Partner na walang pake (warning: long story po ito)

Pa-rant lang po dahil wala naman akong ibang mapagsabihan dahil nakakahiya din sa mga kakilala ko na akala ok kami. Ganito po kasi yun, 3 years na rin kami ng LIP ko. Dati nung bago palang kami, ok naman sya. Sweet, may effort kahit di mo na sabihan nagkukusa. Ngayon matagal na din kami at nung nalaman namin na buntis ako, unang sinabi nya di pa sya ready and kung kaya pa daw ipa-abort daw namen. Sa isip-isip ko ta***na ang tanda mo na, 30 ka na and 29 nako panong di ready. So sabi ko sa kanya wala akong balak ipa-abort magiging anak namen. So ayun na nga tinuloy ko kahit nagdalawang isip sya. Kahit parang napipilitan, sinasamahan nya ko "minsan" sa mga checkups ko. Almost buong 1st trimester ako gumastos lahat literal, lahat ng checkups, ultrasound, gamot, gatas etc. Pero sabi ko ok na yan atleast sinasamahan naman ako. Edi dumaan na mga buwan palaki na ng palaki tiyan ko, feeling ko naman unti-unti na nyang natatanggap, tapos una akala namin boy, parang malakas lang yung feeling namin, eh nung malaman namin na girl pinagbubuntis ko, parang dismayado sya. Eh as usual, unti-unti nyang natanggap nalang na girl talaga. Tapos eto na syempre bibili na ng mga gamit kasi alam na namen gender diba? Bago kami bumili ng mga gamit, madami na kong nabiling baby stuff online na libu-libo na din ang worth pero ni singko wala syang contribution dun. Pero di ko sya siningil. Nung bilihan na ng mga mahal na gamit like crib, stroller, carrier, dun lang sya humati. Tapos pag checkup ko laging kung hindi kami hati, mas madalas lamang ako ng gastos as always. Laging sasabihin wala syang pera/wala pang sahod and so on. Always may excuses pag needs ko or ng baby. Edi sige pinalusot ko pa din kahit alam kong meron naman syang pera talaga and FYI madami syang pera sa bangko sa joint account nila ng ate nya baka hundred thousand to a million not really sure pero ganun ang alam ko. Kasi ang style nya pag alam nyang may pera pa ko kung di sya maglalabas din ng pera eh yung mga pera ko sa purse ko inuunti-unti nya din parang pasensya ko. Pero pag ako humihingi sa kanya ng pera, halagang 50-100pesos ang dami pa nyang sinasabe na kala mo ang laki ng hinihingi ko. Minsan maghahanap pa ng sukli. Samantalang pag sya kung ilibre ko, kung maka-kupit sya sa purse ko di ko yan binibilangan. Siya, ang siste nya, lahat ng gagastusin saken kinukwenta kasama na dun ang pangangailangan ko sa pagbbuntis ko. Nakakakatawa nga eh, naaksidente kame tapos kasalanan nya, yung gastos sa ospital gusto nya tig-kalahati kami eh una sa lahat dapat sya lang gumastos non kasi kung di dahil sa kanya di malalagay sa peligro pinagbubuntis ko. Ang saya lang na nakakabadtrip diba? Tapos pag nagaaway kame, walang kasing hayop at basura kung itrato ako minumura palagi at sinisigawan ako kahit maliit lang pinagaawayan namin. Minsan pa nga sasabihin nya pa saken, baka di naman daw talaga sya ang tatay baka iba daw or katrabaho ko daw. Nakakagigil, yung sinasabi nyang katrabaho na pinagiisipan nya saken ng malisya ni hindi ko nga kinakausap. Tapos after ng trabaho direcho na ko sa bahay never akong sumama sa mga ganap ng mga katrabaho ko, to the point na nagresign nalang ako dahil araw2 na nya kong pinapaiyak non dahil sa sobrang selos. Ako na nag adjust at nag giveway sa kanya. Yun pala buntis na pala ako nung time na yon, gawa ng dahil din sa selos nya kaya inaraw-araw nya ko non na syang nagbunga ng pinagbubuntis ko ngayon. Di ako masaya sa totoo lang. Pinagtatakpan ko lang sa mga kaibigan at lalo na sa pamilya ko mga ginagawa nya saken. Para di ako mapahiya at i-judge nanaman nila ako dahil sa mga wrong choices ko. Ngayong malapit-lapit na din akong manganak, dahil alam nyang medyo malaki makukuha ko sa SSS, gusto nya majority ng gastos sa panganganak saken manggagaling dahil dinadahilan nya na kakatanggal nya lang sa work w/c is kasalanan nya rin in the first place. Pero right after matanggal nya sa work, randomly binigyan sya ng dad nya ng 115k and ni singkong duling dun hindi ko kinuwestyon or never kong sinavmbi na hatian nya ko dahil alam kong wala akong karapatan makihati dun or kung ano pa mang gawin nya dun. One time nga yung cash na yun kakabigay lang sa kanya ng dad nya and pinakita nya saken saan nya nilagay, sabe ba naman saken "Oh ito ha, bilang na bilang ko to, pag nagkulang to ikaw lang sisisihin ko!". Syempre natrigger ako! Ni isang beses sa buong pagsasama namin never ko syang kinupitan ng pera. Ang saklap naman at nakakababa naman sa pagkatao na sarili mong partner pagsasabihan ka ng ganon. Sabi ko sa kanya, "Wow! Anong akala mo saken? Magnanakaw? Baka nalilimutan mo wala pakong nanakaw or kinupit sayo kahit kailan, ikaw nga kung maka-kupit ka sa wallet ko alam ko pero dinededma ko lang tapos walang ka-abog-abog na sasabihan mo ko ng ganyan? ". Napaka walanghiya nya talaga hay nako. Ang sakin lang, may pera sya dapat marunong syang magkusa, kasi nakakabili nga sya ng mga walang kwentang bagay na hindi naman kailangan sa pang-araw araw pero pagdating saken or para sa magiging anak nya madalas nagdadalawang isip pa syang maglabas ng pera. Parang di kame kaano-ano, parang donation lang ang dating ng bigay nya. Natawa nga ako kanina nabanggit ko lang sa kanya, "Wala ka man lang kahit anong naging regalo sakin ever since naging tayo, ultimong birthday ko, valentines or pasko." Niyayaya ko kumaen sa labas sana ang sabe ba naman saken, "Ano ka highschool? May pa valentines pa?! Edi kesa bilhan kitang regalo o kumaen tayo sa labas edi sa baby nalang." And funny thing is sobrang kunat nya talaga sa lahat ng aspeto. What more pa kaya kung lumabas na baby namen? Titipirin nya din ba sa gatas, diaper, checkups, vitamins and gamot? Obserbahan ko nalang muna siguro kung may pag asa pang magbago. Alam ko tanga ko syempre pero medyo umaasa pa din ako umayos pa ugali nya. Marami pong salamat sa oras at sa pagbabasa ng napakahaba kong nobela. ?

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Halos same tayo mommy about sa paggastos. Ako lahat mula magbuntis ako hanggang sa manganak. Di ko din sinasabi sa iba yung tungkol sa naging lagay nming dalawa. Sa pagsigaw, pamamahiya, pagmumura. Halos araw araw din ako naiyak kasi ibang iba buhay ko nung di ko pa sya kasama. Ang kaibahan lang pag nagkakapera sya bigay sakin lahat. Pero malakas kasi sya gumastos kaya yung binibigay nia eh kako parang pinapahawak lng sakin. Sa ngayon iniintay ko nlng na bumitaw na sya kasi sa totoo lang manhid nko. Okay lang anjan sya okay lang din na umalis na sya.

Magbasa pa
5y ago

buti po mommy matibay kayo. di lahat kayang bumitaw agad. saludo po ako sa inyo.

Di ko alam sasabihin ko sa story mo sobrang nakakasad kc hnd nila alam kung gaano kahirap magbuntis tpos ganyan cia sayo 😬😔 para skin lng nman opinyon ko lng to cguro mas maganda na iwan mo n lng cia . Mahalin mo ang sarili mo lalo na ang baby mo kaya ko nasabi kc una p lng sa story mo it seems like hnd ka nia ganun kamahal kc ang lalaking responsable at mahal ka hnd ganyan sis . Wag na natin ipilit yung kasabihan ng marami na para sa bata tayong mga babae ngayun kaya na natin . Real talk im just saying 😊

Magbasa pa

Nakakagigil yung mga lalaking ganyan sis. Actually, marami n yung mga ganyang klaseng lalaki. Nakklungkot. Kawawa yung mga babae at lalo na yung mga baby. Buti sana kung financial stable ang lahat ng mommies. Sa case mo, kung wala sya pagbabago, hiwalayan mo. Para sa akin hindi reason ung may anak na pra mag tiis sa mga lalaking kagaya ng lip mo. Sa mga lalaking gnyn dapat pinapangalandakan kung ano klase sila para alam ng mga taong kilala sila. Kaya mo yan sis. Your baby is your greatest blessings.

Magbasa pa

siguro kung asawa ko ung nagsabe sakin na ipa abort, wala ng choice na ibibigay na baka mag bago, bumalik nlang sia sa magulang nia. Tutal sa kalagayan mo sis, ikaw lang bumubuhay sa sarili mo at sa anak mo.. Wala siyang inambag kundi sperm lang nia. hinayupak sia. wag na yan bigyan ng chance kase kung mabuting tao yan, respetuhin k niyan at di ka sasabihin ng kung ano2 at sisigawan. Tigilan niya! Pero wala naman ako mgagawa, ikaw naman mag dedesisyon e. nkakagigil lang yang lip mo.

Magbasa pa
5y ago

ang isip ko nga din, nako wag lang pag labas ng baby eh gipitin nya din. baka lumabas ang demonyo saken talaga. dahil pag usapang anak na magwawala na ko. ang bait ko pa sa kanya nyan, lahat tinitiis ko kasi nga umaasa pa ko talaga ma hanggang ngayon magbabago sya.

VIP Member

Nalulungkot naman ako sa sitwasyon mo mamshie. Narealize ko lang sobrang blessed ko pala na wala pala ako dapat ireklamo sa asawa ko kc kabaliktaran sya sa lahat ng kwento mo. Pero ang mas nakakatakot sa kwento e yong pina pa abort nya. Pray ka lang pray at baka nmn magbago p sya. Pero ang tao kaseng madamot yan ang pinakamahirap pakisamahan. Sana tlga magbago sya paglabas ng baby nyo. Praying for your safe delivery.

Magbasa pa
5y ago

nakakainggit naman po kayo mommy. sana all. kaso di mo malalaman din na ganon pala partner mo hangga't di ka nalalagay sa alanganin na sitwasyon.

kapag nakapanganak ka na at di oa sya nagbago iwan mo na momsh, may kakayahan k nmn magwork at maibigay needs ni baby.. kung maaari iwan s side mo pra mkpgwork ka.. nakakaya mo nmn pla gstusan si baby s srili mo pera mean dmo kelangan ng lalaki kung gnian lng trato syo. . buti n din gat maaga nkilala mo ugali nia pra di k n matali ng hbng buhay sknia. God bless you ang your baby momsh

Magbasa pa

Responsibilidad niyang magbigay at mgprovide sa inyo mamsh. Kaloka ang partner mo. I feel sorry for you. Di mo deserve yan. 😠 Hindi ko kaya makasama ang ganyang klaseng tao. Pero wait and see if magbago paglumabas na si baby. Kundi uwi kana lanh siguro sa inyo. Sakin lang naman opinion kesa magtiis ka jan forever kung di siya magbago. Pano nalang kayo.

Magbasa pa
5y ago

actually yun na din po ang nasa isip ko if incase walang pagbabagong maganap sa kanya. kumpleto naman resources samen and atleast may magbabantay pa sa baby pag nasa work nako ulit.

Same tayo Sis. Noong buntis ako Ganyan-ganyan din wala syang Ginagastos Hanggang sa Manganak ako CS pa nman ako Laking pasalamat ko nlang Tlaga sa Philhealth at Nakaless ng gastos.. kaya Sabe ko ayoko na mag Buntis ang gastos Buti sna kung mag isa ko lang Ginawa eh dalwa nmen kme unfair lang hypee 😁😂

Magbasa pa
5y ago

totoo nga pong nakakapang gigil yang ganyan sila. porket alam nilang madiskarte tayong mga babae papabayaan na nila tayo.

alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo sis. pero ang mapapayo ko lang,iwanan mo na habang maaga pa.mabuti nalang at hndi kayo kasal. Magpray ka sis na iguide ka ni Lord. maging strong ka. pero you dont deserve that kind of man nor your baby.

Momsh paglabas ni baby and nakita mo na grabe pa din tipirin and pagdamutan eh layasan mo na yan. Ibang usapan na pag si baby na naten yung ginaganyan. Anyway. Goodluck and sana magbago ba yang lip mo, alang alang man lang sa baby niyo.

5y ago

totoo po bakasakali po ganun na nga lang gawin ko kasi ayoko din mastress kunsakaling iintindihin ko pa baby ko + work + finances + partner ko and hindi magbabago, di nalang siguro ako magttyaga. ayoko po maging kawawa kami ng baby ko sa kanila. thanks po sa concern mommy.