HINDI ATA AKO MAHAL NI BABY

Lagi akong nag oover think na hindi ako mahal ng baby ko kasi minsan parang ayaw nya sakin. minsan di ko sya mapatahan, lagi syang naiinis. 4 months palang si baby. sabayan pa ng sabi ng mama ko wala manlang daw amor sakin anak ko. di ko manlang daw nagpabreast feed ng ilang buwan. hindi nya alam kung gaano ako ka depress na hindi mapabreast feed baby ko, di ko sya mapabreast feed kasi sobrang hina talaga ng gatas ko kahit anong kain at pa latch ko. sabayan pa ng maliit dede ko tapos lubog pa nipples ko. halos hindi na makahinga si baby noon sa pag dede sakin. ginawa ko lahat. halos lahat ng klase ng pump binili ko na pero may mga nanay daw talaga na hindi malakas ang gatas. sobrang nadedepress ako hanggang ngayin kasi gusto ko talaga sa akin dede anak ko. gusto ko ulit mag pump pero wala na lumalabas. ayaw na ni baby dedein dede ko kasi nasanay na sa bote. sabi ng mama ko magiging pala sagot daw anak ko sakin. masungit daw sakin pag laki kasi wala manlang daw amor sakin ngayon. lalo tuloy ako nadepress😭

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan tlga mga baby sa una mamsh gnyan dn baby ko kaht ano gawin ko ayaw tumahan, habang natagal nagiging clingy na sya sakin hanggang ngayon 18months na sya ikaw na maririndi kakasunod sayo ☺️ wag mo nalang isipin snsbi sayo ng mama mo alam mo sa sarli mo hndi mangyayari un kc sobra mong mahal anak mo. and advice ko lng para lumakas gatas mo try mo uminom ng malunggay capsule dyan lumakas gatas ko

Magbasa pa

grabe naman ang mama mo sayo. wala man lang simpatya din sayo samantalang naging nanay din naman sya 😓 pero ikaw ang mama. kahit anong mangyari, imposibleng magiging malayo sayo ang loob ng baby mo lalo na kung inaalagaan mo naman sya araw araw.