Partner na walang pake (warning: long story po ito)

Pa-rant lang po dahil wala naman akong ibang mapagsabihan dahil nakakahiya din sa mga kakilala ko na akala ok kami. Ganito po kasi yun, 3 years na rin kami ng LIP ko. Dati nung bago palang kami, ok naman sya. Sweet, may effort kahit di mo na sabihan nagkukusa. Ngayon matagal na din kami at nung nalaman namin na buntis ako, unang sinabi nya di pa sya ready and kung kaya pa daw ipa-abort daw namen. Sa isip-isip ko ta***na ang tanda mo na, 30 ka na and 29 nako panong di ready. So sabi ko sa kanya wala akong balak ipa-abort magiging anak namen. So ayun na nga tinuloy ko kahit nagdalawang isip sya. Kahit parang napipilitan, sinasamahan nya ko "minsan" sa mga checkups ko. Almost buong 1st trimester ako gumastos lahat literal, lahat ng checkups, ultrasound, gamot, gatas etc. Pero sabi ko ok na yan atleast sinasamahan naman ako. Edi dumaan na mga buwan palaki na ng palaki tiyan ko, feeling ko naman unti-unti na nyang natatanggap, tapos una akala namin boy, parang malakas lang yung feeling namin, eh nung malaman namin na girl pinagbubuntis ko, parang dismayado sya. Eh as usual, unti-unti nyang natanggap nalang na girl talaga. Tapos eto na syempre bibili na ng mga gamit kasi alam na namen gender diba? Bago kami bumili ng mga gamit, madami na kong nabiling baby stuff online na libu-libo na din ang worth pero ni singko wala syang contribution dun. Pero di ko sya siningil. Nung bilihan na ng mga mahal na gamit like crib, stroller, carrier, dun lang sya humati. Tapos pag checkup ko laging kung hindi kami hati, mas madalas lamang ako ng gastos as always. Laging sasabihin wala syang pera/wala pang sahod and so on. Always may excuses pag needs ko or ng baby. Edi sige pinalusot ko pa din kahit alam kong meron naman syang pera talaga and FYI madami syang pera sa bangko sa joint account nila ng ate nya baka hundred thousand to a million not really sure pero ganun ang alam ko. Kasi ang style nya pag alam nyang may pera pa ko kung di sya maglalabas din ng pera eh yung mga pera ko sa purse ko inuunti-unti nya din parang pasensya ko. Pero pag ako humihingi sa kanya ng pera, halagang 50-100pesos ang dami pa nyang sinasabe na kala mo ang laki ng hinihingi ko. Minsan maghahanap pa ng sukli. Samantalang pag sya kung ilibre ko, kung maka-kupit sya sa purse ko di ko yan binibilangan. Siya, ang siste nya, lahat ng gagastusin saken kinukwenta kasama na dun ang pangangailangan ko sa pagbbuntis ko. Nakakakatawa nga eh, naaksidente kame tapos kasalanan nya, yung gastos sa ospital gusto nya tig-kalahati kami eh una sa lahat dapat sya lang gumastos non kasi kung di dahil sa kanya di malalagay sa peligro pinagbubuntis ko. Ang saya lang na nakakabadtrip diba? Tapos pag nagaaway kame, walang kasing hayop at basura kung itrato ako minumura palagi at sinisigawan ako kahit maliit lang pinagaawayan namin. Minsan pa nga sasabihin nya pa saken, baka di naman daw talaga sya ang tatay baka iba daw or katrabaho ko daw. Nakakagigil, yung sinasabi nyang katrabaho na pinagiisipan nya saken ng malisya ni hindi ko nga kinakausap. Tapos after ng trabaho direcho na ko sa bahay never akong sumama sa mga ganap ng mga katrabaho ko, to the point na nagresign nalang ako dahil araw2 na nya kong pinapaiyak non dahil sa sobrang selos. Ako na nag adjust at nag giveway sa kanya. Yun pala buntis na pala ako nung time na yon, gawa ng dahil din sa selos nya kaya inaraw-araw nya ko non na syang nagbunga ng pinagbubuntis ko ngayon. Di ako masaya sa totoo lang. Pinagtatakpan ko lang sa mga kaibigan at lalo na sa pamilya ko mga ginagawa nya saken. Para di ako mapahiya at i-judge nanaman nila ako dahil sa mga wrong choices ko. Ngayong malapit-lapit na din akong manganak, dahil alam nyang medyo malaki makukuha ko sa SSS, gusto nya majority ng gastos sa panganganak saken manggagaling dahil dinadahilan nya na kakatanggal nya lang sa work w/c is kasalanan nya rin in the first place. Pero right after matanggal nya sa work, randomly binigyan sya ng dad nya ng 115k and ni singkong duling dun hindi ko kinuwestyon or never kong sinavmbi na hatian nya ko dahil alam kong wala akong karapatan makihati dun or kung ano pa mang gawin nya dun. One time nga yung cash na yun kakabigay lang sa kanya ng dad nya and pinakita nya saken saan nya nilagay, sabe ba naman saken "Oh ito ha, bilang na bilang ko to, pag nagkulang to ikaw lang sisisihin ko!". Syempre natrigger ako! Ni isang beses sa buong pagsasama namin never ko syang kinupitan ng pera. Ang saklap naman at nakakababa naman sa pagkatao na sarili mong partner pagsasabihan ka ng ganon. Sabi ko sa kanya, "Wow! Anong akala mo saken? Magnanakaw? Baka nalilimutan mo wala pakong nanakaw or kinupit sayo kahit kailan, ikaw nga kung maka-kupit ka sa wallet ko alam ko pero dinededma ko lang tapos walang ka-abog-abog na sasabihan mo ko ng ganyan? ". Napaka walanghiya nya talaga hay nako. Ang sakin lang, may pera sya dapat marunong syang magkusa, kasi nakakabili nga sya ng mga walang kwentang bagay na hindi naman kailangan sa pang-araw araw pero pagdating saken or para sa magiging anak nya madalas nagdadalawang isip pa syang maglabas ng pera. Parang di kame kaano-ano, parang donation lang ang dating ng bigay nya. Natawa nga ako kanina nabanggit ko lang sa kanya, "Wala ka man lang kahit anong naging regalo sakin ever since naging tayo, ultimong birthday ko, valentines or pasko." Niyayaya ko kumaen sa labas sana ang sabe ba naman saken, "Ano ka highschool? May pa valentines pa?! Edi kesa bilhan kitang regalo o kumaen tayo sa labas edi sa baby nalang." And funny thing is sobrang kunat nya talaga sa lahat ng aspeto. What more pa kaya kung lumabas na baby namen? Titipirin nya din ba sa gatas, diaper, checkups, vitamins and gamot? Obserbahan ko nalang muna siguro kung may pag asa pang magbago. Alam ko tanga ko syempre pero medyo umaasa pa din ako umayos pa ugali nya. Marami pong salamat sa oras at sa pagbabasa ng napakahaba kong nobela. ?

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi momsh.. relate ko talaga ang confess niyo po.. madami nagsasabi na iwanan mo na ang LIP mo po which is madali lang sabihin ng ibang tao.. sa totoo lang po mahirap po talaga makapagdecision lalo nat buntis ka, same lang sa biyfriend ko ganyan din siya walang paki nung nalaman din namin na buntis ako di ko nafeel sa kanya ang pagiging excited kay baby. Nung nagbuntis na ako wala talaga syang pakialam lalo na sa mga needs ko lagi kami nagtatalo, gabi gabi ako umiiyak lalo na may gusto akong kainin di nya mabigay bigay dami pa niya sinasabe na kung anu ano ganun kahirap sinapit ko sa kanya nung una. Dahil sa stress, depression ko sa kanya mga 8-9weeks tyan ko nagblebleeding ako nagpacheck up ako ako lang mag isa kahit alam niya na ganun na kondisyon ko. nagpacheck up na nga ako binigya ako ng ob ko ng pampakapit kay baby. After 3 days nung check up ko sad to say nakunan ako dun nya nakita na kung gaano katindi pinagdaanan ko iyak ako ng iyak napunta lahat kay baby ang mga hinanakit ko dami kong pagsisisi at di ko maiwasan na isisi din sa kanya ang sinapit ko at dun niya na realize na kung gaano kalaki ang pagkukulang niya sa akin. Mga ilang months mula nung nakunan ako nabuntis niya naman ako disappointed talaga ako at kung bakit ako nagpabuntis ulit baka maulit na naman. Nag usap kami tungkol sa pagbubuntis ko which is tanggap naman niya, medyo nakitaan na ako ng hope na magbago siya at tanggap na niya na magiging na siyang ama, nagiging maingat na siya sa mga sinasabi niya, lagi na niya akong sinasamahan kahit saan lahat ng needs ko binibigay na niya lagi niyang kinakausap baby namin sa tummy ko kahit 12 weeks pa😂 sobrang saya ko talaga na nakitaan ko na nagbabago na siya at iniwasan niya rin ang mga hindi ko gusto, ayaw na niyang mastress ako. Sobra kong saya to the point nung una gusto ko na siyang hiwalayan. Oo iba ibang tao may ibat ibang pag uugali sa paningin natin di maganda, pero sa pagmamahal maaari itong magbago, at magpasaya sa inyong pagsasama maaring hindi parihas ang experience natin medyo nakakarelate lang ako sa storya nyo po. at sana po in God's will maging masaya ang pagsasama nyo po lalo nat may paparating na kayong baby, shinishare ko lang tong experience ko para po hindi ko mawalan ng pag asa. God Bless po😇😇

Magbasa pa

Hehe sis mahaba nga pero nageenjoy ako magbasa ng ganyan eh. Hmm share ko lang opinion ko. Well okay naman na oobserbahan mo muna sya kung may pagasa ba magbago eh. Kasi malay mo nga naman kapag lumabas na si baby biglang lumambot puso. Pero nakooo kahit ako triggered din ako sa mga pingsasabi nya ahhh. Saka may pagkasame din kasi tayo ng situation pero very very light haha. Itong asawa ko, di naman madamot kapag naghingi ka. Pero yun nga makakarinig ka lang talaga. Kanina naman, bibili dapat kaming washing machine kasi nasira na washing machine namin. And hindi ko na kaya maglaba ng manu-mano kasi nga buntis at malapit na ring manganak. Nung chineck ko account ko nabanggit ko lang na kulang na pera ko and may mga credit cards pa akong kailangan bayaran. Sinabi ba naman na nya na kita ko nga raw na marami pa akong kailangan iconsider, uunahin ko pa raw washing na malaki rin halaga. Nainis ako bigla. Eh sya nga kakabili lang nya ng controllers ng Switch nya, dalawa pa! Eh libo ang presyo nun kada isa. Tapos bumili pang TV! Edi dalawa na TV namin. Haaays nung bumili sya nung nga yun wala naman akong nafeel eh. Pero nung binanggit nya na yung about sa washing nga, nainis na rin ako. Kasi yung washing kailangan yun eh, makikinabang din sya dun. Eh kung yung pinambili nya ng controllers saka ng TV pinangdagdag nya sa pambili ng washing edi wala sana kami problema ngayon. Mahal din magpalaundry ngayon ahh. Kaya pinupursige kong makakuha kami washing. Di ko pa sya inaaway about this kasi pera naman nya pinambili nya eh. Pero dba? Priorities din sana minsan and pagkukusa 😵🥺😒😣

Magbasa pa
5y ago

nakakatawa po kasi pag nanghihingi ka, akala nila gagastusin mo sa walang kwentang bagay eh syempre pag nanay ka na or magiging nanay ka nagiging praktikal ka na talaga. actually tulad mo din po, nung november palang gusto ko na bumili ng sarili kong washing machine, may pera naman po akong pambili mapa-cash or hulugan kasi may work naman ako. Kaso lagi nalang akong nagpapa laundry sa labas at malaki din ang gastos kung tutuusin weekly-bi weekly yon pwera pa gastos sa sabon. Imbes na ihulog nalang namin sa bibilhing washing machine ang pera, ayaw nya kahit pera ko ang gagamitin at ni hindi ako sa kanya humihingi ng hati ni piso. Sabe pa nya at nung ate nya magdagdag daw ako ng pambayad ng kuryente nila kung magdadagdag daw ako ng washing machine (to the fact na pag bumili ako ng washing machine eh automatic gagamitin din ng lahat ng tao sa bahay). Saken ok lang namang magbigay kahit meron silang monthly budget para sa bahay na 50k na kahit kinikickback ng ate nya dedma lang ako kahit d

Kung nagsasama naman kayo tiis tiis muna malay mo magbago paglabas ni baby diba. Ganyan din ako pero di naman ganyan kalala, yung bf ko never as in kinamusta yung anak ko sa tyan ni wala syang balak sabihin sa pamilya nya kung di pa ko nakelam na pangunahan sya at ichat at tatay nya malala pa wala din pake sila bukod sa kuya nyang panganay wala ng ibang nangangamusta sa baby ko eto nga palabas na oh ilang kembot nalang pinagkaiba lang natin sis suportado nya ko sa lahat gastos, checkup, gamot, gamit ni baby pati pag nauwi dto sa probinsya nasama sya, sa community hospital nga ko manganganak which is konti kang gagastusin sguro mga nasa 2k to 5k kapag CS ganun pero binigyan padin nya ko 25k para sa budget sa ospital. Ayoko din muna makipaghiwalay, pero di kami leave in. Sabi ko sakanya tsaka namin pagusapan pag lumabas na anak nya. Di ko alam kung okay ba kami ngayon o hindi. Sinabihan nya ako na bumili nalang muna ako ng gusto ko nung valentines kunin ko nalang dun sa 25k(19k nalang kase pinangbili ko ng baby stuffs, then checkup dun ako nabawas) kase di naman nya ko mapupuntahan dahil magkalayo kami tapos isa pa may sore eyes sya eh may baby dto sa bahay(pamangkin ko).

Magbasa pa
5y ago

swerte pa din po kayo kahit papaano mommy. ako nga ni hindi nyan kaya mapahawakan ako ni 1k eh nakakagigil. pag sya nga pinagsshopping ko ng sapatos damit, pagkain pero pagdating saken di talaga makapaglabas halos. to the fact na marami syang pera sa bangko and nadadagdagan pa kasi may remittance acct sya from his mom and meron syang mana na makukuha sa dad nya. yung tipong kahit di na magtrabaho pero hayahay ang buhay. nakakainis diba?

VIP Member

Mamsh ako din, ako lahat ang gumastos. Vitamins ko, gatas, utrasound. As in lahat. Kasi ako ung meron. Alam mo ung nakikita ko sa knya kung ganu niya kgusto tumulong pero wala pa sya malalabas kasi naka invest lahat ng pera niya at pera ko kaya hirap kami. Hanggang sa manganak ako at ngayong 2months na lo ko. Ako din sa bills, house rentals, pagkain. As in lahat. Pero di naman nia ako pinapakilos. Sya lahat kumikilos sa bahay, nagluluto, naglalaba ng damit namin at ni baby, nagpupuyat din sya kay baby at nagaalaga. Bsta ako padede lang baby at alaga un lang gawain ko. Kaya daddys girl na baby namin. Malaking tulong na sa akin as ftm. Is it fair ba or may same situation ba sa akin?

Magbasa pa
5y ago

tingin ko po swerte pa din kayo sa mister nyo kasi kahit wala syang pera marunong syang magkusa. saken po yung bf ko ni maghugas ng sariling pinagkainan nya kahit sya lang ang kumain or maglagay ng tubig sa pitchel iaasa pa saken. mga maliliit na bagay di marunong magkusa. nakakagigil.

ako sis buntis ako 3months na at never gumastos ang boy sa akin sinasamahan nia ako oo .. pero sa gastos wala syang ambag dahil nag aaral sya kaya naiintindihan ko. ako pa nga minsan nagbibigay ng allowance nia eh pagraduate ndin nan sya.. pero kahit kelan de naman ako namura non at nasaktan saka pati kapag may gusto akong bilhin sa kanya sinasabi nalang nya "wag na ma pangkain nio nalang yan ni ake" (first baby namin si ake second na kc tong pinagbubuntis ko) bilib naman aq sa kanya kahit murahin ko na saktan ko na wala wala pdin andyan pdin sya iniintindi ako at nag sosorry sya .. pero kung ganyan naman sa lalaki mo ung boy ko ngaun de ko matatagalan yan ..

Magbasa pa

regarding his disappointments, immature pa nga sya kahit sabihin pang nasa tamang edad na. wala kasi sa edad yun. nasa realidad ng buhay kung anong nakagisnan nya. may mga tao kasing sa sobrang hirap mg pinagdaanan dun natututo makisama at maging mabuting tao dahil alam mo kung paano ang madehado at siyempre kung May takot ka sa Diyos , kung nabubuhay sa iyo si Hesus, maiisip mong wala tayong karapatan or maisip na ipagmayabang sa kahit kaninuman. pray lang din mamsh. walang imposible kay God💕 sana maging maayos ang inyong pagsasama at maging open lalo sa communication para sa inyong baby at God bless sa lahat ng mga mamshi dito😘

Magbasa pa
5y ago

thank you po mommy. tama po kayo. kaso nakapagtataka lang po sa kanya is always sya nagppunta sa church nya every sunday, sinasama pa nya ko kahit ayoko(sorry po no offense) kasi wala naman pong nangyayari maganda sa kanya like spiritual/emotional/personal changes. Like for example po right after namin magchurch, may konting di pagkakaunawaan lang or kahit wala namang issue, gagawa sya ng issue tapos sisigawan ako and pagmumurahin. di ko po maintindihan bakit parang di tumatagos sa kanya mag tinuturo sa sa church. tapos gusto nya pa kong sumali without even setting a good example in front of me and his own family like his sister and dad. Hindi po sya marunong ng word na "respect". Ultimong dad and older sis nya sinisigawan nya and minsan namumura nya. Grabe po. Di ko po magawa yan sa sariling kong family dahil masakit pag saken din ginawa yon.

Ganyan yung sakin. He's 28 and 23. Ni isang gastos mula nung buntis ako hanggang nanganak wala. Hatid sundo nga wala e. Nagtatrabaho ako hanggang kabwanan ko. Wala syang paki. Ang gago nga ng putapete ee ang lakas ng loob nung una sabi sya ng sabi panindigan ko yan anak ko yan. Ibibigay ko lahat ng kaylangan mo. Puta nung nag isang bwan na yung tyan ko asan sya? Andun nanay syang putcha konsintidor. Naiinis din ako sis. Haha imbis na tulungan ka nagrant din ako dito. Naiinis kasi ako pagnaaalala ko. Ngayon 2 mos na anak ko. Ni anino nya wala. But it's okay di nya makikita yung anak ko. Gago sya. Dun na sya sa nanay nya.

Magbasa pa
5y ago

true po, tayong mga babae kaya naten ng wala sila. pero pagdating ng panahon, maghahanap din yan ng mag-aalaga sa kanila mga tanga talaga. di naisip na nandun na sa harap nila tapos binabalewala pa. mga di po marunong makiramdam din eh noh?

Ay same story tau ate pero ako nag titiis lang at pag nag one n ang baby ko mag abroad ako uli.. Kc pag mga ganito lalaki walang mangyari satin palage lang tau matitiis.. Kaya ako ayaw ko talaga mag pakasal n lip ko kc simula naging kami ako ang gumagastos tapos ngaun minsan hati rin kami gastos.. Pero ngaun nag titiis lang talaga ako s kanya kc ayaw ko n malaman ng pamilya ko n ganyan sya... Sabi nga ng pamilya ang tanga ko daw kc bakit daw ko daw magpakasal n kanya sabi ayaw ko.. Kahit sinabihan ko sya ng ilang beses n ayaw ko magpakasal sau..kc ang hirap magpatali s ganyan klaseng lalaki..

Magbasa pa

Love yourself po... Wag mo isipin ang sasabihin ng iba. Akala mo lang hindi mo sya kaya iwanan, pero once na makawala ka sknya dun mo marerealize na sana noon mo pa sana ginawa. Gagaan ang pakiramdam mo at wala ng toxic sa buhay mo. Walang patutunguhan kundi pagdurusa ang dadanasin mo sa isang relasyon na walang respeto. Kung si baby naman, mas mabuti ng lumaki sya na may mapag mahal na nanay, kesa buo ang pamilya na toxic naman at masaksihan nya kung pano ka bastusin ng tatay nya. Magpray ka sis along the process na iguide ka Nya..one day mapapaThank you ka na lang ng bongga

Magbasa pa

Thank God di pa kayo kasal. Kung ako sayo, hiwalayan mo na yan. Mas lalo ka lang mahihirapan kung abutan ka ng panganganak na magkasama pa kayo. Baka ikaw hirap na hirap ka na sa paglelabor, di ka man lang bigyan ng moral support nyan. Okay lang naman ung nagkokontrol sa pera pero yung sa kanya, ang damot nya, makasarili, sakim at iresponsable siya. Mga ganyang lalaki, di pinakakasalan yan. Kung masama lang ako tao sasabihin ko pa sayo na wag mo iapelyido sa kanya ung anak mo. Nakakagigil yang lalaking yan ah. Baka mamaya nambababae pa pala yan pag nakatalikod ka..

Magbasa pa