sobrang stress na ko sa mga kamag anak

pa advice naman mga mhie.. currently at my 37 weeks. nung last check up ko nag IE na si OB ko and sabi niya 1cm na daw ako at nag bigay na ng primrose. my and my husband's relatives knew this. dito ako na stress mga momsh.. minamadali nila ako manganak.. 😔 kesyo 1cm na daw malapit na daw manganak. umabot pa sa point na sabi ng mother in law ko paturukan na daw ako pampahilab para manganak daw ako ng dec. 24. tapos gusto araw araw ako punta sa OB ko para ma check daw ako kesyo baka daw matiyuan ako. baka daw di ko lam pumutok na panubigan ko ung family ko naman, wala ng ginawa lagi kundi magtanong, "ano di pa ba nasakit tyan mo? tgal naman niyan 1cm ka na". lagi ako sinasabihan lumabas ka dun maglakad lakad ka. kahit na sobrang pagod ako kasi nag laba pa ko.. or nagluto ako ng ulam.. paglalakarin pa rin ako.. sobrang na stress na ko. sinabi ko na kay hubby.. sinabi ko na stress ako kasi lagi nlng sila ganun. nagtataka kasi siya bakit daw di ko nirereplyan mga nag cha chat sakin. deretcho ko sinabi kay hubby na ayaw ko kasi minamadali ako manganak. saka 37 weeks palang naman. di pa naman due date si bb. January pa nga tlaga due date namin eh.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

whatever works for you para hindi ka ma stress sa kanila. Wag mo e seen hayaan mo. Just do your best and your part sis, advise lang talaga no effective talaga yung mag lakad lakad ka tsaka squats kahit twice a day and 20x. Wag masyado ma pressure 37 weeks kapa naman normal lang yan mag 1cm. Baka ayaw pa talaga lumabas ni baby no, atleast 38-39 weeks naman talaga dapat ilabas na. Take your time to relax and rest as much as you can to prepare mind and body mo for labor and delivery. May God bless you sis 🙏

Magbasa pa

Wag ka po masyado magpaka stress mi. Pero if ako nasa sitwasyon mo try mo nalang makinig sa kanila. Same situation kasi tayo before. Di ako nakikinig sa sinabi ng mga matatanda sa’kin before sa first baby ko kasi sabi ko 3rd week pa ng Feb dd ko and last week palang ng January pero di ko alam pumutok na pala panubigan ko and natuyuan na si baby at 50/50 na pala siya sa loob ng tiyan ko. Di rin kasi ako nag labor kaya dedma talaga ako. Buti nalang pinilit ako ng Tito ko na pumunta na ng hospital and doon ko nalaman situation ni baby and na emergency CS na rin ako.

Magbasa pa
2y ago

yes masyado lang kase tau emotional mga preggy hehe kaya cguro namimissed enterpret ntin payo o sinasabi nila satin mga nakakatnda satin cla kc mas may alm kc narnsan na nila kya ayaw lang nila maranasan din ntin

para sakin dapat di mo pinapansin ung mga ganyan eh. kasi alam mo naman sa sarili mo na di pa ready ung baby mo. wag mo isipin kung di mo pala nirereplyan ung mga chat bakit ka po nasstress? kung ako po sa inyo, tutal di niyo naman po pala pinapansin. panindigan niyong hindi pansinin talaga. kesa istressin mo ung sarili mo. about sa sinasabi nila eh hindi niyo naman po pala pinapansin . kasi once na nastress kayo baka mapano pa ung baby niyo . o kaya iexplain niyo di paba sila nagkaanak at di nila alam kung paano manganak?

Magbasa pa
2y ago

yes mii. di ko naman nga pinapansin. kaso ang siste, si hubby ang kinukulit nila kahit nasa work. 😅 may mga anak na po sila kaya nga po parang siguradong sigurado sila na malapit na manganak ung 1cm 😅 kaso hilab hilab lang nararamdaman ko at medyo malayo pa interval po.. meron pa nga ako nasagot na kamag anak ko na wag kasi antayin 😅 baka kaya ayaw lumabas ni baby. nahihiya siya..

same experience😅 3 days bago sumaktong 38 weeks, dinugo na ako at nagstart maglabor every 20-30 mins, nung nagpa IE eh 1cm palang. Pinilit ako palakarin ang palakarin ng MIL ko buong araw, pero walang nangyayari. Tas may paniniwala pa sya ung partner ko daw kasi lumalapit kaya ayaw lumabas ng baby. 3 nights nagpunta sa ER pero palagi 1cm palang. Halos walang tulog kasi mayat maya ung hilab. Imagine magisa kong ininda ung sakit ng contractions. Mas napagod ako sa mismong labor, hindi sa delivery😔

Magbasa pa
2y ago

congrats mommy . nakaya mo.. sana ako rin. first time mom here kaya medyo na stress ako sa mga sinasabi.. syempre di ko pa alam kaya nka depende ako minsan sa mga sabi sabi nila pero pag kinontra ng OB ko, kay Ob ako naniniwala 😅

same panay tanong kung kelan ako manganganak cnasabi ko nman na 1st or 2nd week ng January pero cympre depnde pdin tlga ky Baby kung kelan nya gusto lumabas. cnusunod ko nlng rin payo nila n mglakad lakad ako evry morning or kung anong oras ako magising kce pra din nman sakin yun. yun nga lng hindi ko cnusunod ung cnasabi nila n bawal kumain or uminom ng malamig at matatamis😅😅 ewan koba kung kelan kabuwanan na tska nag ccrave ng sweet and cold.

Magbasa pa
2y ago

thanks mii. same tayo di ko sinunod sinabi nila na bawal sweets and cold. nakakalaki daw ng bata.. saka sabi nila mag diet diet na daw ako kasi malaki na daw tyan ki.. currently on my 37 weeks and base sa ultrasound maliit pa si baby. haha.. payat si baby sabi ni OB kaya no need mag diet. pinayagan pa ko kumain ng kumain this holiday

wag mo sila intindihin mii. Ganyan din mga kamag anak ko, kasi imbes na maglakad ako maaga, tulog ako kasi di ako nakakatulog sa gabi. Ang siste tanghali nako nakakapaglakad 🤣 lakad ka lang ng lakad tapos inom ka pinakulong luya. Ako 2 days ako ng labor, tiniis ko yun hilab na urong sulong. Tska yung panubigan mararamdaman mo naman yun e, di kagaya ng ihi na kaya mo pigilan. panubigan tuloy tuloy yun. Goodluck mii 🤗

Magbasa pa
2y ago

tanong lng po 36 weeks and 5 days nako and this dec 29(friday) mg 37 weeks nako and e-IE ndin ako nun pgbalik ko hospital. pwede na kaya ko mg inom ng salabat or pineapple juice khit 36 weeks plng?? tia🤗

VIP Member

e restrict mo messages nila. unrestrict mo nlng pag nanganak kna😂 Kung stress ka mas na sestress ang baby natin. Hayaan mo sila mhie your baby your rule lagi mo tamdaan yan kasi pag nagkasakit kayo wala iba mag aalaga sa inyo kundi ikaw lang mismo. Maramdaman mo naman pag pumutok na panubigan mo ako pay sound na pop sa tenga ko nung punutok panubigan ko and 4CM plng ako nun kinabukasan pako nanganak

Magbasa pa

nothing to stress about kung chat lang naman, ignore the chats even text and calls. Risky pa rin ang stress kahit nasa 37 weeks Ka na. Dapat di mo sila pinapansin at magfocus ka lang sa dapat na exercises at dapat nagpapalakas ka lalo dahil u will need energy soon. Kaya mo yan, mii.

2y ago

thank you mii

ganitong ganito ako nung 1st born ko. panay tanong kelan ako manganganak. Hanggang d na talaga ako namamansin kasi nakaka stress nga talaga umabot ako sa 40 weeks and 6 days saka nag 1CM rekta admit na. Mas nakikinig ako sa OB ko kesa sa kanila since siya ang nakakaalam.

2y ago

grabe sila, ngayon pregnant ako sa second baby namin currently 28 weeks tinatanong nadin kelan due date hahaha kulit eh

Momshie mas okay na di ka muna magshare sa kanila up until lumabas si baby. Nabasa ko kase na isa yan sa mga common mistakes ng couple. Ang nangyayari tuloy nastress at naprepressure ka kesa maenjoy niyo na malapit na dumating si baby.

2y ago

thank you. will take note of this