Cord Accident happened to my supposed to be first baby! (2019)

Sharing you what happened to my first baby! Inanak ko sya normal Sept. 11, 2019, pero September 9, 2019 pa lang naka-admit na ako kasi wala na syang heartbeat, now ko lang ito ippost for the awareness, baka lang sakali makatulong. Na notice ko sya 8months, isang araw di na sya gumalaw, medyo nag-isip na ako and nag-ask na sa ka-work and dito sa apps to know if normal lang bang hinde nagalaw si Baby. Then may mga nagsabe na normal lang daw minsan buong araw hinde gumagalaw. pero dahil nag-aalala ako at di talaga sanay na hinde gumagalaw si Baby nag pa heartbeat muna ako, sabe sa Center may heartbeat naman daw si Baby. Then observed ko sya buong araw di pa den gumalaw so nag decide na ako na magpa check-up and ultrasound. First Hospital na pinag ultrasound ko dito sa Calamba, ni-refund yung payment ko kasi sabe nila try ko daw sa ibang hospital kasi sakanila daw walang heartbeat na ma detect pero wag daw ako magpanic, magpa second opinion pa den daw ako. So lumipat ako ng ibang Hospital, then ayun pag ultrasound saken nung OB, sabe nya wala ng heartbeat to, mag pa-admit na nga daw ako. So, fast forward na admit ako sa Pamana, then lahat ng procedure ginawa, hinde ako CS ng OB ko kasi based sakanya wala na naman daw hinahabol na buhay and hinde pa naman daw open cervix and hinde pa naputok ang panubigan ko kaya safe pa den daw ako, hinde daw ako malalason, kasi yun ang worry ng Mama ko and Parents, Relatives namen ng asawa ko. Ang ginawa tinurukan ako ng gamot na pampahilab through dextrose. Then dumaan den ako sa I.E na procedure, ilang beses den akong na I.E. (Saket nya hah) Tapos Wednesday, September 11, 2019 morning sobrang saket na, nag llabour na ako open na cervix pero di pa den naputok ang panubigan ko hanggang sa ipasok na nga ako sa Delivery Room habang hinihintay na pumutok ang panubigan ko. After ilang oras na pag llabour, 3:00pm lumapit na saken yung OB ko and sabe ko nga sobrang saket na, so chineck nya kung ilang CM na ako at yun sabe nya malapit na ako manganak, puputukin na daw nya yung panubigan ko. Tapos parang sinundot nya lang ng needle then naramdaman ko yung parang lobo na may tubig na pumutok. Then after pumutok pinasok na ako sa Operating Room, then siguro dalwang ire, lumabas si Baby, tapos ayun pinicture'an ni Doktora kasi day 1 ko pa lang na ma-admit tinanung ko na sya if ano yung possible cause baket nawala si Baby, so sabe nya pag naianak ko na daw saka namen malalaman kung ano ang dahilan, kasi normal naman daw lahat ng mga tests ko, wala akong infections sa anupaman, kaya sabe ko kay Dok kung pwede paki picture'an si Baby kung ano yung naging cause. Then after ko manganak, ayun sinend nya saken yung dahilan. Ayun nga Cord Accident sya pero Rare kasi diba yung ibang Cord Accident is malimit pumupulupot sa leeg or sa ibang bahagi ng katawan pero yung kay Baby umikot ng umikot hanggang sa mapipi na yung ambilical cord nya dahilan para di na sya ma supplyan ng oxygen and nutrients from me, sa sobrang likot and dahil nga 8months and naka-posisyon na sya ready na lumabas, di na sya nakabalik. Sobrang saket, until now kahit pa mag 3 years na ang nakakalipas. Naniniwala ako na anything happens for a reason, na may magandang plano si God, na kinuha sya ni God kasi need nya ng mga Angel dahil kulang sya ng magbabantay. Then after ilang months nga ayun nagkaron ng Covid, so yun talaga yung pinaniwalaan ko, na kinailangan talaga ni God ng Angel dahil may parating palang Pandemya, naging taga bantay namen sya. Thankyou Lord. β€οΈπŸ™πŸ»πŸ˜‡ Thankyou Baby Haeven Querubin, hinde ka man namen nakasama physically, napasaya mo pa den sina Mommy and Daddy. Iloveyouuu Baby Haeven, always and forever ka nameng Baby, Panganay, Kuya. Mahal na mahal ka namen Anak ko, hinde ka namen nakakalimutan ng Daddy mo. Masaya ka na dyan sa heaven. πŸ‘ΌπŸ»πŸ€πŸ˜˜ ~Isaiah 60:22 #1stimemom #pregnancy #firstbaby

Cord Accident happened to my supposed to be first baby! (2019)
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

i feel you mommy... ako naman dec 2020 ako nakunan at 26weeks 1week sya hnd gumagalaw nun tas pag tinatanong ko mga kasamahan ko kung normal ba na hnd gumagalaw si baby sabi nila normal daw kaya hnd ako nagpanic kc pinaniwalaan ko sila kc na experience na nila ei ako first time ko palang magbuntis.hanggang sa umabot ng 1week bago ako nagpa check up tas hinanap nung midwife yung hb sa doppler hnd nya mahanap kaya nag request sya ng utz tas ayun nga wala na pala sya HB kinabukasan nagpa admit din ako 5as 2days pa bago ko sya naipanganak. pero yung akin hnd ko nalaman yung cause nya kc wala yung ob ko nung nanganak ako tas dun pa ako nanganak sa kwarto ko kc hnd ako inaasikaso nung mga nurse dun sa ospital... nagpunta yung ob ko mga 10am ni ie nya ako sabi nya malapit na daw ako manganak tas hnd na sya bumalik hanggang sa naglabor na ako at 1:20pm lumabas na yung baby ko saka dumating yung mga nurse kc tinawag sila ng asawa ko... saktong 1yr bago ako nabuntis ulit at 20weeks na ako ngaun sa 2nd pregnancy ko...

Magbasa pa
Post reply image
1y ago

same story tayo ako saktong duedate kuna ng lumabas c bby peru walang heartbet pag labas nya hind ko alam bakit nawalan ng heartbeat peru noong pag punta ko sa midwife ko mataas dw bp ko nasa 160 up 1 yr n a sya mahigit pag 7month nya nag buntis ulit ako now 33 weeks naku kaya sobrang ingat kuna at nag private ako para alaga tlga ng ob ko

Thank you for sharing mommy. So sorry for your loss. Me angel na laging gagabay sainyo ng family mo. Kahit sobrang sakit. πŸ˜” Thank you din dahil sa experience mo atleast nag share ka ng awareness na never talaga dapat balewalain pag ung instinct mo sinasabi na me mali. Andami ako nakikita dito nagtatanong ano daw gagawin if hinde nararamdaman si baby. Madami umaasa sa advice ng ibang tao. Kahit minsan hinde na applicable sa kanila. Ending minsan nasasayang ang buhay. Atleast with this story magkaroon ng awareness ibang mommy na mas maige pa din na sa doctor lang kayo mag coconsult. Pede magtanong sa mga tao na meron same experience pero at the end of the day dapat sa professionals pa din lalapit. Ok na maging praning. Mas ok na ung pacheck up ng pacheck up at mangulit ng doctor. Kasi buhay yan eh. Kaya lagi ang advice ko dito sa app. Pumunta kayo sa OB if me nararamdaman kayo hinde normal. Kahit kapraningan lang minsan. Thank you again mommy and condolence. Prayers for your healing πŸ™πŸ»

Magbasa pa
3y ago

totoo yan momshie kaya ako ang laki ng pagsisisi ko nung nakunan ako kaya malaki nakuha kong lesson dun ei...nung 1st trimester ko nung 1st pregnancy ko ay sa ob talaga ako nagpapacheck up tas nung mag 4months na lumipat ako sa lying in kc namamahalan ako sa ob every check up ko. tsaka ang alam ko kc once na malagpasan mo yung 1st trimester ei wala nang problema sa pagbubuntis... kaya ngaun na nabuntis ako agad bumalik ako dun sa dati kong ob na pinag check up an ko...

wala ako ibang hiling kay.lord na sana maging.maayos ang pagbubuntis ko.hanggang maianak ko c baby ko.kag 36 n ako this year kaya napaka stressfull s akin n bka ito n ung una at huli ibibigay.n lord s akin.sobra ako naprapraning talaga pag may.kakaiba ako nararamdaman.kung pwd nga lang tumira nalang muna ako.s ob doktor ko para alam ko safe kmi.n baby😘. sa mga share nyo dito nakakakuha ako.idea para maging maayos ang pagbubuntis ko salamat po. hingi rin ako prayer s inyong.lahat mga mi para sa amin n baby sana maipakita ko.s knya ang ganda ng buhay ang.mundo natin😘😘 ingat and good luck din s ating motherhood journeyπŸ™‚πŸ˜˜

Magbasa pa
VIP Member

muntik na mangyari sakin yung nangyari sayo mamsh di rin magalaw ang baby ko nun kahit anong gawin ko mapagalaw siya so ayun agad ako pumunta sa ob ko at nacs agad ako. Fortunately, naagapan at nailabas ko siya ng buhay. True cord knot naman yung sa baby ko. Sabi ng ob ko buti nalang daw di ko pinagwalang bahala kahit alam ko normal lang minsan na less active na si baby pag kabuwanan na. importante talaga angnkick counts para maiwasan po ang ganito. Praying for you. I can't imagine the pain youre still going through.

Magbasa pa
3y ago

Buti na lang talaga naagapan mo. ☺️ Thankyou for your sympathy! πŸ₯°

VIP Member

naiyak ako ang sakit sa puso πŸ˜­πŸ’” hindi ko maisip ang gagawin ko if ever ako yung nasa kalagayan mo mommy, pero ang tatag mo kinaya mo. Naiyak talaga ako ng sobra habang binabasa ko at pinapakinggan ng hubby ko. 😭πŸ₯Ί Pray lang mommy may magandang plano po si Lord na nakalaan para sa inyo, huwag po kayo mawawalan ng pag asa. πŸ™πŸ»β€οΈ

Magbasa pa

ako mie 5m na tummy ko kahapon galing sa center para sa prenatal pero wala sila mahanap o marinig na pulso khit kunti man lang sabi sakin mgpa oltrasound ako kaya monday magpaoltrasuond ako pero panay nman pagalaw nia sa loob ko kya. posibli ba yun na wala sila mahanap heartbeat tapos malikot sta sa loob .

Magbasa pa
3y ago

mas maganda pa den po na magpa ultrasound po kayo, for safety na den po ni baby mamsh. πŸ₯°

Nakakalungkot na nakakatakot po, .i'm currently 25 weeks pregnant and super active nya .kaya nga kahit ilang oras lng na di sya gumalaw napapraning nako .nsanay kasi ako mula 16 wks sya nglilikot. .praying for every mums and soon to be mums na mgging mbuti ang lahat ❀️❣️

Hugs po napakasakit po ng ngyari sa inyo wala po katumbas ang sakit ng nanay na di pa man naisilang ang anak ay di na niya mayayakap ng buhay😒 balang araw ibabalik sa inyo ni Lord si baby HaevenπŸ™ Godbless your family mi.. Lagi ka lang magtiwala kay Lord

3y ago

Thankyou for the encouraging words! πŸ₯° Yes i still hopeful na bibigyan pa ako ni God ng Baby Haeven. πŸ‘ΌπŸ»πŸ’›

We have the same experience mommy. nagpulupot dn ung cord ng baby ko. 37 weeks na sya nun. ready na tlaga lumabas. ang kaso, sabi mo nga kailangan ni Lord ng mga extra angels. nag 1yr old na dn ang aming baby angel and now he's a kuya na.. πŸ₯°

3y ago

Yes, yun talaga yung pinanghahawakan ko until now kung baket nangyare saken/samen yun. πŸ’›πŸ‘ΌπŸ» Goodluck on your pregnancy mamsh. πŸ₯°

same po mi 8mnths din ng nwalan ng heartbeat baby q lastyer..pre eclampsia po ung sakin subrang sakit kc konting konti nlng sana..pero ngaun po 4mnths preggy po aq ulit at sana ibigay n to n Lord s amin.πŸ˜‡