,,

Hello. Pa rant lang. Im so sorry. Hindi ko lang alam kung saan ko pa to ilalabas. I just found out minutes ago that my partner is cheating on me.. Hindi kami kasal. 3 years on off relationship. Umokay kami nung nalaman namin na buntis ako. Babaero sya ever since. Ako, tanga. Lagi akong naniniwala na may chance pa sya magbago. Ewan ko. Ang laki talaga ng tiwala ko na mababago ko siya. Nung nalaman ko na buntis ako, hindi kami okay. That time, alam kong mah iba sya. Pero i found it unfair not to tell him. At the end of day, sya pa rin ang tatay. Kaya sinabi ko. Pero may disclaimer, sabi ko hindi ko sa kanya pinapaako nor pinaparesponsable sa bata. Gusto ko lang alam niya. Pero binalikan nya ako. And since then sabi ko nga okay kami. Tho may lapses minsan. Nakakaya ko pang iignore. Kaso lately, bumalik na naman yung dati. Nalaman ko na may pangalawang fb sya. Yung first ay may access ako. Nakikita ko dun lahat. Same with him, alam nya ang accounts ko. Nung nalaman ko yung about sa 2nd fb, dineny nya. Sabi mya matagal na raw yun at idedelete nya na lang. I know he was lying pero sabi ko sige. Basta idelete. Secondly, madalang na sya umuwi sa bahay. Dati bago ako mabuntis, halos araw araw sya sa bahay namin. Pagtapos ng work, dito na sya magsstay sa amin. Kaso ayun nga, these past few months, dumadalang na hanggang sa lilipas ang dalawa o tatlong araw, hindi sya uuwi. Kesho ginabi sa work, malakas ang ulan, napainom with barkada ng medyo late or uuwi sa kanila sa bulacan which is di nya halos ginagawa dati. Nagrereklamo ako pero wala akong magawa. I let it go. Kaso ito nga, may usapan kami na uuwi sya ngayong linggo para makumpleto na namin ang gamit ni baby. 9 months na ako, nakakaramdam na ng kung anu ano. Sabi ko need na namin ma complete things nya para manganak man ako anytime, may magagamit na sya. I waited the whole day, walang dumating. I kept calling him, walang sumasagot. Hanggang sa maisip kong buksan yung pangalawang account na naka link sa phone number ng step dad nya. Buti na lang gising pa si Tito. Nabuksan ko yung fb. Dun ko na nakita lahat. Chat logs ng mga babaeng chinachat nya. Inaaua nyang makipagkita o makainuman. Mga finifling nya. Sobrang dami. Triny kong isecure yung account para maaccess ko pa kaao nalaman nya yata. Na lock yung account, di ko na maaccess. But it dpesnt really matter anymore. I already saw it. Nasa utak ko na, hindi na mabura. Ang sakit sakit. Hindi ko mawari kung manganganak na ba ko dahil biglang sakit ng puson ko or dala lang ng emotions ko. I am 2, 3 4 weeks away from giving birth, saka pa ito nangyari. Hindi pa lumalabas yung anak namin, broken family na kami. Ang sabi ko pa dati, ayaw ko sya matulad sa akin na walang tatay. Pero hindi ko rin kaya na lumaki siya sa ganung klaseng tatay. Nagchat ako sa mom nya about sa nangyari. As of the moment, nasa partner ko yung phone ko and yung atm ko. Pinapakuha ko na lang. Hindi ko na lang rin siguro iaapelyido yung bata sa kanya. I have a job, i know completely that i can take care of the child without his support. At di niya rin naman siguro deserve na magkaron pa ng part sa buhay ng baby ko. Hindi na rin ako nagmessage sa kanya. I just dont see the point to do so. Matic na sigurong tama na yun, dun na natapos. Sana tama tong mga pinag gagagawa ko. I was never the perfect girlfriend, live in partner or wife. I nag, childish ako at times, needy, i cant even cook. But i tried to be better for the baby and most especially sa kaniya. I always make sure na nauuna silang dalawa ng bata bago ako. I was never perfect but i tried my best. I dont deserve this. And sa mga babae na may maayos na relasyon, keep your man. Hindi lahat biniyayaan ng Diyos ng ganyan at hindi lahat kasing swerte nyo. At sa mga tulad ko na nasa same situation, im praying for you all. Sana malagpasan natin to.

39 Replies

I salute para sa courage mo momsh. Halos same tayo. My bf cheated on me, pinagbigyan ko at nabuntis ako. Feeling ko ang bilis ng mga pangyayari. Ngayon, may doubts pa rin kung gagawin ba nya ulit. Ang hirap na mag tiwala.

VIP Member

Be strong mamsh..

Sa nabasa ko I know you are strong enough na makakaya mo kahit wala yung tatay ng anak mo. Hindi pa cguro ready yung guy magpamilya, and worst pa nakikita kong hindi sya husband material. Kaya mas better na iwan mo nalang. Mahirap magsama pa lalo pa pati tiwala mawawala. Godbless you and baby. Have a safe delivery 🙏😊

Pakatatag ka sis. Kahit anong mangyari wag mo na balikan ganung klase ng tao. Hindi sa pag mamagaling pero mahirap na mag bago ganyang tao. Mahirap walang ama yung baby mo pero mas mahirap kung ganong klase ng tao yung kalalakihan ng baby mo. Pag binalikan mo yan parang kukuha ka lang ulit ng batong ipupokpok mo sa ulo mo. Nakakagigil ganyang mga lalaki. Mga di mahal ng mama. Bahala na karma sa kanya. Wag ka pakastress sis. Hugssss

VIP Member

Hugs to you momsh... stay strong!!! Napakahirap pero tandaan mu na di ka pababayaan ni God,just keep praying

I salute u for being strong and smart in ur decision. You can do it momsh. Oo masakit mahirap pero its better to suffer the pain now than continously suffer dahil nag pka martyr ka. Keep strong momsh. God bless you

congrats sis, tama lang ginawa mo and gusto ko tong sinabi mo, very true ..Goodluck, kaya mo yan 😊

Tama lang ginawa mo sis. Enough is enough. At di mo kailangan ng ganyang klaseng kasama sa buhay. You deserved better. Goodluck!

VIP Member

Hayssss.. Im so sorry for what happen to you sadyang nakatagpo lang tayo ng wawasak ng mundo natin. But sa totoo lang di ikaw ang nawalan, kundi sya. Buo ka bubuuhin ka ng anak mo. Magiging masaya ka kahit wala sya.. Lalo na parating na ang baby mo.. Pakatatag ka lang di sya karapat dapat maging ama napaka iresponsable. I'll pray for your safety delivery mommy. At sana makumpleto nadin ang gamit ni baby. Pakatatag lang if you want need someone to talk just reply here. ❤️❤️

Trending na Tanong