off topic

hi, I just want to share po my situation with the father of my baby. I am now 20 weeks pregnant. Nung first time na nalaman kong buntis ako, nalaman ko rin na dati na palang kasal sa iba yung partner ko which is the father of my baby. Ang sakit. SOBRA. Sabi ko sa kanya, bakit hindi nya agad sinabi sa akin nung una pa lang. Natatakot daw sya na iwan ko sya. I dont know kung mangyayari. Siguro? pero nung umiiyak na ako sa harap nya. Nakita ko rin kung gano kasakit sa kanya na makitang nasasaktan ako. Ang hirap. Alam kong hindi lang ako ang may situation na ganito. Pero bandang huli, tinanggap ko pa din sya. Matagal na silang hiwalay ng dati nyang asawa bago pa man kami magkakilala, hindi nga lang legal ang paghihiwalay nila. May anak sila, nabuntis nya yung babae ng hindi nya alam. kaya sila ipinakasal nung magulang ng babae. everytime na maiisip kong wala akong karapatan sa kanya. Ang SAKIT SAKIT. kahit pa lagi nyang sinasabi na hindi nya ako iiwan. Ramdam ko naman eh. na totoo yun. Kaso, kulang talaga. Sa ngayon, pinaghihiwalay muna kami ng papa ko. Nung sinabi yun ni Papa ko, umiyak sya sa harapan ng magulang ko. Alam kong sobrang sakit nun para sa kanya. Knowing na pinalayas sya ng magulang ng dati nyang asawa kaya hindi nya nakakasama yung una nyang anak. tapos ngayon, parang mauulit yung nangyari. Sinabi pa nya sa akin noon, PAANO NA LANG AKO PAG WALA KA NA? Pero para kay baby, nagpapakatatag kami. Magtitiis kami kahit gaano kasakit. Hanggang sa maging legal yung pagasasama namin. Sana, dumating yung panahon na maging maayos na ang lahat sa kanya. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Nakita yun ng magulang ko. Kaso lang talaga, hindi kami pwedeng masama.

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sis we are more like similar, kasal dn partner ko. Pero nalaman ko un bago ko mbuntis at binigyan nya nman ako ng option, kung iiwan ko sya mtatanggap nya kasi nilihim nya yun dhil nga takot sya na di ko matanggap, kaso mahal ko kaya natanggap ko pero almost everyday talaga naiiyak ako pag naiisip ko n kabit ako, at lagi ko nman hinihinge nga tawad un. Si baby nman Planned namin. First, di ako mtanggap ng nanay nya kasi nga its a sin tipong babasahan pa nya ko ng bible, then later on ntanggap ndn relationship nmin. Inunti unti namin ang lahat, after mging ok s part nya, ngstart kme asikasuhin ang annullment nya, super willing nman wife nya kasi my bf ndn wife nya, hinulog hulugan nmin bayad s lawyer, walang tulong asawa nya, di ndn nmin inoblega ang mahalaga mkipagtulungan sya. Then we bought a house pero hulugan nman un, then he planned na kausapin na parents ko at inamin nya lahat. Wala nman nging problema mabait nman parents ko at kita nila sa bf ko na sincere at mahal tlaga ko. Then ayun, unti unti nalaman ng lahat pati mga churchmate nya, una nhusgahan kme pero sabi nya wala nman kme ginagawa masama and hinihinge nman namin lahat un ng tawad sa panginoon. Ngsasama n kme ngayon, minsan andito kme s parents ko minsan sa parents nya habang di pa ayos ung bahay nmin. Then lahat ay excited sa baby nmin. Pray lang sis, yun talaga ngpatibay samin. Di ntn kasalanan magmahal.

Magbasa pa

Same din tayo situation sis. Ako 1yr n kmi pero n hindi ko dn halos nlman n ksal pala sya at may anak. Pero tnggap q sya dmting mg pagsubok smin dhil si gurl although mtgal na silang hiwalay hindi un legal na hnwlayan kaya nghhbol pdn sya kay guy. Until nlman n ng fam ko. At first anjan ung ayaw n nila sa guy and mdmi na dn away n nngyri pero 1 yr after d n kmi gnulo ni girl ngsama kmi ngkron ng anak pero 2mos n lang at llbas na si baby bgla nlang dn ako iniwan sa ere at nlman ko may iba n nman. Nlman no gurl n gnun gnwa skn ni guy even sila sbi nila once a cheater always a cheater. Pero pra skin totoo man un o hindi. Okay na andto nman skin baby boy ko. Gwin nya anu gsto nya gwin. May karma man o wala bsta go lang kmi sa buhay ng kiddos ko. Single mom here. Nhhrpan pero knkaya. Thanks kasi may kapwa mom ako n d man sila single mom may mggndng buhay may asawa pero npka supportive dn nila. And sa atin mga single mom kaya natin to. Pra sa mga baby ntin. And stay strong lang. Anjan lang si god. P npknggan gngbyan nya tayo. β€οΈπŸ’‹πŸ’ͺ

Magbasa pa

100% relate... I cannot share my situation because I want it 2 b private... For me now adays hindi na importanti sken ung word na kasal.. as long as u love each oder.. u do everything to make each oder happy.. u do ur tasks and responsibility to be a better parents to ur children i tink sapat na un.. as long as my respect honesty at love ok na un... mahirap matali sa isang bagay na pagdating ng panahon magsisi ka na hinde ka na pede kumawala kasi kasal kana.. pero yung pagkakaron ng anak never kong pinagsisihan un.. sana gumaan ang pakiramdam mo sis kahit papaano.. Mas my marami pang worst scenario kesa sa situation mo.. you need to be thankful kasi anjan parin sya para sau although hinde ganun kaganda ung situation nyo ngaun... godbless! dont think too much.. god has a better plan for u.. 😊

Magbasa pa
5y ago

Been there... months kmi ng usap then naging boyfriend ko pero never pa kming ng meet kc both kmi nasa ibang bansa... nalaman ko through a friend na married xa kc pina survey ko mag 2 months pa lg kmi nun, I initiated the break up kc alam ko na hindi tama kht sinasabi pa nya na pina- process nya pa ang separation nila, i told him na ayoko maging rason na makasira ng pamilya.. i told him to go back to her and love her again kht masakit kc alam ko yun ang tama... you will be fine ais.. d ako ng sisi na yun naging decision ko kc i know i deserve better... naging ok cla and I’m happy for both of them... and after 6 yrs, I found my forever too..we got married and i was beyond blessed.. God will reward you basta sa tama lg ang lahat....

You just did the right thing momsh !Im proud of you 😊 for now tiis muna kayo na malayo sa isat isa kasi yan ang tama . Kahit mahirap you just have to deal with it para kay baby mo at para sayo . And savi muna man mahal nyo isat isa dba so maybe gawa nalang paraan si partner mo to legalized their separation ng ex nya .. madali lang namn yan lalo kung wlaa namn sila conflict nung ex nya .. and dapat financialy ready sya since sya ang makikipag split 😊 Stay strong momsh , godbless you and your baby ..

Magbasa pa

Kung totoong mahal ka nya sana sa una pa lang naging honest na sya. Dahil sa totoong nagmamahal di ka nya sana ilalagay sa sitwasyon na yan. Sarili lang din nya ang iniisip nya. Kung malinis talaga ang intensyon nya sayo makipag usap sya sa dati nyang asawa at mag file ng annulment. Ikaw na din nagsabi na mahirap ang di legal, pano kung dumating ang time na nagkabalikan sila ng dati nyang asawa? Sana maging lesson na to sayo at sa ibang babae na wag agad bibigay kung di pa lubusang kakilala ang karelasyon.

Magbasa pa

Mad respect for you, mamsh! Hindi biro ang ginawa mong desisyon pero makakabuti yan para sa lahat. Tama ibang mommies dito, kung mahal ka ni boyfriend, dapat nagsabi na siya ng totoo sayo una pa lang. Mga ganyan kalaking bagay hindi dapat yan sinisikreto sa relasyon. You dodged a bullet. Naiiwas mo ang sarili mo sa malaking problema in the near future. Kaya mo yan, mamsh! We are all rooting for you. ❀️

Magbasa pa

Ganyan din sa tito ko kasal sya sa iba pero nag asawa pa din ng iba pero di sila kasal nung pangalawa tapos nakaapat na sila tapos hindi pa natatanggalan ng bisa ung kasal ng tito ko sa una Tapos hindi pa alam ng legal wife na nag asawa ulet si tito πŸ˜‚πŸ˜‚ bawal pa naman sa batas lalo na kahit hiwalay pero wala pang bisa na official na hiwalay na ung mag asawa hahaha

Magbasa pa

Pray lang sis. Same tayo ng situation. The only difference is alam ko nang kasal si boyfie and may mga anak sya. Ilang years na din silang hiwalay ng asawa nya. Mahirap kasi nasa kanya mga anak nya. Hati and priority ni boyfie. And never ako nagreklamo sa time nya kasi alam ko he will choose his kids over me.

Magbasa pa
VIP Member

Yes po in God's will po. Pray lang po, yung talaga po pra sayo , ibbgy namn po yun ni Lord, s ngyon nsa isang pagsubok kayo, dyan po kayo pag titibayin ng God basta maniwla lang po sknya. Step by step, mkakamit nyo din po β€πŸ’“ God bless po. At wag po makakalimut lagi manalangin sa may taas.

VIP Member

Similar situation sis but ung sakin nging honest ung partner ko sinabi nia sakin una plang na married xa n on process ung separation nila naghintay ako until maging divorce cila tlga n now ngsasama na kme n soon to have a baby. Tiwala lang sis as long as mahal nyo tlga ung is at isat.

5y ago

sana din dumating na yung time na matanggap sya ng pamilya ko ng buong buo kahit hindi nabuhay ang baby namin 😒