Rant

Pa-labas lang mga momsh ng sama ng loob. Kaka-panganak ko lang nung saturday. Ebf ko si baby, and thanks to God dahil ngayon meron na kong gatas. Kahapon kasi stress na ko dahil feeling ko wala syang nakukuha sakin. So ayun nga.. Tinanong ako ng kapitbahay namin kung sakin daw ba dumedede yung baby ko, sabi ko oo. Tapos kanina sabi ng bestfriend ko, dapat daw hindi ko sinanay yung baby ko na sakin dumede, dapat daw nag mix ako. Sabi ko, sino nagsabi nyan. Yung kapit bahay daw namin na nagtanong sakin. Sabi daw dapat di ko sinanay yung anak ko na sakin dumede dapat daq mix feed ako kasi di daw ako makakagawa. Sagot ko naman 'hindi naman talaga ako gagawa, kasi ayaw ako pag trabahuin ng asawa ko' tapos sabi, hindi naman daw laging nandito yung asawa ko (malamang kasi magwowork sya) tapos ayaw pa magpalapag ng baby ko kaya di daw talaga dapat ako nag bf. Bakit kaya ganun. Imbes na iencourage ka pa ng kapwa mo nanay na ipagpatuloy ang pag breastfeed sa baby kasi yun talaga ang dapat. Parang kinokontra ka pa. Dahil ba mix feed sya? Dapat MF na din ako? Eh magkaiba naman kami. Tsaka diskarte mo nalang pano ka kikilos kahit nagpapadede ka. Hindi ka naman baldado para di na maka-gawa eh. Hirap sa mga kapitbahay masyadong nakekealam. Sumama talaga loob ko nung nalaman ko yun. Ang sakit lang sa loob na may mga ganung klaseng tao ?

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag papa apekto sis. May maternal instinct kana, alam mo kakabuti ng anak mo. Let them judge at magsabi ng opinion. Kebs kalang.

Daming ganyan sis 😤 Okay lang naman mag suggest pero wag naman dumating sa puntong mangingialam na 😤

Hahaha inggit lang yang hinayupak na kapitbahay mo. Wag mong hayaang maapektuhan ka ng ganung klaseng tao.

siguro yung kapit bahay nyo hindi yun educated sa EBF na mas makakabuti yun sa baby

May mga pakielamerang hampas lupa talaga na kinulang sa dede sis. Hayaan mona.

Hayaan mo nalang. Mas okay pa din sustansya ng BF. 😊

omg sa mahal ngayon ng bilihin dpat nga pasalamat tayo na makakapagbreastfeed yung mga baby natin.. i hope so for my 2nd baby mka pa breastfeed ako ng matagal2. kasi iba ang bonding ng mommy tsaka baby kapag naka breast feed.. bsta push lng sa.pag bf ni baby.. 😘

Totoo to. Sakin yung MIL ko pa yung nagsasabi mag mixfeed daw ako. Naiinis siguro sila kasi pag dumadalaw sila, di nila masyado makuha sakin kasi nga laging gusto maglatch ni lo sakin. Keber sknila. Hahahaja