Ok lng po ba gnito ang pusod ni baby?mg 3weeks n xa s 23
Ok lng po ba gnito ang pusod ni baby?mg 3weeks n kmi s 23,ano b dpat q gwin pra maalis n pusod nia
Hi. Sabi ng Pedia sakin dati, normal lang dumugo ng konti at magkaroon ng konting nana. Kasama na sa healing process niya. Wag lang sobrang dugo at nana to the point na bumubulwak, lumalabas/oozing, tumutulo or tumatagas na, yun ang hindi normal. Bago pa kami umuwi galing hospital, tinanggalan na rin ng clip sa pusod yung baby ko at ang advice lang, 1. huwag bigkisan, 2. tupiin or gupitin yung taas ng diaper para hindi masagi ng diaper yung stump, 3. huwag na huwag basain, at 4. laging patakan (kahit mga 3 patak) ng 70% Ethyl Alcohol 2x a day or every diaper change. Ituloy-tuloy mo lang kahit na natanggal na yung stump (yang malaking part na yan) para tuluyan ng mag hilom.
Magbasa pamomshie ganto gawin mo base sa experience at turo po ng mga nakakatanda sa akin mas maganda po sana naka clip yan kase yung akin sa baby ko naka clip paglabas sa hospital tapos ginawa ko kumuha ako bulak na hugis naka pahaba tapos inikot ko then bigkis ko at binuhusan ko alcohol 8 days tanggal na po lagi mo lng buhusan alcohol nun mommy para matuyo agad. if wla clip pwede nmn cotton balls lng lagyan mo 70% alcohol
Magbasa paPa pedia mo na mii para mas sigurado. bakit wala pong clip? Baby ko nun with clip 1week lang tuyo na ang pusod at natanggal na kada palit ko ng diaper nya nilalagyan ko din alcohol pusod nya saka di po kami nagbigkis. Yung diaper naman tinutupi ko para di masagi yung pusod nya
70% alcohol mommy yung gilid ng pusod ni baby itap tap niyo lang po dun para matanggal at matuyo na ang pusod niya.. pagtapos maligo at pag lilinisan niyo katawan ni baby isabay niyo po paglinis rin ng pusod
3x a day buhusan lang alcohol yan, mas safe padin lagyan ng bigkis para di nadadanggil lagi.. effective ang alcohol at yun din sabe sa hospital 3x lagyan para mas mabilis matuyo at gumaling..
Siguro po nababasa nyo yan habang naliligo dapat po hindi, and 3x a day or kada palit ng diaper patakan po ng alcohol sobrang effective pang pabilis matuyo. Proven and tested!
bakit po parang walang clip? better to check na po sa ob mams para safe si baby. sa baby ko po kasi one week na natanggal na po alcohol masm lagyan niyo po
Iwasan po munang mabasa pag maliligo si baby. Buhusan po ng alcohol yong pusod and use cotton buds para linisin yong gilid2 at least twice a day.
every time na magpapalit ka ng diaper patakan mo alcohol pra mabilis matuyo. sa baby q 4 days lng tanggal na.. saka bakit po walang clip
wag nyo po bigkisan para makasingaw at mag dry. Lagyan ng 70% alcohol. Sa Lo ko wala pang 1 week natanggal na sya ng kusa.