OA ko na ba

Pa vent lang ng kaartehan mga momshiee pero may nakakarelate ba sa akin? Alam ko maarte ako sa panahon ngayon😭 Alam ko OA ako sa ganitong pakiramdam😔 pero nahuhurt kasi ako everytime may special events kahit birthday ko o kahit nung Mother's day di manlang ako igreet ni husband ko sa socmed.. Oo maarte ako pero kasi di ba nakakatuwa yung pag bukas mo ng FB bukod sa mga ibang tao nagreet sayo sarap sa pakiramdam na yun husband mo bumabati sayo😔 kahit di niya yon gawin sa akin.. Pinapakita ko ganon ako sa fb.. Eto nga kaka Wedding Anniversary lang namin nagceleb naman kami pero naghahanap din ako ng maiflex niya😅 wala e ako pa rin nagbati both sa personal and socmed natatawa ako sa sarili ko e nakakaloka kasi.. Tinanong ko na siya sabi niya alam ko naman daw na di siya maganon.. Pero ang nakakahurt lang ang galing niya mag edit kahit videos tapos ipopost niya😔 yun may panahon siya mag post.. Sa akin asawa niya wala.. Sorry maarte ako emotional damage ganern.. May Postpartum depression kasi ako kakapanganak ko palang feeling ko napakalungkot ko..

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kami ng husband ko bf/gf days we flex din sa socmed pero hindi madalas. I find it corny kasi. Saka like hindi naman need malaman ng mga socmed friends what's happening. Then nung kinasal na kami. We deactivated both of our socmeds kasi ang toxic na din like yung iba too much exposure na ultimo hanggang cr may post. Now 4yrs married na kami expecting our 2nd child this November laking help ng walang socmed kasi hindi kami updated sa mga trend kung ano man. Sobrang smooth ng 1st and 2nd pregnancy journey ko di ako nasstress sa mga nakikita ko. In terms of all occasions sa buhay namin wala namang nakakalimot ng anniversary or birthdays, mothers/fathers day. Minsan sumisilip lang kami sa fb para magpalit ng profile pic then deactivate na ulit kasi pag matagal ka ng walang fb nawawala ung pic sa messenger kaya ayun naglalagay lang kami. So far okay naman kami. Mas nakakapag focus kami sa family namin, di namin kinukumpara kung anong meron sa iba na wala kami kasi wala naman kaming nakikita. Happy naman kami at yun yung pinaka masarap na feeling para samin. Nag mature kami both. Graduate na kami sa socmed talaga. Itong app dto sa TAP aalisin ko din to once makapanganak na ko kasi tinitignan ko lang talaga dito yung day by day progress ni baby ko. At the end of the day what matters most is what's happening behind close doors. Sa socmed kasi karamihan pretentions tlga.

Magbasa pa