Hugs po Mii, hindi mo deserve na itreat ka ng ganyan ng asawa mo. Ganyan ang parents ko mii, lalo na sa part ng father side. Ganyan na ganyan siya. Kaya never ako naging malapit sa kanya. Ganyan na ganyan din, lagi niya sinasabihan si mama na lumayas na. Naalala ko bata pa ako nun, grade school din, sinabi ko talaga sa mama ko na okay lang kung hihiwalayan niya papa ko. Kasi kahit bata pa naiintindihan na din yung mga ganyang bagay bagay. Siguro nananahimik lang mga anak mo pero affected na yan sila. Ang galing mo nga e, ikaw halos lahat gumagawa kahit may 3 mos old baby ka. Siguro kung ako yan di ko kakayanin hahahuhu. Tapos ganyan pa mga sasabihin niya sayo. Hindi porke full time housewife ka, ganyan kana nya itreat. Tapos mananakot pa ng palalayasin, akala mo hindi ikaw yung asawa. Try mo po ulit kausapin, pag hindi makausap nang maayos, layasan mo na lang. Siguro after school year para hindi affected pag aaral ng mga bata. Ang effect sa akin nung nangyari sa mama at papa ko, naging maingat ako sa pagpili ng lalaki. Yung opposite talaga ng papa ko ang hinanap ko sa lalaki. As in pati immediate family niya, pinakiramdaman ko kung legit ba yung kabaitan na pinapakita sa akin ng parents niya, yung ate niya medj masungit pero oks naman kami, gets ko ugali niya. Pati mga kaibigan niya chineck ko. So far okay naman, ngayun yung partner ko ay focus lang sa pagwowork. Tapos sa gawaing bahay halos siya lahat since buntis ako ngayon. Laba, linis pati pagluluto minsan. Nakatira kami sa bahay ng parents niya, pero simula nung malaman namin na buntis ako, yung dating manukan ng papa niya kinonvert into bahay, tas sila pa ang bumukod.
Mahigpit na yakap mi 🥹 Minsan oo talagang nakakapagod ang pagiging nanay . Yung kahit may sakit ka at masama pakiramdam mo kailangan mo silang asikasuhin . bawal ang salitang Timeout at pahinga . Minsan na pi feel ko din yan , May dalawa akong anak at buntis pa ako now . Di nman ako inaaway ng asawa . Never nya dn ako snabhan lumayas . di din nman sya yung panay utos . pag off nga nya natulong din nman sya sa gawain bahay . At lahat talaga gamit ng Bata kompleto nya .Pero mnsan talagang na pi feel ko na nkakapagod pala . Pa ulit ulit nalang gnagawa mo mag hapon . Pero anong krapatan ko mag reklamo . Gnusto ko ito . Saka kahit ganon tnitgnan ko nalang dn talaga mga anak ko . sla dn nman pumapawi ng pagod ko sa araw araw . Kaya Laban lang palagi mi . Kaya mo yan . Kaya naten to 😘 ska mganda dn yung nag uusap kayo ni mister yun ang pinaka mahalaga . Yung sbhin mo na di naman tama yung Palayasin ka ganyan ganon . Para sa susunod di na nya uulitin .
Hi mii .. For some reason nakakangitngit ng galit yung asawa mo. Hindi naman putol ang mga kamay nya & pinaka tulong na lang nya sana sayo yung tulungan ka or ibigay yung time na makakain ka habang sya muna sa baby pakunswelo manlang ba knowing na ikaw naman ang nag aasikaso sa bahay ndi man 100% na makatulong atleast may ambag syang nagawa. Tapos, kapag nasasagot galit? ndi madali na ikaw lahat specially sa bahay with 2 kids 1 baby tas, petiks lang sya sa buhay nya? Kahit pa sya ang provider ng bahay ndi asawa ang kailangan nyan nanny at ndi asawa ang turing nyan sayo. At mii ndi na uso ang martir these days. Yang mga ganyang lalaki doesn't deserve a good wife sabagay ndi naman malalaman ang halaga kung nandyan pa unless wala na. So, miii either you stay with all of those treatments na for sure alam mong ndi mo deserve or leave him so he would know what he will lose.
nung day off niya nagreklamo bakit tambak labahin, e hindi ko naman inaasa sa kanya, nagkataon lang na umulan 3 days magkakasunod kaya naisip ko sa off niya ako maglalaba para may mag asikaso kay baby at makapag focus ako sa mga gawaing bahay.. kung siya daw kaya niya malaba while nagbabantay kay baby.. nakakasama lang talaga ng loob yung tone & words na ginagamit niya.. pag galit siya lagi niya sinasabi na tamad at tanga ako. minsan may kinukwento siya pinagdidiinan niya yung words na tamad at tanga(di pa kami nag aaway niyan mga mii) pero tinatamaan ako kasi yun ang tawag niya sakin pag galit siya.. nakakapagod na, lagi niya ko pinagtataasan ng boses pero kahapon lang tumaas boses ko dahil sa sunod sunod na utos niya pero galit na galit agad siya..masyado bang mataas tingin niya sa sarili niya at mababa ang tingin sa akin kaya ganun na lang ako i treat?
may mga wala talagang kwenta asawa, pero tama Yung Isang comment dito no matter how much you rant it's partly your fault Kase hinahayaan mo na ganyan ka itreat ng asawa mo. Maybe tinitiis mo Kase di mo kaya mag hiwalay kayo. Hindi mo kaya maging single mom? If that's the case mag tiis ka nalang. Ako single mom ako. I don't like irresponsible people. I don't like people who take advantage of me and I will not stay with someone who clearly doesn't care about me. That's exactly what my ex is. I can support my parents and my son myself but I will not support him cause it's his responsibility to support me and his son, but unfortunately wala siyang balak and he wants to live off me. Ako lang mahihirapan sa relasyon namen so I might as well end it. What I need is a partner who knows how to give and take hindi yung take ng take.
juskooo mamshiee bilib ako sau kse nkatgal ka sknya swerte pa.pla ako kay hubby ko kse khit panu eh ngtutulungan kami ngglit pa ako sknya minsan kung feeling ko eh mas madmi ako nggwa sa gawaing bahay at pg aalaga sa mga anak namin meron tlgang mga lalaking gnyan noh sakin tlga mii prang d kya ng powers ko ung gnyang klase ng lalake kse medyo superior din ang ugali ko ayw ko tlga ung feeling ko nttpakan ako advice ko lang sau mi minsan palagan mo sya try mo lumayas pag pinalayas ka pra mgtanda sya minsan kse kailngan din natin sla bgyan ng leksyon matapang sya kse alam nyang d mo sya kayang tiiisin kung ggwin mo un mapagttatanto nya na kaya mo na tumayo s srili mong paa
tama yung comment na deserve ko to kasi never ko naman siya nilayasan kaya siguro lakas ng loob magsalita ng ganun.. good provider kasi siya, plus nakikipaglaro sa mga anak namin (which is never ginawa ng tatay ko) so I thought naka jackpot na ako..di naman siya pala utos dati, nagpapatimpla lang ng kape..ewan ko ba baka dahil maganda position sa work dinala na ata dito sa bahay, feeling superior na.. hindi ako kasing strong niyo, oo may trabaho ako dati pero 12 years na akong housewife, di ko alam pano magsimula uli
you deserve what you tolerate. hindi ka gaganyanin kung di ka pumapayag. kahit anong rant ang gawin mo kahit sa post mo. kung titiisin mo mga red flags niya. wala kami magagawa sayo. alisin ang mind set na porket may anak di kayang hiwalayan. madaming single mom na successful ang buhay. wag mo intayin na tatlo na anak niyo bago ka magising sa katotohanan
TAMA, aabusohin ka talaga pag nagpapa abuso ka. Dapat sa asawa nya nilalayasan at di na binabalikan pa. Kapal moks ang putik talaga
Kaya mas maganda talaga may trabaho ang babae eh pag ganyan ng ganyan lumayas kana talaga mahirap makisama sa ganyang lalaki wala akong tyaga sa ganyan iniiwanan ko talaga hinahayaan kong mag mukang tanga masyadong kupal mga ganyang lalaki
mii nuod po kayo videos sa YouTube ng CCF or kay Pastor Ed. Maraami po kayong matututunan dun about kung paano ipagPray ang mga husband. Sana pag may time kayo panuorin niyo po para mabigyan kayo ng guidance ng Lord.
Anonymous