Republic Act
Pa HELP po mga moms!! Sino po dito may alam sa laws? May kaibigan po kasi ako sa Bulacan na gustong umuwi dito sa probinsya namin at gusto nya'ng dalhin ang dalawang anak nya (3 yrs old po ang panganay, 1 yr old naman ang bunso) kaya lang po kinasuhan sya ng lalaki kasi ayaw nya'ng ipadala ang bata.. Kasal na po ang lalaki sa iba (pero wala na sila nung nag live-in sila ng kaibigan ko) at yung mga anak nya sa asawa nya ay halos hindi nya naaasikaso, katunayan nasa ina ng babae ang anak nila. Wala po'ng kamag-anak ang friend ko sa Bulacan, napunta lang sya don dahil sa lalaki. Sobrang nakakaawa po sitwasyon nya don kasi lagi daw po syang pinagtutulungan ng in-laws nya, tapos pag nag sumbong daw sya sa LIP nya di sya pinapakinggan kasi mama's boy pala ang gag* (kainis) kaya one time po, di nya na matiis lumayas po sya dala ang dalawang anak at currently nakatira sya sa naging kaibigan nya don.. Gusto nya pong umuwi dito samin at sa kabaitan din naman ng friend nya don, sinagot ang expenses sa ticket. Ngayong July po ang flight nila kaya lang po may hearing sila ngayong 27.. Sino po dito may alam sa laws, ano po gagawin ng kaibigan ko para mai-uwi nya ang dalawang anak nya dito sa probinsya ngayong malapit na ang july.. Salamat po sa sasagot at tutulong π GOD bless! π
mommy engineer