Rant

Pa-labas lang mga momsh ng sama ng loob. Kaka-panganak ko lang nung saturday. Ebf ko si baby, and thanks to God dahil ngayon meron na kong gatas. Kahapon kasi stress na ko dahil feeling ko wala syang nakukuha sakin. So ayun nga.. Tinanong ako ng kapitbahay namin kung sakin daw ba dumedede yung baby ko, sabi ko oo. Tapos kanina sabi ng bestfriend ko, dapat daw hindi ko sinanay yung baby ko na sakin dumede, dapat daw nag mix ako. Sabi ko, sino nagsabi nyan. Yung kapit bahay daw namin na nagtanong sakin. Sabi daw dapat di ko sinanay yung anak ko na sakin dumede dapat daq mix feed ako kasi di daw ako makakagawa. Sagot ko naman 'hindi naman talaga ako gagawa, kasi ayaw ako pag trabahuin ng asawa ko' tapos sabi, hindi naman daw laging nandito yung asawa ko (malamang kasi magwowork sya) tapos ayaw pa magpalapag ng baby ko kaya di daw talaga dapat ako nag bf. Bakit kaya ganun. Imbes na iencourage ka pa ng kapwa mo nanay na ipagpatuloy ang pag breastfeed sa baby kasi yun talaga ang dapat. Parang kinokontra ka pa. Dahil ba mix feed sya? Dapat MF na din ako? Eh magkaiba naman kami. Tsaka diskarte mo nalang pano ka kikilos kahit nagpapadede ka. Hindi ka naman baldado para di na maka-gawa eh. Hirap sa mga kapitbahay masyadong nakekealam. Sumama talaga loob ko nung nalaman ko yun. Ang sakit lang sa loob na may mga ganung klaseng tao ?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa oanahon ngayon normal na yang naka surround na taong mga toxic, judgemental at feeling alam nila lahat ng tama but d ka dapat mgpapa apekto sknila anjan cla parati kaya dapat ihanda mo lagi sarili mo at mindset mo na u do the right thing and should ignore ignorant people. Ur child ur rule. Mas mainam ngang ganyan na EBF ka kase mas magiging healthy c baby. Wag ka papaapekto sa mga taong nakapaligid sayo dahil ano man gawin o kibot mo may masasabi at masasabi ang mga tao mapa negative o positive man yan, kaya nasa satin nlng tlga kung oano ihandle ang mga sinasabe ng mga tao satin :)

Magbasa pa

continue bf lang sis .. pangarap ko yan.. ang kaso ay inverted nipple ako. I tried everything pero ayaw talaga lumabas. mixed feed ako dati hanggang sa natuyuan na.. biruin mo more or less 1k a week ang matitipid mo pag bf ka .. and malakas immune system ng baby mo .. yung mga house chores, madali lang yan.. what important is naibibigay mo needs ng baby mo .. and FYI sa kapit bahay mo.. kahit mixed feed ka at sadyang malambing ang baby mo sayo, asahan mo di ka talaga makakagawa ng maayos sa bahay..

Magbasa pa

Don't mind her mommy. Kulang sya sa knowledge about breastfeeding. Madami benefits and advantages ang pagbebreastfeed kc mas healthy sya para kay baby and mas magging close kau ng baby mo and makakatipid karin kc hnd kna bibili ng formula milk isave nio nalang para kay baby or ibili ng ibang needs nia. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Continue lang po bf si baby. Mas healthy pa si baby at wala kapng gastos sa gatas ๐Ÿ˜.. Hayaan nyo nlng yang kapit bahay nyo.. wala lang sigurong magawa๐Ÿ˜….. its up to u naman kung kailan or kung gusto mong mag mix feed kay baby. At diskarte mo na rin kung papaano magagawa ang mga gawain sa inyo.

Uneducated si kapitbahay sis๐Ÿ˜‚ di ba nya alam ang sustansya at benifits ng pure breastmilk? Echosera lang sya. Eh ano naman kung masanay sa karga yung baby eh hindi naman sila ang mahihirapan sa pagbubuhat at ikaw naman. Hayaan mo nalang. Don't stress yourself sa mga ganuong klase ng tao.

Yung mga naunang generation Kasi iba ang pagpapalaki sakanila. Na mas superior ang formula milk. So Baka Kaya ganun si nosy neighbor. Lol ๐Ÿ˜‚ art of dedma mo na lang si ate. Dapat good vibes lang parati sa padede moms para mataas ang milk supply. โค๏ธโœŒ๏ธ

Mag mixfeed sana ako kasi nung una onting milk ko ay jusko inabot kong sermon sa tatay ko ๐Ÿ˜‚binenta nya online yung gatas n binili ko ๐Ÿ˜‚ taglamig daw kasi at kung hindi bf si baby magiging sakitin daw salamat nmn at hindi pa sya nagkakasakit

VIP Member

Don't mind them momsh. Pagpatuloy nyo lang po yan. 5 months na si baby ko ebf nakakagawa pa din naman ng gawaing bahay although may times na wala talagang magawa pero ok lang yun hindi naman habang buhay silang baby..

VIP Member

Wag mo na lang pansinin. Ipush mo breastfeeding, malaki rin tipid niyan sa gatas tsaka the moment na magmix feed ka, unti unti ng magdedecrease ang supply mo. Go lang , susuportahan kita diyan ๐Ÿ˜Š

VIP Member

Yaan mo siya. Mas maganda breastfeed. Yung Gawain nakakapaghintay yan pero yung pagiging baby niya mabilis Lang. Tsaka mas tipid pag breastfeed