OA ko na ba

Pa vent lang ng kaartehan mga momshiee pero may nakakarelate ba sa akin? Alam ko maarte ako sa panahon ngayon😭 Alam ko OA ako sa ganitong pakiramdam😔 pero nahuhurt kasi ako everytime may special events kahit birthday ko o kahit nung Mother's day di manlang ako igreet ni husband ko sa socmed.. Oo maarte ako pero kasi di ba nakakatuwa yung pag bukas mo ng FB bukod sa mga ibang tao nagreet sayo sarap sa pakiramdam na yun husband mo bumabati sayo😔 kahit di niya yon gawin sa akin.. Pinapakita ko ganon ako sa fb.. Eto nga kaka Wedding Anniversary lang namin nagceleb naman kami pero naghahanap din ako ng maiflex niya😅 wala e ako pa rin nagbati both sa personal and socmed natatawa ako sa sarili ko e nakakaloka kasi.. Tinanong ko na siya sabi niya alam ko naman daw na di siya maganon.. Pero ang nakakahurt lang ang galing niya mag edit kahit videos tapos ipopost niya😔 yun may panahon siya mag post.. Sa akin asawa niya wala.. Sorry maarte ako emotional damage ganern.. May Postpartum depression kasi ako kakapanganak ko palang feeling ko napakalungkot ko..

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mii, I hope matutunan mo maging ok dahil sabi nga nya alam mo naman na ganyan sya dati pa. ☺ parehas kami di masocmed ni hubby ngayon pero pala myday naman ako. pero ang anak ko, or yung pinupuntahan namin na lugar, pagkain, basta hindi pic namin or sya. di ko pa sya pinost kahit kailan, di rin ako nagcocomment sa profile nya or sa post nya. actually di ko sya FRIEND sa FB hahahahahaha pero nagchchat kami sa messenger. call text. I remember kasi one time, friend ko pa sya sa Fb nun, magkatabi kami, tapos ako browse ng browse at nagcomment sa isang page like nagmaldita, then sabi nya sakin nun, nag comment ka talaga ng ganun, di mo alam nababasa ko? sabi nya sakin mga mars. ahh ganon sabi ko, tapos inunfriend ko na sya. hahahahaha Nung dalaga ako pala post ako ng pic ko like selfie groupfie or family. pero one time naisip ko iprivate mga pics ko, and i was like, private life is a happy life. and its true mag mamii. less chismis less convo sa mga plastic na nagcocomment, ang ganda mo, tas rereply ka mana sayo, wwweeeekkkkk. hahahaahahh Aanyway mamii, back to your topic, yun i hope maging better ka, di ka naman maarte, normal lang mag seek ka ng ganyan sa asawa mo. normal lang din na tulad ko, hindi naghahanap ng ganyan. ok lang kahit ano ka pa. wag mo lang dibdibin masyado to the point na pag aawayan nyo pa yung ganung kasimpleng bagay. ikaw nalang magpost ng magpost sakanya. tag mo pa para happy. ☺

Magbasa pa

Kami ng husband ko bf/gf days we flex din sa socmed pero hindi madalas. I find it corny kasi. Saka like hindi naman need malaman ng mga socmed friends what's happening. Then nung kinasal na kami. We deactivated both of our socmeds kasi ang toxic na din like yung iba too much exposure na ultimo hanggang cr may post. Now 4yrs married na kami expecting our 2nd child this November laking help ng walang socmed kasi hindi kami updated sa mga trend kung ano man. Sobrang smooth ng 1st and 2nd pregnancy journey ko di ako nasstress sa mga nakikita ko. In terms of all occasions sa buhay namin wala namang nakakalimot ng anniversary or birthdays, mothers/fathers day. Minsan sumisilip lang kami sa fb para magpalit ng profile pic then deactivate na ulit kasi pag matagal ka ng walang fb nawawala ung pic sa messenger kaya ayun naglalagay lang kami. So far okay naman kami. Mas nakakapag focus kami sa family namin, di namin kinukumpara kung anong meron sa iba na wala kami kasi wala naman kaming nakikita. Happy naman kami at yun yung pinaka masarap na feeling para samin. Nag mature kami both. Graduate na kami sa socmed talaga. Itong app dto sa TAP aalisin ko din to once makapanganak na ko kasi tinitignan ko lang talaga dito yung day by day progress ni baby ko. At the end of the day what matters most is what's happening behind close doors. Sa socmed kasi karamihan pretentions tlga.

Magbasa pa

10yrs na kami ni hubby. Kapag nakita mo fb namin personally both kmi hnd pala post. Hnd kasi namin ugali yan eh ung post ng post sa social media hahaha ewan ko sa tagal namin mas importante bung nangyayari samin in private. We value our family's privacy. Kahit pics ng anak ko last post ko bday pa nya which is May hahaha Napansin kasi namin sa panahon now, naghahanap ng validation/affirmation from social media. Which is for us not really important. Mdami kaming blessing na masaya kami na khit kami lang 2 nakaaalam ah thankful kami ,no need na ipost sa fb or what. Malaki ang effect ng social media sa tao,sa relasyon at sa buhay natin. It can damage ur self confidence,u compare ung self sa ibang tao. Sometimes good and bad din. dami ko kakilala ang sweet at saya sa fb pero sa personal hnd naman. Which is nakakasad. Gsuto naten makita tayo ng tao na masaya kahit in real life hnd naman ganun. Ako if ipost or hnd nya ko sa fb does not really matter for me kasi I know my worth naman. as long as were happy,were healthy lalo na anak namin ok na kami. Kahit wlang post sa fb ok lang. Hnd dyan nasusukat ang pagmamhal. Baka hnd nya love language ang ganyan. Sometimes we cant pilit them to do things na hnd nila gusto pra lamg masatisfy tayo. As long as he's good husband and father sya sayo ok na un.

Magbasa pa

haha mi may technique ako jan ang husband ko gnyan din ever since mg jowa kame never nya ko finlex noon nagtatampo ako pero ngayon mejo nasasanay na ako...ang gngawa ko kinukuha ko phone nya ako ng popost i fleflex ko sarili ko making sure maganda ako sa picture 😂 tas babatiin ko sarili ko kunwari post nya 😂 naiinis sya sa ganon dti kaya tinigilan ko,pero ngayon hindi pa kame ng aannounce ng pregnancy ko sinabe ko na sa announcement ako ang mag popost gamit ang account nya hahaha sbe ko buntis ako wag mo ko tanggihan 😂 so settled na haha. Pero narealize ko din lately na okay din walang social media walang may alam sa buhay mo, walang nakikisawsaw lalo na ung mga nag gagaling galingan... 1 month na akong walang fb at messenger sa anniv. lang ako mg aactivate tas kinbukasan mg dedeactivate ulit ako 😂 ang sarap mg tahimik na buhay yung walang alam ang mga tao sayo sobrang peaceful..unlike nung bata bata ako bawat kibot ko post agad kht walang wenta post ko 😂

Magbasa pa
3y ago

super agree! nakakastress pa kasi pag marami kang marinig o makabasa ka ng comment ng mga perfect hahaha. 😅 kaya kalma lang. mas okay tahimik lang.

TapFluencer

Hindi OA kung makaramdam ka niyan siguro better talk to your husband na eto yung gusto mo. Communication is the key for a happy relationship. Natutunan ko na iba talaga ang babae sa lalaki kasi gusto sana natin suprise pero sila clueless sa gusto mo. Hindi sa di ka mahal sadyang ganon lang sila mag-isip o normal lang sa kanila na walang interest sa bagay na yun naman interest mo. Usap lang na kung pwede ipost ka sa fb explain mo din kasi masaya ka if gawin niya iyon. 😊 Husband ko hindi talaga siya ito social media. Reason niya private person and for security purposes. May point naman din talaga pero inexplain ko na nakaka-uplift ng self-esteem ko kung pinakikita niya how proud siya sa akin sa social media, though magkaiba kami ng way paano magpakita ng proud or appreciation ginawa niya way ko dahil doon ako masaya. Though di pa din siya regular nagpopost it's okay importante behind social media di naman siya nakakalimot bumati at magpasaya sa amin ng anak niya. 🥰

Magbasa pa

Mi siguro instead na magfocus ka sa mga hindi magawa ni hubby for you, isipin mo nalang mga bagay na nagagawa nya na hindi mo masyado pansin. I think it is unfair for him na ipagawa sa kanya mga bagay na hindi sya sanay gawin. Ganyan mga lalaki eh, kung hindi mo sasabihin ng direto sa kanila HINDI SILA MAKAKARAMDAM 😂 pero nagsawa din ako sa ganun. Kase medyo pathetic sa part ko na nagpapastory pa ako at nagpapa greet sa FB tapos ako pa pipili ng pic na gamit nya. Mamsh may mga kilala ako lagi sila pinopost sa soc med pero pinagaawayan naman nila pag pinipilit ng girl, gusto mo ba yon? Pero hindi ka maarte sa ganun :) Its completely normal na medyo mainggit sa mga nakikita natin. Pero wag ka magpadala sa mga ganun. Importante alam mo na mahal ka ng asawa mo. Parang palamuti nalang mga yun kumbaga. Facebook is deceiving! Hindi lahat ng nakikita natin totoo na masaya.

Magbasa pa

Ako ang hindi masyado ma-soc med sa amin ni husband. Minsan yung mga special events and greetings nya sa mga anak namin, shared post ko na lang. Hehe... Pero pagdating naman sa mga personal events ni husband like birthday, father's day ect... Nag-popost naman ako sa soc med pero minsan, hapon na. Or after we celebrate, para may picture nung celebration. Hahaha!!! Pero nabati ko na sya ng personal. Wala naman issue kay hubs and sa akin ung hindi pag-post. Ang importante sa amin ma-greet ng personal and makapag-celebrate. Hindi naman kami LDR para umasa sa soc med. I don't invalidate your feelings mommy, may iba-iba kasi tayong love language, nagkataon lang siguro na hindi bet ni hubs mo yung ganun or hindi kayo pareho ng gusto. Usap kayo ang sabihin mo feelings mo, or better ask mo si hubs why Hindi sya nagpo-post para maintindihan mo din side nya.

Magbasa pa

Ganyan din si hubby ko mamsh. Kaya parang nasumpa na yung mga special days na dapat magcecelebrate kami eh nauuwi sa away kaya palaging extended nlang yung celebration! May mga lalaki talagang manhid mamsh na kahit isigaw mo pa sa kanila na kahit konting appreciation man lang na ipakita nila para sa atin kahit konti lang eh ayaw talaga nilang gawin 🙄 kaya feeling ko ako na dapat ang mag mature para intindihin na ganyan na talaga sia hindi na ako aasang magbabago pa yun! Para saakin normal lang na maka feel tayo ng self-pity kasi marami paring lalaki ang proud sa mga asawa nila at mahilig magpakita ng appreciation sa asawa. Nagseselos tayo at minsan nakakababa ng tingin sa sarili pero kailangan natin mag adjust kasi tayo rin ang kawawa ang mental health natin dapat natin alagaan.

Magbasa pa

Asawa ko ganyan hahaha hindi nagpopost sa social media, nada kahit anniversary or birthday wala talaga, khit anong okasyon wala tapaga mamsh. Understandble naman minsan kasi hindi naman talaga siya nagpopost pr myday maliban kung sabi ng HR na work related. Minsan naiinggit ako sa iba, pero ngayon medyo kiber na, basta binabati ako ng personal. Sabi ko nga ako na magpopost gamit fb niya eh, ako na rin mag myday sa fb niya kahit one time lang, o kaya sabi ko hindi na rin ako magpopost talaga kapag nagtatampo ako minsan. May ganyan talagang tao, hindi mapost sa social media, tipong ang social media ay pra lang magscroll sila at hindi magpost. Sa 10 years namin never ako na-ipost, tapos first time lang na nagpalit ng profile picture na kaming dalawa ata is nung kasal namin. Hahahaha

Magbasa pa
TapFluencer

buti na lang po pala parehas kami ni hubby na hindi masocial media. 😅. pero valid ang nararamdaman mo mii kasi iba iba naman tayo. maybe expressive ka pero si husband mo hindi. it could also be na expressive din sya but in another way. nung tinanong ko asawa ko bakit di sya nagpopost ng pictures namin sa facebook pag may gatherings ganern, as in once in a blue moon sya magpalit ng profile pic na magkasama pa kami, pero married to me ang relationship status nya, minsan daw may mga bagay na gusto nya kanya lang. ung sya lang nakakakita kasi sobrang special sa kanya. o yan kinilig na naman ako hehe. communicate with each other. un ang mahalaga. you can let him know what you feel. para masabi din nya ang reasons nya. 😊. hugs mommy. malalagpasan mo din yan.

Magbasa pa