sobrang stress na ko sa mga kamag anak

pa advice naman mga mhie.. currently at my 37 weeks. nung last check up ko nag IE na si OB ko and sabi niya 1cm na daw ako at nag bigay na ng primrose. my and my husband's relatives knew this. dito ako na stress mga momsh.. minamadali nila ako manganak.. πŸ˜” kesyo 1cm na daw malapit na daw manganak. umabot pa sa point na sabi ng mother in law ko paturukan na daw ako pampahilab para manganak daw ako ng dec. 24. tapos gusto araw araw ako punta sa OB ko para ma check daw ako kesyo baka daw matiyuan ako. baka daw di ko lam pumutok na panubigan ko ung family ko naman, wala ng ginawa lagi kundi magtanong, "ano di pa ba nasakit tyan mo? tgal naman niyan 1cm ka na". lagi ako sinasabihan lumabas ka dun maglakad lakad ka. kahit na sobrang pagod ako kasi nag laba pa ko.. or nagluto ako ng ulam.. paglalakarin pa rin ako.. sobrang na stress na ko. sinabi ko na kay hubby.. sinabi ko na stress ako kasi lagi nlng sila ganun. nagtataka kasi siya bakit daw di ko nirereplyan mga nag cha chat sakin. deretcho ko sinabi kay hubby na ayaw ko kasi minamadali ako manganak. saka 37 weeks palang naman. di pa naman due date si bb. January pa nga tlaga due date namin eh.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

huwag ka pa stress mommy, take your time po. saka huwag muna mag online o much better offline mo ung status mo sa messenger para d ka kulitin. excited lng din sila kasi pero d na nila napansin na istressed ka lalo sa kanila.

ganyan din ng yari sakin nun . pero lahat ng sinabi nila labas lang sa kabilang tenga ko iniisip ko si baby na pag stress ako mastress din sya . ngayun dalawa na anak ko cs ako kasi hnd talaga bumuka ang sipitsipitan ko

Wala po akong ibang maipapayo sa inyo kung di try not to stress... tama lang din siguro na hindi nyo na lng muna basahin at replayan ang mga messages nila. Just follow ang advise ng doctor mo. Take care po...

37 week Kasi pwede na manganak kaya nag 1 cm kana wait monalang SI baby concern lang Sila sayo at inaalala kalanh and excited din Silang Makita apo nila.

sis. based on my experience, hindi ko alam pumutok na pala panubigan ko kaya natuyoan baby ko. may point din naman sila.

Wag po ma stress mamsh.. Dati sakin yung 1 cm isang weeks pa bago mag 2 cm kahit tagtag na tagtag na pa ako nun

wag ma-stress. excited lang sila ar nagwoworry. basta kung ano ang payo ni oby po

VIP Member

same here 37 weeks ..nag spotting ako pero close pa cervix ko