#AdvicePlease
Pa advice naman po.. yung LIP ko too attached to his family na feeling ko napapabayaan na nya kami ng mga anak nya. Ako po ay may work at malayo sa kanila. Ang LIP ko namna po ay farmer. Napapansin ko kasi sa tuwing may mga bisita ang tita nya at mga pinsan (na kineclaim nya na mas nagcare sa kanya nuon kaysa sa own family/parents nya) sya ay tinatawag para makihalubilo/mag entertain. Yun bang makipagkwentuhan/makipag inuman sa mga bisita nila. Jolly person kasi ang LIP ko at maboka talaga. Ang problem ko lng naman, ay dahil nasa poder nya ngayun ang anak namin na 2 yrs old, at katabi nya sa pagtulog. At kung nkainom na sya ay ang hirap na gisingin at malakas ang hilik. Kaya iniisip ko pano pag gusto magdede ng anak namin o may kailangan or may emergency at hndi nya namalayan? Nagtatalo na kami parati dahil duon. Parati nya sinasabi na 1 bote lng pero wala ako tiwala dahil nawitness ko na ilan beses..pag sinabi nila na "isa pa last na" pero nakailang "last' na hndi pa rin nila gusto patayuin/or hndi pa sya nagkukusa tumayo at umuwi kahit nagsasabi sya na uuwi na, hndi nagkocooperate yung katawan nya π. Minsan pa pinatawag na naman sya taz hndi ko pinayagan, sa akin tumawag ang pinsan nya para ipaalam sya.. na paminsan minsan lng naman daw?!? Himingi ako ng pasensya at nakiusap na sana maunawaan nila ako na hndi ko pinayagan nung time na yun kasi may sakit nuon yung anak namin. Pero after namin mag-usap sa phone ng pinsan nya, umalis din pala sya at pumunta duon! Inaway ko tlga sya nuon, kasi ano point na hiningi nya opinion ko at pinakiusap pa nya ang pinsan nya sa akin na ipaalam umano sya, kung nababalewala lng naman pala ako? Feeling ko nung time na yun nabalewala tlga ako at feeling ko din pinagtatawanan ako ng mga pinsan nya π taz kagabi nangyari na naman. Nagpaalam nya thru chat na papunta na sya duon at may bisita nga daw sila, yung bf mg pinsan nya. Sabi ko nlng sya bahala, katawan naman nya yun taz nag thumbs up sign nlng ako. Hndi parin nya nagets na nagagalit na ako. Pumunta parin. Kung minsan nagtatanong na ako sa sarili ko kung kaya ko pa ba, pero iniisip ko yung future ng anak ko. Madami na kasi kami hndi pagkakasunduan pero maliliit lng naman, pero natatakot ako na umabot sa point na maubos pasensya ko at malawan ako respeto sa kanya. Kailangan ko po advice, nawiwindang na ako πππ#advicepls P.S. dahil may work po ako malayo sa lugar namin at nawalan sya ng trabaho nung pandemic, nag farming po sya. Yung LO po namin ay nasa poder ng magulang ko pero pumayag ako na iuwi nya muna sa poder nila ng magulang nya. 2 months na po yung LO namin sa kanila.