βœ•

UUPA PA O MAKIKITIRA MUNA?

Pa advice naman mga sis! Wag niyo sana ako i-bash.. Nangungupahan kasi kami. 8k yung bahay.. Up and down, may dalawang kwarto at sariling linya ng tubig at kuryente. Kahati namin sa bahay yung tita at pinsan ni asawa parehong nagtatrabaho. 3,500 sakanila tapos 4,500 samin plus tubig at kuryente si asawa lang nagwowork.. Ang ayaw ko lang.. Simula nung lumipat kami hanggang ngayon, wala man lang kusa na maglinis ng bahay.. Ang lilinisin lang yung kwarto nila.. Sila pa namili ng kwartong malaki.. Iniisip yata dapat kami tlga maglinis kasi nakikishare lang sila. Nung mga unang month pa nga, hihintayin pako gumising para ako paglutuin ng ulam e samantalang may bata ako.. gusto kakain nalang ang mga hinayupak.. Yung side ni asawa kasama namin sa iisang compound.. Minsan pumupunta sila samin iiwanan yung pamangkin ni asawa tapos babalikan nalang kung kelan gusto. Ang akin lang, walang problema pumunta kaso bantayan niyo yung anak niyo. Ang likot likot pa naman mamaya may mangyari ako pa masisi. Ultimo sa pagtitinda ko.. Sinasabi wag na daw ituloy kasi maliit lang ang tubo tapos pagod pa.. E hindi naman sila yung nagluluto at namamalengke.. Sa sobrang inis ko, umuwi muna ako dito samin. Ngayon, napag usapan namin na igive up nalang yung bahay kahit sayang kasi kako ayoko naman ng ganon.. Kaya nga tayo bumukod para walang nakikialam tapos ganyan.. Balak namin, yung ibabayad pa sa upa.. Ikuha nalang kako sana ng foreclose sa pag ibig.. Ang kaso naman, yung benefits ni asawa hindi pala updated.. Hindi hinuhulugan.. Paano po kaya yun? Pwede kayang kumuha kami tapos bayaran nalang monthly or need talaga updated si pag ibig? Salamat po sa sasagot. Sana po matulungan niyo kami..

4 Replies

Ang hirap talaga pag kamag anak kasama sa bahay πŸ˜… better po kmuha kayo ng tirahan na walang ka-share. atsaka wala po kaseng privacy sa bahay pag may ibang kasama.

bumukod kayo kung kaya... kasi mitsa pa ng pagsasama nyo yang makikitira tapos di din maayos pakiramdam ning asawa mo

maginquire mismo asawa mo sa pagibig para malaman nya ano mga kelangan nya gawin para makapag housing loan

umupa n lng kayo ng sarili Tama Yung ginawa mo. yaan mo sila. not sure sa pag ibig issue..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles