother's day di manlang ako igreet ni husband ko sa socmed.. Oo maarte ako pero kasi di ba nakakatuwa yung pag bukas mo ng FB bukod sa mga ibang tao nagreet sayo sarap sa pakiramdam na yun husband mo bumabati sayo๐Ÿ˜” kahit di niya yon gawin sa akin.. Pinapakita ko ganon ako sa fb.. Eto nga kaka Wedding Anniversary lang namin nagceleb naman kami pero naghahanap din ako ng maiflex niya๐Ÿ˜… wala e ako pa rin nagbati both sa personal and socmed natatawa ako sa sarili ko e nakakaloka kasi.. Tinanong ko na siya sabi niya alam ko naman daw na di siya maganon.. Pero ang nakakahurt lang ang galing niya mag edit kahit videos tapos ipopost niya๐Ÿ˜” yun may panahon siya mag post.. Sa akin asawa niya wala.. Sorry maarte ako emotional damage ganern.. May Postpartum depression kasi ako kakapanganak ko palang feeling ko napakalungkot ko..

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din hubby ko, ang ginagawa ko ako mismo nagfflex ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ kunyari siya yung nagpost ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚.. alam ko naman kasi na hindi talaga mahilig magpost si hubby, puro scroll lang sa fb yun,. magugulat nalang siya may post siya tapos magbibiruan kami, kapal daw ng muka ko may fb naman daw ako ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ pero siyempre joke lang yun sagot ko nalang "sabi ni Caren (lip ng kapatid ko) pag ayaw kang ipost edi ikaw ang magpost ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚, siya nga daw e siya mismo nagfflex ng sarili niya gamit fb ng Babe niya ๐Ÿ˜‚" Pero sa personal hindi ako nakakalimutan igreet ni hubby kaya hindi big deal sakin yung post, ayaw din naman kasi niya ng marites sa buhay namin..

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din po ako dati kay hubby hahaha especially nagstart kami as LDR, so super big deal sakin ang flex. And then ma-flex naman siya sakin nung nanliligaw siya. Pero ngayong magasawa na kami, minsan binabalikan ko yung mga post namin sa socmed, ang corny LOL kaya ngayon na di siya pala-post e kako okay lang pero sa isip isip ko "Ang corny kasi eh lol" tsaka parang nawawala na lang din sa isip ko dahil halos 24/7 kami magkasama ganon. And as long as, di siya nagfflex ng ibang babae okay na din. Bonus, pag bigla siya nagpost super kilig naman kasi kusa niya talaga at alam mong effort sa kanya hehehehe

Magbasa pa

Ganyan din partner ko, soon to be husband. Pero hindi naman as in walang flexing. hindi lang madalas sa gusto natin. Dati as in nauuwi sa away, ang ending ako din ang talo kasi marerealize mo din na pinapagawa mo sa kanya yung bagay na hindi naman talaga sya. Iba iba nga talaga love language ng tao. Inexplain nya din sakin na hindi dun nasusukat yung love nya kaya wag kong hanapan at pangunahan. Which is totoo naman, kasi pinapakita nya love nya in a different way. Minsan, bigla nalang nya ko ifeflex, at mas nakakakilig pa nga kasi walang sapilitan. โ˜บ๏ธ๐Ÿ’•

Magbasa pa

Wag po mag self diagnose ng PPD. Di ibig sabihin na kakapanganak nyo e PPD na yan. Based po sa kwento nyo, behaviour nyo nmn tlga mag expect ng greetings in social from your husband. And unfortunately di kayo same ng husband mo. Ikaw nalang siguro mag post sa wall mo para sa inyong dalawa since ikaw naman talaga yung may gusto non. Nag ka usap nman kayo at nag explain na sya sayo kaya wag na sya pilitin. Hindi rin naman ksi okay yung mag post sya pero napilitan lang dba? Iba yung nag initiate sya at bukal sa puso nya, masaya sya sa ginagawa nya.

Magbasa pa
VIP Member

ganyan din hubby ko but I have learned to understand him kasi even when we were bf/gf pa, he's not into SocMed/flexing2 which annoyed me at first. Now na mag asawa na kami, he's still the same. I've learned na it's not really a big deal. As long as he'll continue to be good a husband and provider to me and my daughter then I can shrug it off. ๐Ÿ’• May mga lalaki lang talagang ganyan, maybe iba ang love language nila. ๐Ÿ’œ

Magbasa pa
3y ago

Hindi ka OA momsh. It's normal to feel that way. ๐Ÿ˜ŠI got annoyed before at di basta annoyed talagang inaaway ko xa before. Iyak iyak pa ako huh hahaha countless times yan momsh parang naging nagger na ako nun ๐Ÿ˜† But eventually, we have to accept the fact na we can't change them. We even struggle changing ourselves, how much more our husbands diba? ๐Ÿ˜…kita mo pag yung hubby na mismo natin magflex satin w/o us telling them, it's more genuine and it's a different kind of happiness ๐Ÿ˜Šโค๏ธ

valid naman po feeling mo siguro love language mo ay affirmation.. yung hubby ko di din mapost sa socmed at ako pa nga ang nagpopost and tag sa kanya pero di ko binibigdeal kasi may reason din naman sya, di din personality nya na magpost life events. Umaabot na siguro kami sa point na we are happy enjoying together kahit di alam ng karamihan, di din kami showy in public pero malambing kami in private..

Magbasa pa

Samin nmn po mii yung hubby ko yung maganyan sya yung panay post kada may okasyon nkapost sa social media minsan nga kahit wala e tapos sya yung nagrereklamo saken bakit di ko daw sya pinopost o fineflex๐Ÿ˜… hindi kase ako maganon. alam ko na mostly babae yung ganon pero ewan ako hindi. hindi nmn nmin pinag aawayan yun kase alam nmn nya na mahal ko sya mร a sa personal kase ko kesa sa socmed. hehe

Magbasa pa
3y ago

Salamat sa pagsagot momsh๐Ÿ˜… dati kasi ganyan kami ni hubby nung magjowa palang kami ako madalas niya iflex.. Ngayon mag asawa na kami parang ako na naghanap๐Ÿ˜” sabi ko na nag iinarte lang talaga ko๐Ÿ˜…

its okay sis nilalabas mo sama ng loob mo. Ganyan din naman asawa ko di ako piniflex my day pag gusto lang hindi nga nag react ng heart sa my day ko eh hahahaha! but its okay for me kasi di naman basehan sa socmedia kung mahal talaga tayo ng asawa natin mas okay na din yung private kesa sa public dami pa nangengeelam sa buhay kahit wala naman alam at ambag. ๐Ÿ™‚

Magbasa pa

Same tayo kay hubby, yung todo effort ako mag post ng lahat ng events with him pero sya di ko ma experience na batiin ako during bdays, anniv, vdays... pero na realized ko na hindi lahat ng lalaki ay showee sa socmed...sabi nya sa akin bakit pa naman daw ako babatiin sa fb if masasabi naman nya ng personal sa akin.. iniintindi ko nalang na ganun talaga sya..

Magbasa pa

may mga gnun po tlgang lalaki di po sila showy sa mga socmed..mostly po ang mga lalaki ayaw nila ng mga drama chuchu ever nakokornyhan po kc sila madalas sa gnun...ang mhala po di cxa nag kukulang sau as a husband and father sa inyo ng anak nyo..dun nlng po mkontento kana lng po bka po kc ung asawa nyo di po tlga cxa madrama

Magbasa pa