35weeks pregnant

pa open lang po, diko alam kong masyado ba talaga akong maramdamin dahil buntis ako dahil sa gantong bagay eh sumasama na loob ko kasi yung feeling na mag oopen ka ng problema mo pero yung isasagot nila ganyan pamilya ko. hindi ko naman ginusto na mag ultrasound ng magultrasound, request ng ob kasi nga masekan ako magbuntis. lowlying, dinugo, mataas pa sugar at may uti. bat parang pag magsasabi ako saknila, parang lumalabas na nag iinarte ako? feeling na gusto ko lang naman magopen ng problema ng stress ng mabawasan pero bat parang mas lumalala, hirap explain. minsan talaga mas okay na magopen ka saibang tao kasi naiintindihan ka pero yung mga malaapit sayo at pamilya mo dimo nadin alam. minsan napapaisup nalang ako ang oa ko nadin nga siguro kasi simpleng masabihan ako dinadamdam kona haha. pero ewan diko na alam para akong sasabog sa stress😭 halos wala na ko makausap puro dasal nalang na alam kong lahat ng ito pagsubok lang sakin ng panginoon na malalagpasan ko

35weeks pregnant
37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako usual ko naririnig yung ganyan sa ibang tao, nasa 1st tri palang ako ngayon pero naka 3 ultrasound nako at 10 balik sa ob dahil sa frequent spotting at minsan minor bleeding, madalas ako sabihan ng ibang tao o malalayong kamag anak na normal lang daw makaranas ng ganun, na sayang naman pampacheckup kasi di naman dapat ikaworry yun, pero grateful ako kasi bago pako magexplain pamilya ko na yung sumasapo sakin. maliban sa asawa ko sila yung unang nagtatanggol sakin kahit di ako magsalita may pumoprotekta samin. Lagi nalang nilang sinasabi sa mga yun na, nakatipid nga sila nameligro naman buhay nila. minsan bibiruin pa nila, na may pera sila pampacheck up di naman sainyo hinihingi. that way pinaparamdam nila sakin na diko need mastress sa sinasabi ng iba. Mamsh sana makahanap ka or kahit yung asawa mo lang na kaya ka protektahan sa mga stress na ganyan. kausapin mo sya, yung kayo lang. masinsinan at maayos at mahinahon. paintindi mo na di mo naman ginustong maging ganyan yung flow ng pregnancy stages mo. I pray for you mamsh and kay baby, maging matatag ka di lang para sayo kundi para sakanya din. love love mamsh. ☺️

Magbasa pa