No gestational sac
Hello po. Hindi po ba alarming kung Wala papong Makita na gestational sac sa weeks na to,5 Weeks po ako ngayon base sa LMP ko ,sabi naman po nila masyado pa pong maaga. Pero sa ultrasound naman po kanina makapal po ung lining ko(endometrium). Natatakot po Kasi Ako katagal ko pong inantay to. 🥹🙏#pregnancy #AskingAsAMom #Needadvice

Ganyan din po ako nung unang TVS ko wala pang nakita kundi yung makapal na lining lang pero niresetahan na ako ng folic then pinabalik ako after 1month saka nakita pati si baby, think positive lang po and doble ingat po mommy 💗
mi baka po late kayo nag ovulate, baka nasa 4weeks palang po talaga yung fertilized egg kaya hindi pa po makita. magpahinga po kayo, inum ng vitamins at wag po ma stress. for sure after a week makikita na po si baby 😊
yes po. salamat po. magpapahinga po Ako.
Same with my First Tvs mie , walang nakita pero makapal na lining ko. masyadong maaga pa yan , recommend na nila yan na bumalik ka after 2-3weeks. Sakin bumalik ako ng 2weeks may sac and heartbeat na ☺️
natatakot Kasi ko sa brown discharge, kapag tatayo Ako may konting lumalabas at medyo sumasakit Ang puson, pero kapag naihiga ko na ok na po ulit. need ko lang po talagang ibedrest hanggat maaari.
Yong saken naman parang gnito makapal palang ang lining signs palang ng early pregnancy , nag spotting ako pero kulay brown, praying na sa susunod na weeks makita na din si Baby

sana nga ngayon or nextweek makita na din si baby 🙏🏻
ganyan den po Sakin mie . 5weeks Walang nakitang HB pero niresetahan Ako Ng ob ko Ng folic at pampakapit after 2weeks bumalik Ako .Meron na sya 🙏 .. pray lng mommy ..
Wala pong nakitang gestational sac nung 5 weeks din po kayo? sabi po Kasi sakin too early pa po nagdedevelop palang po at makapal napo endometrium ko.
ako naman mii 4-5weeks ako non gestational sac palang nakita wala pa embryo, nag take lang ako folic acid pag balik ko meron na, sana magkaroon na din yung sayo pray kalang
ako po June palang nagtetake na ako nang folic acid, kasi mababa ang dugo ko.. hanggang ngayon pero nong mag patvs ako nung 23 wala naman nakitang baby pero positive ako sa 4 PT ko and hanggang ngayon di naman ako nireregla or kahit spotting man lng
parang ganito sya sori ninakaw ko lang to sa google. ganyan yung ultrasound ko un lang wala nakitang sac sguro ksi masyadong malabo din ung sonogram ba yun.

wala pang budget mag pa ob ulit. hehe, ikaw nakabalik kana?
Same sakin mi pinabalik ako after 2 weeks nyan pwro may tinake na ako na gamot. Ngayon 20 weeks na po ako heheh
wow. sana ganyan din po Ako. ano mga tinake mong gamot? Ako Kasi nag spotting Ako Ng brown, Ang pinapainom sakin now duphaston at folic acid. nakabedrest lang din po ako
5 weeks ko may sac na pero wala pa hb kaya pinabalik ako ng 8 weeks dun palang nakita yung hb
gustuhin ko man bumalik sa OB nextweek. financial probs pa. Hintay pa nang sahod ulit ni mister.
video lang meron ako. Diko pa nakikita kung saan tinago ni mister yung booklet nandun kasi naka lagay yung pic
Excited to become a mum