OA ko na ba

Pa vent lang ng kaartehan mga momshiee pero may nakakarelate ba sa akin? Alam ko maarte ako sa panahon ngayon😭 Alam ko OA ako sa ganitong pakiramdam😔 pero nahuhurt kasi ako everytime may special events kahit birthday ko o kahit nung Mother's day di manlang ako igreet ni husband ko sa socmed.. Oo maarte ako pero kasi di ba nakakatuwa yung pag bukas mo ng FB bukod sa mga ibang tao nagreet sayo sarap sa pakiramdam na yun husband mo bumabati sayo😔 kahit di niya yon gawin sa akin.. Pinapakita ko ganon ako sa fb.. Eto nga kaka Wedding Anniversary lang namin nagceleb naman kami pero naghahanap din ako ng maiflex niya😅 wala e ako pa rin nagbati both sa personal and socmed natatawa ako sa sarili ko e nakakaloka kasi.. Tinanong ko na siya sabi niya alam ko naman daw na di siya maganon.. Pero ang nakakahurt lang ang galing niya mag edit kahit videos tapos ipopost niya😔 yun may panahon siya mag post.. Sa akin asawa niya wala.. Sorry maarte ako emotional damage ganern.. May Postpartum depression kasi ako kakapanganak ko palang feeling ko napakalungkot ko..

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

its okay sis nilalabas mo sama ng loob mo. Ganyan din naman asawa ko di ako piniflex my day pag gusto lang hindi nga nag react ng heart sa my day ko eh hahahaha! but its okay for me kasi di naman basehan sa socmedia kung mahal talaga tayo ng asawa natin mas okay na din yung private kesa sa public dami pa nangengeelam sa buhay kahit wala naman alam at ambag. 🙂

Magbasa pa