Okay lang po ba ito?

Okay lang po ba na nakakatulog baby ko sa dibdib ko sa gabi? Na pati din po ako nakakatulog sa sobrang antok. Pero after 1 hour nagigising naman po ako. Hirap po kse patulugin ni baby e tapos kapag ilalapag ko na po sya sa higaan nya wala pang 5 mins nagigising napo. Kaya ganito nlng po way ko para makatulog sya.

Okay lang po ba ito?
56 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

no.. pwede lang yan pag gising ka. baka mabitawan mo or SIDS.. ganyan din baby ko pero pinilit ko matuto siya matulog sa crib. ihehele ko tapos pag mejo antok na, binababa ko sa crib. in 2 weeks okay na siya. kapag ganyan po lagi, di siya matututo matulog mag isa. maaassociate niya na pag matutulog dapat karga mo. mahihirapan ka po. mag 4 months na baby ko, at natutulog na siya mag isa, bihira ko ihele saka minsan siya na mismo nagpapa akyat sa kwarto pag 6pm kasi matutulog na siya na pang gabi.

Magbasa pa

Baby ko po ginanyan ko sya madalas from days old pa lang sya to 1 month siguro. Nahihimbing pag nasa dibdib ko. Pero mali daw. Napagalitan ako kasi maglalaway daw nonstop si baby. Kasi naiipit sikmura at may sinasabi sila about gastric juice, ewan. At di nga nagtagal lagi sya may laway. Nonstop punas din sa bibig. Hehe. Saka baka nga daw makasanayan ni baby ganyanin everytime antukin eh mahirapan yung mag aalaga. Nagwowork din kasi ako. Baka daw hanap hanapin.

Magbasa pa
VIP Member

Yes pwedeng pwede. I remember nung 3 months baby ko almost 1 month kaming ganyan ang sleeping position. Nasanay nalang din ako matulong nang naka inclined. Nakapalibot lang sa akin mga unan para if ever mabitawan ko siya. Siya rin mismo umayaw sa ganyang position ng tulog dahil siguro naiipit na ang tiyan niya ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

Padedehin niyo po siya ng nakahiga (side-lying position) I-swaddle niyo po. Ang laking tulong po ng swaddle sakin kasi clingy din po talaga si baby lalo na pag growth spurt niya. Magplay po kayo baby music try niyo po na di masiyadong tahimik. Yung may konting white noise

Magbasa pa

ok lang yan. make sure na lang nasa.gitna.ka ng bed and nakapatong mga braso aa unan incase mabtawan si baby may support. ganyan kami ng first baby ko.. problema lang nasanay till now kahit 4mos.preggy ako gusto nya ganyan pa din kami matulog. hehe

naku mamsh ganyan talaga sila ๐Ÿ˜… mas komportable sila na gawing higaan ang dibdib at tyan naten ๐Ÿ˜ ako kapag nagigising sya papadedehin ko lang then burp tapos tulog na ulit. Ganun lang paulit-ulit na cycle kapag gabi โ˜บ

Magbasa pa
Post reply image

Okay lang na ganito matulog ang baby, ganito rin ginagawa ko sa baby ko nung newborn sya. Pero I make sure na inoorasan ko lang. Pag himbing na sya ibababa ko na sya agad. Sabi kasi masama raw na matagal nakadapa matulog ang baby.

Hi mommy, for the safety of your baby better if sa crib or sa bed po sya makatulog, after po nya mag burp. As per experience malaking tulong po ang swaddle...feeling of comfort ni baby ( effective up to 4 months)

Ganyan baby ko sis pero wag mo xa tulugan.. pag sa dibdib delikado... ginagawa ko pinapatong ko xa sa unan pero pakarga prin ung ulo nya sa braso ko parang feel nya karga parin xa mas comfortable nakkatulog ako...

Ganyan dn ako dati super clingy ni baby sakin pag tlog na at ibaba ay naggcng kaya gnyan dn gngwa ko pero for safety ni baby dpt ay ihiga mo nlng sya kse baka mya super tulog na tulog ka ay malaglag baby mo

Related Articles