1110 Replies
Syempre hindi. Dapat mag paalam muna tayo sa ating asawa before tayo kumuha ng pera sa pitaka niya. Kahit pa sabihin nila na kuha lang pag need natin. Dapat may consent at mag paalam parin tayo sa ating asawa. Sa experience namin kasi mag asawa ,nag uusap kami if may bibilhin at kukunin or mga expenses atsaka nag papaalam siya sa akin pag kumuha dun sa pera namin tapos sasabihin niya ung bibilhin niya at ako din nag papaalam ako sakanya lalo nat ang sahod niya ay nakalaan sa daily expenses, billings sa bahay namin while ang sahod ko for savings at emergency expenses. Mas maganda parin na irespeto natin ang wallet at gamit ng asawa natin dahil iba parin ang respeto na ibibigay sau ng asawa mo kung ganun din ang ipapakita mo at ipaparamdam sa kanya na may privacy din siya. Lalo na kung dineclare naman at sinasabi ng asawa mo lahat ng benefits niya at alam din niya ang natatanggap mo.
saakin lang po ito ah. kasal kami ng asawa ko. same kami my work. And hindi po gumagamit ng wallet ang asawa ko, hehe. Kase iniiwan niya lahat ng income nia sa bahay namin. Para sa kaniya kase, pera niya ay pera namin, hindi kaniya lang. At ganon din ako sa kaniya. For me, kailangan padin ang mag paalam. Bilang respeto sa perang pinaghirapan niyang kitain sa pagttrabaho sa labas. Para din hindi siya nagugulat kung bakit nagkulang ang laman ng wallet niya, lalo na kung nagiipon siya at minomonitor niya ito. Hindi naman po kase sa pag-mamalake, ang asawa ko po kase ay walang bisyo at marunong magpahalaga sa pera niya, ang mindset niya po ay puro Future. Mahalaga na Dapat transparent kayo sa isat isa.
For me, it depends upon the situation. 🤣 Minsan ginagawa kong kumuha ng walang paalam, lalo na kung nahati ko na yung sweldo nya pero nakikita kong labis-labis pala ang natitira sa kanya. So instead gastusin kung saan (asawa ko lang ba yung gastador?) or ipang-inom (though occasional), idinadagdag ko na lang sa savings para sa panganganak ko. Although we are both gov't employee, public teacher po ako, PH navy sya. Pero yung sahod ko, sakin lang 😅 although promise, iniipon ko lang nang patago for our future din naman. Anyone? Who has the same attitude with me when it comes to managing our money?
kung emergency like tulog siya then kailangan na ng pambayad sa order namin (which is alam niyang may babayaran) then pag gising niya sinasabi kong kumuha ako ng gantong amount kasi binayad sa ganto o binili ko ng ganto. yun lang po. other cases like magnanakaw ako ng palihim sa wallet niya is not ok syempre. though live in partner na kami at lahat ng gastusin ko eh siya ang nagbabayad, hindi parin ok ang kukuha lang ako ng hindi niya alam na kinuhanan ko siya. isipin mo din ang pakiramdam na ikaw ang ginanon ng asawa o partner mo. syempre pangit tingnan db? need mo parin ipaalam sa kanya before hand na may gusto kang bilhin kaya need mo ng pera galing sa kanya.
Hindi ko kailangan gawin ito dahil ang asawa ko kusang nagbibigay sakin kada sahod niya, bukod pa allowance na para sakin at sa araw araw naming gastusin at pamasahe. Tiwala siya sakin hindi dahil magaling ako mag finance, kundi dahil sabi niya "responsibilidad ko ang magbigay sa asawa, dahil kung hindi ako magbibigay, walang masarap na kakainin ang buong pamilya at hindi magkakaroon ng peace of mind (ako at siya) pag hindi mabayaran ang mga bills." ayaw niya kasing nasstress ako, okay na daw yung siya maghirap sa pera wag lang kami ng anak ko. Pero okay din naman sa kaniya na kumuha ako sa bulsa o wallet niya ng hindi nagpapaalam. ✌️🤗
Hi for me kung binibigyan ka nmn ng pera ng husband mo bakit kukuha ka pa ng pera sa wallet niya diba... Ahm and bilang pagrespeto sa asawa mo dapat mag paalam ka or magsabi ka para sakin lang po yon pero iba iba naman kasi tayo ng pananaw sa buhay... Me kasi never ako nakikialam ng bag or wallet ng husband ko kasi kada sahod niya or pag may pera siya bigay niya lahat sakin.... Minsan nga nagugulat na lang ako ask niya may pera ka pa ala na magaabot pa siya ulit sakin galing sa wallet niya hnd ko alam na may pera pa pala siya kasi hnd nga ako nakikialam ng wallet niya bilang pag respeto ko sa kanya
hindi naman cguro masama basta igastos lng sa important needs nyu naman.. ung asawa ko bilang nya pera nya kaya pag kumuha ako alam nya yan hehe. kasi lahat ng sahod ni mr. binibigay naman sakin kaso lng binibigyan ko din sya pera sympre iba pa din if my pera asawa natin para incase of emergency masiraan sya ng motor or kung anu man jan. my right nmn din sya kasi pinag hirapan nya din yun. kaya d ko sya ginigipit kasi sometimes nagugulat na lang ako galing sya work my mga pasalubong sya fruits samin ni baby. nakakatuwa kaya ung ganun ung di mo sinasabihan kusa siyang my dala :)
as A respect sinasabi ko sa knya.. tulog sya whole day kasi night shift sya kng may bibilhin ako like ulam o my order ako dumating pag gising nya sinasabi ko. Siya kasi nag wowork now e bawal ako mag work lalo na maselan so stop sa work tsaka siya pinapahawak ko ng pera kasi magaling sya mag hawak.. So, as A respect sinasabi ko sa knya hindi naman siya nagagalit☺️ tatanongin nya lng ako if magkano kinuha ko, bilang nya kasi natira sa wallet nya😅😅 kasi pag uwi nya galing work nagtatabi agad sya para sa amin ni baby☺️☺️
Actually centralize ang wallet namin. Kahit sino sa aming dalawa pwede makakuha ng pera doon. Although may sariling wallet si mister pero laging walang laman bukod nalang kung may lakad sya. Pareho kami nagwo-work as massage therapist. Teamwork kami sa work. Hindi kami magastos. Kahit mas malaki income ko sa kanya, kapag may bibilhin, nagpapaalam pa din ako kay mister as respect (di naman din ako magastos) Kahit kailan di namin pinag-awayan talaga ang pera.
nasaakin ang 70-80% ng sahod ni daddy pero bihira kong bawasan yung sahod niya kasi pinag iipunan namin yung panganganak ko.. ang kinukuha ko lang sa sahod niya ay yung pambayad sa check up, meds and vits at kapag may gustong gusto akong kainin sinasabi ko muna sakanya bago ako kumuha. almost lahat ng sahod niya saakin pero i make sure na bibigyan ko rin siya ng pang gastos niya para sa sarili niya kasi pinaghirapan niya rin yung perang yun 😊