OA ko na ba

Pa vent lang ng kaartehan mga momshiee pero may nakakarelate ba sa akin? Alam ko maarte ako sa panahon ngayon😭 Alam ko OA ako sa ganitong pakiramdam😔 pero nahuhurt kasi ako everytime may special events kahit birthday ko o kahit nung Mother's day di manlang ako igreet ni husband ko sa socmed.. Oo maarte ako pero kasi di ba nakakatuwa yung pag bukas mo ng FB bukod sa mga ibang tao nagreet sayo sarap sa pakiramdam na yun husband mo bumabati sayo😔 kahit di niya yon gawin sa akin.. Pinapakita ko ganon ako sa fb.. Eto nga kaka Wedding Anniversary lang namin nagceleb naman kami pero naghahanap din ako ng maiflex niya😅 wala e ako pa rin nagbati both sa personal and socmed natatawa ako sa sarili ko e nakakaloka kasi.. Tinanong ko na siya sabi niya alam ko naman daw na di siya maganon.. Pero ang nakakahurt lang ang galing niya mag edit kahit videos tapos ipopost niya😔 yun may panahon siya mag post.. Sa akin asawa niya wala.. Sorry maarte ako emotional damage ganern.. May Postpartum depression kasi ako kakapanganak ko palang feeling ko napakalungkot ko..

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

10yrs na kami ni hubby. Kapag nakita mo fb namin personally both kmi hnd pala post. Hnd kasi namin ugali yan eh ung post ng post sa social media hahaha ewan ko sa tagal namin mas importante bung nangyayari samin in private. We value our family's privacy. Kahit pics ng anak ko last post ko bday pa nya which is May hahaha Napansin kasi namin sa panahon now, naghahanap ng validation/affirmation from social media. Which is for us not really important. Mdami kaming blessing na masaya kami na khit kami lang 2 nakaaalam ah thankful kami ,no need na ipost sa fb or what. Malaki ang effect ng social media sa tao,sa relasyon at sa buhay natin. It can damage ur self confidence,u compare ung self sa ibang tao. Sometimes good and bad din. dami ko kakilala ang sweet at saya sa fb pero sa personal hnd naman. Which is nakakasad. Gsuto naten makita tayo ng tao na masaya kahit in real life hnd naman ganun. Ako if ipost or hnd nya ko sa fb does not really matter for me kasi I know my worth naman. as long as were happy,were healthy lalo na anak namin ok na kami. Kahit wlang post sa fb ok lang. Hnd dyan nasusukat ang pagmamhal. Baka hnd nya love language ang ganyan. Sometimes we cant pilit them to do things na hnd nila gusto pra lamg masatisfy tayo. As long as he's good husband and father sya sayo ok na un.

Magbasa pa