Pa-rant lang po dahil wala naman akong ibang mapagsabihan dahil nakakahiya din sa mga kakilala ko na akala ok kami.
Ganito po kasi yun, 3 years na rin kami ng LIP ko. Dati nung bago palang kami, ok naman sya. Sweet, may effort kahit di mo na sabihan nagkukusa. Ngayon matagal na din kami at nung nalaman namin na buntis ako, unang sinabi nya di pa sya ready and kung kaya pa daw ipa-abort daw namen. Sa isip-isip ko ta***na ang tanda mo na, 30 ka na and 29 nako panong di ready. So sabi ko sa kanya wala akong balak ipa-abort magiging anak namen. So ayun na nga tinuloy ko kahit nagdalawang isip sya. Kahit parang napipilitan, sinasamahan nya ko "minsan" sa mga checkups ko. Almost buong 1st trimester ako gumastos lahat literal, lahat ng checkups, ultrasound, gamot, gatas etc. Pero sabi ko ok na yan atleast sinasamahan naman ako. Edi dumaan na mga buwan palaki na ng palaki tiyan ko, feeling ko naman unti-unti na nyang natatanggap, tapos una akala namin boy, parang malakas lang yung feeling namin, eh nung malaman namin na girl pinagbubuntis ko, parang dismayado sya. Eh as usual, unti-unti nyang natanggap nalang na girl talaga. Tapos eto na syempre bibili na ng mga gamit kasi alam na namen gender diba? Bago kami bumili ng mga gamit, madami na kong nabiling baby stuff online na libu-libo na din ang worth pero ni singko wala syang contribution dun. Pero di ko sya siningil. Nung bilihan na ng mga mahal na gamit like crib, stroller, carrier, dun lang sya humati. Tapos pag checkup ko laging kung hindi kami hati, mas madalas lamang ako ng gastos as always. Laging sasabihin wala syang pera/wala pang sahod and so on. Always may excuses pag needs ko or ng baby. Edi sige pinalusot ko pa din kahit alam kong meron naman syang pera talaga and FYI madami syang pera sa bangko sa joint account nila ng ate nya baka hundred thousand to a million not really sure pero ganun ang alam ko. Kasi ang style nya pag alam nyang may pera pa ko kung di sya maglalabas din ng pera eh yung mga pera ko sa purse ko inuunti-unti nya din parang pasensya ko. Pero pag ako humihingi sa kanya ng pera, halagang 50-100pesos ang dami pa nyang sinasabe na kala mo ang laki ng hinihingi ko. Minsan maghahanap pa ng sukli. Samantalang pag sya kung ilibre ko, kung maka-kupit sya sa purse ko di ko yan binibilangan. Siya, ang siste nya, lahat ng gagastusin saken kinukwenta kasama na dun ang pangangailangan ko sa pagbbuntis ko. Nakakakatawa nga eh, naaksidente kame tapos kasalanan nya, yung gastos sa ospital gusto nya tig-kalahati kami eh una sa lahat dapat sya lang gumastos non kasi kung di dahil sa kanya di malalagay sa peligro pinagbubuntis ko. Ang saya lang na nakakabadtrip diba? Tapos pag nagaaway kame, walang kasing hayop at basura kung itrato ako minumura palagi at sinisigawan ako kahit maliit lang pinagaawayan namin. Minsan pa nga sasabihin nya pa saken, baka di naman daw talaga sya ang tatay baka iba daw or katrabaho ko daw. Nakakagigil, yung sinasabi nyang katrabaho na pinagiisipan nya saken ng malisya ni hindi ko nga kinakausap. Tapos after ng trabaho direcho na ko sa bahay never akong sumama sa mga ganap ng mga katrabaho ko, to the point na nagresign nalang ako dahil araw2 na nya kong pinapaiyak non dahil sa sobrang selos. Ako na nag adjust at nag giveway sa kanya. Yun pala buntis na pala ako nung time na yon, gawa ng dahil din sa selos nya kaya inaraw-araw nya ko non na syang nagbunga ng pinagbubuntis ko ngayon. Di ako masaya sa totoo lang. Pinagtatakpan ko lang sa mga kaibigan at lalo na sa pamilya ko mga ginagawa nya saken. Para di ako mapahiya at i-judge nanaman nila ako dahil sa mga wrong choices ko. Ngayong malapit-lapit na din akong manganak, dahil alam nyang medyo malaki makukuha ko sa SSS, gusto nya majority ng gastos sa panganganak saken manggagaling dahil dinadahilan nya na kakatanggal nya lang sa work w/c is kasalanan nya rin in the first place. Pero right after matanggal nya sa work, randomly binigyan sya ng dad nya ng 115k and ni singkong duling dun hindi ko kinuwestyon or never kong sinavmbi na hatian nya ko dahil alam kong wala akong karapatan makihati dun or kung ano pa mang gawin nya dun. One time nga yung cash na yun kakabigay lang sa kanya ng dad nya and pinakita nya saken saan nya nilagay, sabe ba naman saken "Oh ito ha, bilang na bilang ko to, pag nagkulang to ikaw lang sisisihin ko!". Syempre natrigger ako! Ni isang beses sa buong pagsasama namin never ko syang kinupitan ng pera. Ang saklap naman at nakakababa naman sa pagkatao na sarili mong partner pagsasabihan ka ng ganon. Sabi ko sa kanya, "Wow! Anong akala mo saken? Magnanakaw? Baka nalilimutan mo wala pakong nanakaw or kinupit sayo kahit kailan, ikaw nga kung maka-kupit ka sa wallet ko alam ko pero dinededma ko lang tapos walang ka-abog-abog na sasabihan mo ko ng ganyan? ". Napaka walanghiya nya talaga hay nako.
Ang sakin lang, may pera sya dapat marunong syang magkusa, kasi nakakabili nga sya ng mga walang kwentang bagay na hindi naman kailangan sa pang-araw araw pero pagdating saken or para sa magiging anak nya madalas nagdadalawang isip pa syang maglabas ng pera. Parang di kame kaano-ano, parang donation lang ang dating ng bigay nya.
Natawa nga ako kanina nabanggit ko lang sa kanya, "Wala ka man lang kahit anong naging regalo sakin ever since naging tayo, ultimong birthday ko, valentines or pasko." Niyayaya ko kumaen sa labas sana ang sabe ba naman saken, "Ano ka highschool? May pa valentines pa?! Edi kesa bilhan kitang regalo o kumaen tayo sa labas edi sa baby nalang."
And funny thing is sobrang kunat nya talaga sa lahat ng aspeto. What more pa kaya kung lumabas na baby namen? Titipirin nya din ba sa gatas, diaper, checkups, vitamins and gamot? Obserbahan ko nalang muna siguro kung may pag asa pang magbago. Alam ko tanga ko syempre pero medyo umaasa pa din ako umayos pa ugali nya.
Marami pong salamat sa oras at sa pagbabasa ng napakahaba kong nobela. ?
Anonymous