,,

Hello. Pa rant lang. Im so sorry. Hindi ko lang alam kung saan ko pa to ilalabas. I just found out minutes ago that my partner is cheating on me.. Hindi kami kasal. 3 years on off relationship. Umokay kami nung nalaman namin na buntis ako. Babaero sya ever since. Ako, tanga. Lagi akong naniniwala na may chance pa sya magbago. Ewan ko. Ang laki talaga ng tiwala ko na mababago ko siya. Nung nalaman ko na buntis ako, hindi kami okay. That time, alam kong mah iba sya. Pero i found it unfair not to tell him. At the end of day, sya pa rin ang tatay. Kaya sinabi ko. Pero may disclaimer, sabi ko hindi ko sa kanya pinapaako nor pinaparesponsable sa bata. Gusto ko lang alam niya. Pero binalikan nya ako. And since then sabi ko nga okay kami. Tho may lapses minsan. Nakakaya ko pang iignore. Kaso lately, bumalik na naman yung dati. Nalaman ko na may pangalawang fb sya. Yung first ay may access ako. Nakikita ko dun lahat. Same with him, alam nya ang accounts ko. Nung nalaman ko yung about sa 2nd fb, dineny nya. Sabi mya matagal na raw yun at idedelete nya na lang. I know he was lying pero sabi ko sige. Basta idelete. Secondly, madalang na sya umuwi sa bahay. Dati bago ako mabuntis, halos araw araw sya sa bahay namin. Pagtapos ng work, dito na sya magsstay sa amin. Kaso ayun nga, these past few months, dumadalang na hanggang sa lilipas ang dalawa o tatlong araw, hindi sya uuwi. Kesho ginabi sa work, malakas ang ulan, napainom with barkada ng medyo late or uuwi sa kanila sa bulacan which is di nya halos ginagawa dati. Nagrereklamo ako pero wala akong magawa. I let it go. Kaso ito nga, may usapan kami na uuwi sya ngayong linggo para makumpleto na namin ang gamit ni baby. 9 months na ako, nakakaramdam na ng kung anu ano. Sabi ko need na namin ma complete things nya para manganak man ako anytime, may magagamit na sya. I waited the whole day, walang dumating. I kept calling him, walang sumasagot. Hanggang sa maisip kong buksan yung pangalawang account na naka link sa phone number ng step dad nya. Buti na lang gising pa si Tito. Nabuksan ko yung fb. Dun ko na nakita lahat. Chat logs ng mga babaeng chinachat nya. Inaaua nyang makipagkita o makainuman. Mga finifling nya. Sobrang dami. Triny kong isecure yung account para maaccess ko pa kaao nalaman nya yata. Na lock yung account, di ko na maaccess. But it dpesnt really matter anymore. I already saw it. Nasa utak ko na, hindi na mabura. Ang sakit sakit. Hindi ko mawari kung manganganak na ba ko dahil biglang sakit ng puson ko or dala lang ng emotions ko. I am 2, 3 4 weeks away from giving birth, saka pa ito nangyari. Hindi pa lumalabas yung anak namin, broken family na kami. Ang sabi ko pa dati, ayaw ko sya matulad sa akin na walang tatay. Pero hindi ko rin kaya na lumaki siya sa ganung klaseng tatay. Nagchat ako sa mom nya about sa nangyari. As of the moment, nasa partner ko yung phone ko and yung atm ko. Pinapakuha ko na lang. Hindi ko na lang rin siguro iaapelyido yung bata sa kanya. I have a job, i know completely that i can take care of the child without his support. At di niya rin naman siguro deserve na magkaron pa ng part sa buhay ng baby ko. Hindi na rin ako nagmessage sa kanya. I just dont see the point to do so. Matic na sigurong tama na yun, dun na natapos. Sana tama tong mga pinag gagagawa ko. I was never the perfect girlfriend, live in partner or wife. I nag, childish ako at times, needy, i cant even cook. But i tried to be better for the baby and most especially sa kaniya. I always make sure na nauuna silang dalawa ng bata bago ako. I was never perfect but i tried my best. I dont deserve this. And sa mga babae na may maayos na relasyon, keep your man. Hindi lahat biniyayaan ng Diyos ng ganyan at hindi lahat kasing swerte nyo. At sa mga tulad ko na nasa same situation, im praying for you all. Sana malagpasan natin to.

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mo yan, aq nga nalaman ko 3mo.pregnant n aq ng malaman na may kinalolokohan na ibang babae ung asawa ko, ang sakit lng na to the point na inaway nya ung ka officemate ko na nakakita sa kanya kesyo d sya at wag dw gumawa ng kwento kasi bwal aq mastress, na confirmed ko lng ng my ngmessage sa akin na lalaki na kabit din nung gf nya, at parehas sila may mga asawa, puro dummy account ung gamit nung lalaki kasi my asawa pala tpos ung girl na naging gf ng asawa ko may asawa at anak din, MelBa Follero ung name ung lalaki na ngchachat sa akin Marty Rafael dw name sabi nung asawa ko nagalit ung Marty kasi seaman pala dw un ngpapadala dun sa Melba eh etong c Melba makati khit alam n may asawa tong hubby ko sumige pa din. Sya pa gumawa ng accnt pra sa asawa ko ung accnt na pwede sila mgchat, eh ngkataon ngkasakit ung anak nung Melba so balik sya dun sa seaman wla cgro syang choice binigay nya password at log in nung fb nya at ung fb na ginawa nya para sa asawa ko, ayon dahil nagalit ung seaman minessage aq kesyo inahas dw asawa ko gf nya un pala may asawa din sya..kapal talaga..tpos ngsend sya screenshot ng mga convo ng asawa ko at nung babae, diko maipaliwanag ung naramdaman ko na ung asawa ko may sinasabihan na iba na mahal na mahal kita, srap kamo pumatay ng tao, ayon nkipaghiwalay aq kaso dahil kasal kami pinipilit kami ayosin ng parents nya, so okay kmi ngayon pero nsa knila sya diko pa sya lubusan napatwad sa kaslanan nya na diko pa sya kayang tanggapin ulit dto sa bahay nmin..sad lng tlaga..

Magbasa pa

Good decision mom, na iwanan ung lip mo kung gnyan din lng ugali. Kysa pgcchan mo balang araw na nag stay kpa ng ms mtgal sa knya kung wla cia pgbbgo. Ano un, cia nb lgi ang iintindihin mo? Mgssb na mgbbgo pro paulit ulit nman gngwa? Pranga t***a gngwa sau at mas lalo syang t***a kz d nia mrealize kung gaano kau khlga ng baby nio. Oo mas mgnda wag mo ng isunod apelyido sa knya, d lng po ikaw ang my gnyan case mom. Bsta be strong for the baby, stop loving that kind of man. He doesn't deserve your love after all. Keep on praying mom. Wag na wag kna bblik sa knya. Godbless your decision mom.

Magbasa pa

You are maybe a TANGA as what you said but you are a STRONG woman. You are strong enough to decide all of that. Deserve ng anak mo magkaroon ng buong pamilya pero hindi nya deserve magkaroon ng tatay na kagaya nya. Kaya mo naman buhayin anak mo, so go girl. Hindi na uso ang Jose Rizal ngayon. Saiyo mo nalang ipangalan baby mo total semilya lang naman yung naiambag ng tatay nya. Saiyo lahat ng pasakit.

Magbasa pa

You did the right thing momsh. Don't justify his wrong doings just because hindi ka marunong magluto or what. Ang lalaki, if they choose to cheat, they'll cheat kahit gano ka perfect pa ang relasyon. Kaya tama ang ginawa mo, let go of that man habang maaga pa. Kung mahal ka nya talaga at ang magiging baby nyo, aayusin nya ang buhay niya para maging karapat dapat sya sa inyo.

Magbasa pa

Good decision mommy. Kung kaya mo naman buhayin mag isa baby mo, go! For sure hindi ka parin pababayaan ng family mo and ni God. Ang mali mo lang na nagawa is nagtiwala ka na mababago mo siya. No, hindi mo siya kailangan baguhin. Kasi magbabago at magbabago yan kusa kung talaga mahal ka niyang tunay. May karma din yang ex mo. Hindi naman ikaw ang kawalan eh. Siya. :)

Magbasa pa

Hindi ka dapat mag pakadapa sa nakabuntis lang sayo lalo kung gago at iresponsable. Wag kana gumaya sa iba jan na walang kwenta lalake e porket yun naka buntis don na nagpatali i face mo nalang yan as a single mom may parents kaoa na pwede mo masandalan at Diyos pati ang sarili mo. Let go muna yung lalake masisira lang lalo buhay mo jan

Magbasa pa

I feel you sis. Medyo same tayo ng kalagayan ngayon kaya alam ko kung ganong kabigat nararamdaman mo ngayon. Kaya niyo yan ni baby pray lang lagi kay Lord na wag kayo pabayaan ni baby. Konting tiis nalang lalabas na si baby. Mas mafo-focus na attention mo sa kanya at hindi na sa ginawa ng ex mo. Good luck and God bless! 😊

Magbasa pa

Virtual hugs momsh. I know you’ll be a great mother to your baby! Stay strong momma! Kayang kaya niyo ni baby yan kahit kayo lang dalawa. Okay nang ilayo mo siya sa magulong mundo. Enough na yung pinagdaanan mo sa tatay niya. God bless you both and have a safe delivery. 💕🤗

Hats off. Sana all kaya yan. Ang childish pa nyan sis, tama ang ginawa mo. Marami ka pang support system bukod sa app na to, you have friends and family. Hindi kawalan ang toxic na tao. Lets pray for him na lang na magbago sya kung gusto nya pang kilalanin syang ama ng anak nya.

nakakalungkot tlaga kapag meron nnamang baby na walang kakagisnang ama 😢 Go mamsh kaya mo po yan. I think tama lang desisyon mo po. Kung di nya makikita worth nya sayo Ikaw na lang gumawa nito para sa sarili mo. Bring back the respect sa sarili and dignity! 💕 Hugs

5y ago

sana ganito din ako katapang haha. kaso sobra katanga e