Financial Problem
Share ko lang tong feels ko mga moms kasi ayaw ko ng mastress, 8 months na akong preggy and till now wala pa din akong gamit ng baby ko ni isa. Sa isang pharmacy ako nagwowork kaso kakabalik ko lang ulit sa work kasi nga nung kasagsagan ng pandemya hindi pinapasok yung mga pregnant kasi high risk sa covid. Bale two months akong napahinga at wala akong sinasahod. Ngayong nakabalik na ako nagpopondo pa ulit ako. Papasok ako hanggang sa maternity leave ko. Yung asawa ko naman isang call center agent. Nasa 10k ang sinasahod nya at wala namang natitira samin kasi lahat ng bayarin sa bahay na tinutuluyan namin which is sa bahay ng pamilya nya sagot nya lahat. Lahat sila dun may work at asawa ko lang pinag oobliga nila sa lahat. Minsan nakakarinig pa ako ng salita na pag hindi sya nagbigay ang dami ng sasabihin. Gusto ko ng bumukod mga moms. Ayaw naman ng asawa ko. Hindi nya ako naiintindihan. Kesyo sinasabi nya sakin na malapit na daw bonus nya. Sa bonus na lang daw kami bumili. Sobrang bait nya kasi pag may pera sya pero hindi nya naman naiisip na wala ng natitira samin. Di ako madamot mga moms pag meron ako nag aabot din naman ako sa byenan ko. Pero parang sobra na.#advicepls #1stimemom #pregnancy #theasianparentph