Share ko lang. Medyo mahaba pasensya na. Gusto ko lang maglabas dito ng inis ko
Ok naman saken na may hobby yung husband ko. Kasi nakilala ko na sya ng ganun and pareho kami mahilig sa sasakyan. Ngayon, binenta kasi nya yung isa namin sasakyan (which is daily use car namin) para dun sa project car nya bibilhan nya ng bago makina and iuupgrade. Ok lang na ibenta, as long as maglalaan sya ng pera galing don para kay baby. Kasi yung sasakyan na yun ang ginagamit ko na pagpunta sa OB at kung saan saan pa. Nagbigay naman sya ng pera para isama sa ipon namin. Now, naiinis lang ako kasi kahit binigay nya na saken para itabi, onti onti naman nya hinihiram kasi baka magkulang daw yung natira pera para sa parts ng sasakyan. Dami na kasi pinalitan na parts nung sasakyan and labor pa ng pagpagawa. Normal lang ba na mainis? Kasi may ipon naman kami na iba, pero naiirita parin ako. Ayoko nalang magsalita sakanya kasi baka isipin nya inaaaway ko sya dahil sa pera. Para saken kasi feeling ko inuuna nya pa yung sasakyan kesa sa ibang bagay na importante. Gusto ko kasi sobra yung ipon hanggat maaari ayoko muna maglalabas ng pera at gagastos. Tapos parang di pinagisipan yung ginawa nya. Biglaan lang na gusto nya iuphrade sasakyan. Hindi ko naman din magagamit kasi sobra lowered nun para saken. Ano ba dapat ko gawin? Baka mamaya ang babaw ko. ??