Normal lang ba?

Normal lang po ba si baby gusto nya lagi matulog sa dibdib ko. Pag ilalapag na sya, nagigising agad. 5 weeks na ang baby ko. Natatakot kasi ako sa gabi since sa dibdib ko sya natutulog, nakakatulog na rin ako, naisip ko prone sa SIDS ang position namin. May marecommend ba kayo pano ko maibaba si baby sa crib nya? Thank you#advicepls #firstbaby #1stimemom #theasianparentph

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! Yes normal ma attach si baby saatin. Ganyan din baby ko, ayaw niya sa crib. May experience pako dati na sa sobrang antok ko ung face ni baby nasa tyan ko buti nagising ako. :( Totoo nakakatakot. Hindi naman naten maiwasan na biglang makatulog. I suggest na hanapan mo ng paraan para maibaba sa bed si baby wag muna sa crib then kapag malaki na pwede na siya sa crib. Saken kasi ganun ginawa ko

Magbasa pa