manhid at manas

normal po ba 7mons preggy nako, grabe mamanhid yung kamay at paa ko. tapos minsan hindi ko matiklop mga daliri ko dahil sguro sa pamamanas, tapos may part na sumasakit sa kamay ko pag may nabuhat ako na di naman ganun kabigat. parang naiipitan ng ugat ganun, ano kaya to. hays! grabe na din manas ng paa ko di naman ako panay tulog naglalakad lakad naman ako.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same Mamsh yung ring and middle finger ko simula nung nag 7 to 8 months ako laging masakit, kumikirot, parang nag lolock. Lalo na bago matulog at pag gising ko naka tupi dalawang daliri ko tapos alam mo yung feeling na mawiwindang ka kasi di mo siya kaya ibuka or itiklop ng kusa. Kelangan tutulungan pa ng isa mong kamay or kay Lip tapos nakakatakot pa eh minsan pag pinilip mo ibuka yung daliri mo parang mapuputol na marupok.

Magbasa pa

Avoid po yung mga soft drinks and juices po..yung may mga kulay na beverage..just water and milk lg for baby..avoid prolong standing ..dahil po kasi sa bigat na nang tyan masyadong nang na.ppreasure ang paa kaya nag ccaause ito nang pamamanas..try to elivate ur feet while sleeping you can put pillows..also pag masyadong maga babad daw sa maligamgam na water ang paa ..mawawala ang pamamanas after ilang minutes..😊😊😊

Magbasa pa

Ganyan din ako kahit phone lang hawak ko minamanhid na sya tska maga rin paa ko pero nalalakad ko naman kahit papano pero ang sabi sakin normal daw magkaroon ng manas kahit nag lalakad. pwede mo rin sya itapak sa mainit like sa labas maglalakad ka basta mainit yung tatapakan mo.

Ung sa kamay na sumasakit kung bandang wrist mo could be carpal tunnel syndrome, sa akin naalis siya after ko manganak. Sabi ni OB normal naman daw. Ung manas, elevate mo ung paa mo lagi pag nakahiga ka or nakaupo, tapos avoid ung mga masisikip na pants or shoes, at maaalat na pagkain.

6y ago

Hindi naman momsh, ingat lang sa pagkilos kasi pag nabibigla, sobrang sakit nya. Un akin before isang kamay lang tapos mga 8mos na ko naging kabilaan na siya. Pero para panatag ka consult mo si OB pag nagpacheck up ka. Ung akin kasi wala naman gamot binigay si doc.

Ganyan na ganyan po ako now.. lalo pag gising sa umaga mas dimo matiklop kamay carpal tunnel syndrome ata yun twag. then cramps sa binti hirap tumayo sa umaga. 7mos preg po ako nagstart ako nyan nung 6mos. Tinanong ko sa ob ko normal nman dw. After manganak pa mwawala yan.😊

VIP Member

Mamsh bawas sa maalat and dapat galaw-galaw kahit ung mga magagaan lang na gawaing bahay. Turning 7 months na ko pero so far di pa ko minamanas. Try mo din ipatong mga paa mo sa unan habang nakahiga ka baka makatulong na mag circulate ng maayos ung blood mo.

Sabi nilsa sakin pag ganyan daw mamsh Exercise ka every morning lakad lakad without slippers. Wag ka din Iinom ng softdrinks and yung mga stick foods.

VIP Member

Mommy iinom mo ng water yan iiihi mo rin yan. Ganyan rin ako at sabi ng doctor ko tubig lng ang katapat nyan alat kasi yan mami.

Naranasan ko din po yan. Tell it to your OB. May ibibigay shang gamot para dun. Nerve vit. yung binigay nya sakin then ok na

same tayo momshie 7months preggy na din ako ngayon.. minamanas din at namamanhid pa mga kamay at paa ko tuwing gabi..