OA ko na ba

Pa vent lang ng kaartehan mga momshiee pero may nakakarelate ba sa akin? Alam ko maarte ako sa panahon ngayon😭 Alam ko OA ako sa ganitong pakiramdam😔 pero nahuhurt kasi ako everytime may special events kahit birthday ko o kahit nung Mother's day di manlang ako igreet ni husband ko sa socmed.. Oo maarte ako pero kasi di ba nakakatuwa yung pag bukas mo ng FB bukod sa mga ibang tao nagreet sayo sarap sa pakiramdam na yun husband mo bumabati sayo😔 kahit di niya yon gawin sa akin.. Pinapakita ko ganon ako sa fb.. Eto nga kaka Wedding Anniversary lang namin nagceleb naman kami pero naghahanap din ako ng maiflex niya😅 wala e ako pa rin nagbati both sa personal and socmed natatawa ako sa sarili ko e nakakaloka kasi.. Tinanong ko na siya sabi niya alam ko naman daw na di siya maganon.. Pero ang nakakahurt lang ang galing niya mag edit kahit videos tapos ipopost niya😔 yun may panahon siya mag post.. Sa akin asawa niya wala.. Sorry maarte ako emotional damage ganern.. May Postpartum depression kasi ako kakapanganak ko palang feeling ko napakalungkot ko..

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

alm mo sis hnd kasi lahat ng tao mahilig magpost/flex Let understand them lalo id wala naman sila tinatago 😅🤣 kami mag asawa bihira mag post sa socmen kasi sa personal or provate life nami masaya kami at kontento na kami dun. madami dyan akala mo masaya at perfect family pero sa totoong buhay sira at miserable.

Magbasa pa

valid naman po yun feelings mo mommy pero siguro ganun talaga asawa nyo, kayo lang din makakasagot nyan .. Ang gawin mo nalang mi ikaw na magpost sa sarili mo self care nalang tayo.. IFY mommy ganyan din kasi si Hubby ko pero pinaparamdam nya na mahal na mahal nya ako , ndi showy sa social media.. hahaha

Magbasa pa
VIP Member

Si hubby din hindi madalas sa social media which is okay. Kakatapos lang ng bday ko pero di nya ko nigreet sa socmed, pero ilang beses naman nya ko nigreet sa personal and sinurprise din nya ko ng cake and food. Kumabaga nafeel ko na love nya ko kahit hindi sya magpost which is more than enough for me.

Magbasa pa

Husband ko mahilig sya mgpost, ako pa yung hindi masyado nagfflex kasi nahihiya ako magpost sa socmed. Hindi naman din socmed pamantayan kung mahal ka nya. Basta punan ka nya ng pagmamahal physically and emotionally pati ang anak nyo yun ang mas okay, kesa okay sa socmed tapos sa personal hindi.

usually pag ganyan may image na prinoprotectahan sa ibang tao, sorry pero usually ganyan talaga ang mga lalaki parang masculinity nila na di magpopost what so ever kasi mabubully sila sa mga tropa nila lalo na pag nag geget together sila obviously may ma topic silang ibang babae or whatnot ganern 😂

3y ago

Siguro nga ganon momsh.. wala naman siya tropa.. Pero baka sa trabaho niya.. May mga kaworkmates kasi siya ka fb niya at TL siya baka sabihin ng mga katrabaho niya ang cheesy ni TL😅😭 sabi na OA lang ako mii buti nalang naliliwanagan na ko sa mga comments niyo salamat po

VIP Member

parehas tayo mommy.. ganyan din hubby ko.. dati naman ngpopost siya hahaha ngayon hindi na.. ako nlang ngpopost sa sarili ko.. di ko nlang dinidibdib pero mas nkakasaya sa loob pag nag greet siya pero di bale na, dagdag stress lang lalo lalagas ung buhok ko pag inisip ko pa haha

Super Mum

have you talked about it? for me personally, if ginreet naman na ako in real life, added na lang ang pagpost sa socmed, if meron okay, if wala di ko din naman dinadamdam masyado. best if you can talk about it with your husband.

3y ago

I asked him mii sabi niya di siya maganon.. Matatanggap ko din eto.. OA lang talaga ako sa panahon ngayon kakapanganak ko palang😅 salamat sa pagsagot momsh

Mamsh ang hubby ko hindi rin sya masocial media,hindi rin ako naghahangad na iflex sya sa fb..ang mahalaga maalala nyang batiin ako ng personal..may mga ganyan talagang tao.mapababae o lalake..

ako nga mom's di lang magpapaalam na aalis si hubby lalo na pag may tampuhan tumutulo na luha ko.. di namn ako ganito dati ngayun kase kapapanganak ko lang 2 weeks plang.

TapFluencer

ganyan dn asawa ko. dedma nmn ako bsta magdate kmi. tamad kc tlga sya s socmed at d ngppost. lagi ko nlng s itag s posts ko para nkkita ng frnds and family bya ganap nmin