Lumalala na anger issue ko

Pa-open up lang mga mamsh. Ang bigat na kasi sa pakiramdam. Ganito ba talaga kapag bagong panganak? 3 months postpartum na ako. Minsan pag si LO ayaw tumigil kakaiyak, nasisigawan ko na. May isang beses din na namura ko sya kaso tulirong tuliro na ako sa sobrang dami ng gawain sa bahay, sumasabay pa yung iyak nya. Wala na kong nagagawa kasi gusto nya palaging binubuhat din. Pag natutulog sya tinititigan ko sya tsaka kinikiss ko sa noo at nagsosorry ako kasi wala naman syang kasalanan pero sya ang napapagbuntunan ko ng inis at galit. Naiiyak na lang ako kapag titignan ko syang natutulog. Sobra sobra akong nagu-guilty. Si hubby naman po nagwowork, tumutulong din sa pag-aalaga kay baby kahit kakauwi nya pa lang galing work kaso saglit lang. Siguro mga 1 hr and a half lang. Tapos minsan sasabihin pa sakin na wala na akong nagagawa sa bahay. Pag ganun sinasabi nya, diretso away talaga kami. Naghahagis ako ng gamit at sumisigaw. Parang di ko na kilala nag sarili ko kasi hindi naman ako ganun dati. Pag galit ako dati tahimik lang ako pero nung nanganak na ako, sobra sobra anger issue ko na para bang hindi na ako to. #FTM

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap po maging patient and kind kapag kayo mismo ay pagod at stressed na. Please take care of yourself first, rest well and eat well para may energy kayo (body and mind) para alagaan si baby. It's unfortunate po na nahahanapan kayo ng asawa nyo 😥 Alam naman po natin na hindi madali mag-alaga ng bata. I suggest kausapin nyo po nang masinsinan at mahinahon ang asawa nyo, ipaliwanag nyo rin po na unstable pa rin ang hormones nyo at this time na nakakadagdag sa mood nyo. Kapag rest days ni hubby, baka pwedeng sya muna mag-alaga kay baby while you focus on household chores. In this way, magkaka-idea si hubby how hard it is to take care of a baby and make him more understanding of your situation. 1-2 hrs a day of taking care of the baby is nothing compared sa whole day kayong magkasama. Please be kind to yourself, mommy. This does not make you a bad mom but you definitely can do better. You have to take care of yourself first para may energy ka to take care of another human being *Hugs!

Magbasa pa